Chapter 39

34 1 0
                                    

Chapter 39 - Notepad

Pagkagising ko ay walang James akong naabutan sa paligid. Tanging nakita ko lang ay ang note na halatang sulat niya dahil na 'rin sa pangit na stroke ng bawat letra.

Napangisi ako sa naisip.

Nadine,

Hahanap lang ako ng shop na may wifi, I need to contact my manager about something. May kikitain din akong staff ng isang magazine. Eat that food I prepared for your breakfast. I'll be done after lunch. Nakapag-handa na rin ako ng lunch mo, initin mo na lang.

Gwapo mong bestfriend.

"Hindi niya nabanggit ang usapan namin sa Paceo Park," bulong ko sa sarili.

Nagkibit-balikat na lang ako.

He will surely come anyway.

Pinaypay ko ang papel na sinulatan niya pagkatapos ay tinignan ang pagkain na sinabi niyang hinanda niya para sa akin.

"Tatlong hotdog, dalawang scrambled egg, limang tuyo, isang kawaling fried rice.."

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya dahil tingin niya sa akin parang patay-gutom lagi o matutuwa ako dahil hanggang ngayon ay alam pa rin niyang malakas akong kumain sa umaga.

Pagkatapos kong mag-almusal ay pinasyal ko si Clarky sa dalampasigan. Bumili na rin ako ng kailangan namin para sa mga susunod pang araw. Nang pumatak ang alas tres ng hapon ay nagtungo na ako sa Paceo Park.

Inayos ko ang pinagawa kong pendant kanina para kay Clarky sa kanyang leeg. Gold ang kulay nito na may nakaukit na pangalan niya. Regalo ko na rin 'to sa kanya sa kanyang kaawaran ngayon.

Parang kailan lang kasya pa siya sa mga kahon ng sapatos namin ni James ngayon ay hirap na akong buhatin siya ng ilang oras. Lumaki na talaga ang baby ko.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

Hindi gaanong matao ngayon dito sa Paceo Park kaya perfect time ito para sa mga gustong mamasyal ng payapa. Tanaw mula sa kinatatayuan namin ang maalon na dagat. Ang paghampas ng alon sa batuhan ay nagsisilbing musika sa pandinig ko. It always makes me calm.

"Miss!"

Napahinto ako sa paglalakad ng harangin ako ng isang lalaki.

"Mababangga ka na, tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" kalmado pero malakas niyang sinabi.

Napatingin tuloy samin ang ilang nakaupo sa 'di kalayuan.

Mahigpit kong niyakap si Clarky sa aking bisig bago tumungo para bumulong ng paumanhin sa lalaki.

Bahagya kong ginalaw-galaw ang leeg ko at mukha para makondisyon ang aking katawan. Huminga ako ng malalim bago muling naglakad.

How can I not see that coming?

Umiling-iling na lang ako.

Pumasok kami sa isang shop kung saan punong-puno ng souvenirs na pwedeng  ibigay o ipang-regalo.

Pinagmasdan ko ang isang couple shirt na tiyak ay babagay kila Gaizer at Hazel dahil sa disenyong malaking letra ng G at H na may heart finger sa magkabilang pocket sa dibdib.

Dinampot ko lahat ng mga bagay na alam kong magugustuhan nila kapag ibinigay ko. Pati ang Mama at ang Papa ni James ay binilhan ko rin ng kung ano.

"Ma'am may free notepad po kayo dahil more than 4,000 pesos po ang nabili niyo." ani Cashier sabay abot sa akin ng isang notepad na may calligraphy design sa pabalat ng "Save me, I need your love before I fall."

Napangiti ako nang may sumagi sa aking isipan.

"Thank you." aniko sa babae bago lumabas.

"Save me, I need your love before I fall.." basa ko sa calligraphy design sa pabalat ng notepad na binigay sa akin.

Muli, napangisi ako.

Tinignan ko ang orasan ko at napasimangot ng mapagtantong isang oras mahigit ng late si James sa usapan namin. Tinignan ko saglit sa tabi ko si Clarky na tahimik lang na nakamasid sa malayo bago ko binuklat ang paunang pahina.

"Property of Nadine Haven Lustre"

Sinulat ko sa paunang pahina. Pinirmahan ko rin sa baba at nilagyan ng isang palatandaan.

"Yours, yours, yours but nevermind."

Binuklat ko ang pangalawang pahina. Tumingala ako para mag-isip ng kung ano bang pwedeng isulat bago nagpatuloy.

I will try to write a short poem today.

"Hmm.." nilagay ko sa tapat ng aking labi ang ballpen bago nagsulat.

I wanna keep breathing
And be yours
I wanna keep walking
And be your course

Come, come and listen to my heart
It is always calling for your name
Come, come and baby save me
Although our heart doesn't beat the same

Save me, give me your hand
Save me, I need your hand
Save me, I need your love
Save me, I need you

But then I fall..
I fall before you
I fall, where are you?
I fall, and you?

Pinikit ko ang mata ko ng mariin bago isinarado ang notepad.

Writing your thoughts in the paper somehow helps you ease the pain.

Luminga-linga ako sa paligid at nagbaka-sakaling makita si James pero wala. Alas singko na at halos papalubog na ang araw ngunit wala pa siya.

Baka napasarap ang kwentuhan niya sa staff? O kaya ay may emergency? Sabi niya tapos na siya ng after lunch?

Huminga ako ng malalim. Hindi kaya nakalimutan niya? O.. hindi niya talaga inalala?

Tumayo ako para maglakad-lakad habang nag-aantay.

Pupunta iyon. Hindi niya ako kayang tanggihan. Imposibleng hindi niya ako siputin.

Naka-ilang tayo't upo na ata ang nagawa ko sa makalipas pang tatlong oras nang mapagdesisyunan kong maglakad na para pumunta sa bar kung saan niyayang pumunta si James.

Nakalimutan niya nga.

"Clarky!"
Hinabol ko si Clarky nang bigla itong manakbo nang marinig ang malakas na pagkulog.

Madilim na at tanging ang mga poste ng ilaw na lang at ang buwan ang nagsisilbing tanglaw.

"Clarky.." hinagod ko ang balahibo niya bago binuhat.

Hindi pa ako nakakatayo ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil nasa sa lakas ng ulan at dilim ay walang masisilungan akong maaninag kahit sa malayo.

Itinago ko si Clarky sa aking polo shirt bago tumakbo ng mabilis.

"Shit!" mura ko nang maramdaman ang pagkirot ng dibdib ko.

Isang tahol ni Clarky ang nagpabalik sa akin sa reyalidad at muling tumakbo. Pero bago pa kami makalayo ay biglang dumilim ang paningin ko. Pinilit kong tumayo ng tuwid sa gitna ng madilim at aysoladong daan habang bumabayo ang malakas na ulan at hangin. Naibaba ko sa aking bisig si Clarky dahil parang biglang nawalan ng lakas ang mga braso ko.

"Bakit ngayon ka pa nakalimot.." napabulong na lang ako sa aking sarili.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko nabitawan ang notepad na dala-dala ko.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon