Chapter 2 – Other Half
Binitbit ko ang skateboard bago lumapit sa kanya. Napalunok ako ng makita ang init ng kanyang tingin. Ano na naman?
"Dito ka lang. Diba sabi ko ako ang magtuturo sayo?" iritado niyang wika.
Beastmode si taba. Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa.
Umupo ako sa likod ng jeep na nakapark sa parke.
"Naddie!" napaiwas ako kay Hazel nang biglaan siyang umupo sa tabi ko at kumapit sa braso ko. Kahit kailan talaga ang ligalig nitong babaeng 'to.
"Alam mo ba na naiingit ako sayo.." ngumuso siya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. Ba't naman? Sa ganda niyang yan? Nakakainggit nga ang katawan niya.
"Ang ganda mo kaya! Yung bagsak mong buhok na laging nakatali, yung pares ng mala-pusang mga mata mo.. Yung magandang legs mo.. yung pak! Strong jaw! Inggit na inggit ako sa panga mo!" histerikal na aniya.
Napatawa lang ako na naiiling, "Wala namang espesyal sa panga ko."
Inirapan niya ako. "Anong wala?! That is your asset, babe. That kind of strong well sharp jaw line is rare!"
Napatawa naman ako.
"Pero realtalk girl, kung hindi ka lang talaga ganyan." Turo niya sa damit ko. "Kabog mo yung crush niyang bestfriend mo!" binalingan ko ang tinuro niya. Si James.
Ginalaw-galaw ko lang ang paa ko bago muling bumaling sa kanya.
"Hindi mangyayari yun.. hindi kailanman mangyayari yun.." wika ko.
"Ay! Ang nega mo girl! Bagay kaya kayo! Payat tapos mataba? Numero dies kayo 'pag pinagtabi! Isa kaya ako sa tagalayag ng bangka niyo!" halakhak niya.
Ako at siya? Parang ang hirap isipin bilang isa. Kahit naman gusto ko siya kailanman ay hindi niya masusuklian iyon. Dahil ang paningin niya nakasentro lang sa isang tao. At hindi ako yun..
"Get one whole sheet of paper!"
Agad kong binalingan si James na papadukot na sa bag niya.
"Pengeng papel!" mariin kong bulong.
Ngumuso siya. "Estudyante ka ba talaga?" panunuya niya. Nang inilapag niya ang isang pad niya sa desk niya ay ako na mismo ang kumuha. Binuka niya ang bibig niya bilang protesta pero hindi na niya iyon natuloy.
Humilig ako sa kanya at kinagat ang tenga niya. "Salamat!"
Nakita ko ang pagpula nun. Pinagalaw-galaw ko lang ang kilay ko.
Binalingan ko ang kaklase ko sa gilid nang lumingon siya sa akin. Pinakita niya sa akin ang daliri niya. "Anong sagot mo sa #4?" nilabi niya iyon.
Tinignan ko muna si Ma'am bago ko tinignan ang papel ko na blanko pala sa numerong sinabi niya.
Kinalabit ko si James na seryosong nakabaling sa pisara. Wow. Kahit kailan talaga ang talino nitong si taba!
Nginusuan niya ako. "Ano?" bulong niya.
Nginitian ko siya ng matamis.
Napatuwid siya ng upo at sinamaan ako ng tingin.
"Anong number?" walang emosyon niyang tanong.
Napangiti ako ng malapad nang alam niya na agad ang tinutukoy ko kahit hindi ko pa sabihin.
Pinakita ko ang daliri ko sa kanya na naka-4. Napailing-iling nalang siya na parang natatawa.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...