Chapter 12 - Locked
Mabilis kong nilakad ang madilim na hallway. Sobrang late na! Lowbatt na rin ako at baka nag-aalala na sila Mama. Iba pa naman manermon si Mama sa akin, halos hindi ko na maintindihan sa sobrang bilis. Bakit kasi ako pa ang binoto nila para maging kinatawan sa year level ng education department para sa Educational Camp na magaganap? Mukha ba akong may pakialam sa ECA? Ni-wala nga akong pakialam sa mga activities ng university na 'to!
Inayos ko ang pagkakasabit ng bag sa aking likod.
Napahinto ako sa paglalakad nang may maalala."Shit."
Agad kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko at tinawagan si James. Kahit kailan talaga makakalimutin ako.
"Miss mo na ako agad?"
Napairap ako sa kawalan nang marinig ang pambungad niya."May naiwan ako."
"Alin?"
"Yung—" Awtomatikong napataas ang kilay ko nang hindi niya ako pinatapos.
"Yung puso mo? Nasa akin. 'Wag ka mag-alala, iingatan ko." Aniya, nagpipigil ng tawa.
Napatulala ako. Anong pinagsasabi nito? Akala niya ba mahuhulog ako sa mga... nahulog na pala ako. Sa tuwing ganyan siya, hindi ko mapigilan na hayaan ang sarili kong maghukay ng mas malalim. Maghukay ng mas malalim hanggang sa hindi ko na kaya pang umahon. Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi na ako makaka-ahon pa. Masakit na 'yung taong dapat kasabay mong maghukay, nahulog na pala sa iba.
Lumunok ako bago nagsalitang muli.
"Yung paper bag ko naiwan ko ata sa katabing room ng room niyo."
"Ano? Teka may klase ako." Halakhak niya.
"Ano naman? Lumabas ka lang sandali!" Singhal ko.
Ramdam ko na may binabalak na naman siya kaya siya ganito!"Ano? Mamaya. Antayin mo ko. Magagalit na 'yung prof namin. Bye, babe."
Napa-awang ang bibig ko, tinitigan ko ang screen na nagsasabing call ended.Punyeta! Ano na namang pumasok sa isip niya?! Hindi siya kailanman nagkaroon ng pakialam kung galit na ang prof niya!
Huminga ako ng malalim at nag-angat ng tingin.
Empty hallway with the lights off is the worst scenery. Nakakapangilabot pero dahil pinanganak ako na hindi tinatablan ng takot ay ayos lang.Nang umihip ang malamig na hangin ay mas nagsisi ako dahil nasa loob ng paper bag ang jacket ko.
Nagtiim-labi ako at umakyat na sa 3rd floor ng Engineering bldg kung nasaan si James.
Buti na lang ay may ilan pang ilaw na bukas dahil sa iilan na room na nagkaka-klase pa. Ewan ko ba kung bakit may klase pa sila ng 7pm ng gabi. Masyadong nagpapaka-dalubhasa. Mahirap ba talaga ang course nila? Nung nakita ko isang beses ang mga sulat sa blackboard nila ay halos mapanganga ako sa dami ng formulas.
Huminto ako sa may tapat ng room nila. Sinilip ko ang katabing room nito kung saan ko naiwan ang paper bag ko pero sarado na ito.
Sinilip ko sa James sa room nila. Kinagat ko ang labi ko nang makita na nakatungo lang ito at hindi nakikinig.
Tinignan ko ang relo ko, eksaktong 7 na pero bakit hindi pa sila pinalalabas?
Sumandal ako sa pader, hinimas ko ang braso ko nang manuot na rito ang lamig ng hangin.
"Tara na! Saan tayo?"
Tumuwid ako ng tayo at umiwas sa mga lalaking naglalabasan sa pinto.
Napataas ang kilay ko nang balingan ako ng ilan bago pagmasdan.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...