Chapter 25 - I'm Always Here
"Nadine!"
Malamya akong nag-angat ng tingin sa Professor ko na halos umusok na ang ilong sa inis sa akin.
"Stand up!"
Walang gana akong tumayo. Nakita ko pa ang pag-alala sa mga mata ni Hazel at Bret na katabi ko lang.Huminga ako ng malalim. Napapikit ako ng makaramdam ng hilo.
"Care to explain what is Sigmund Freud's—"
Hindi na natapos ang sinasabi ng Prof ko dahil bigla na lang akong nakaramdam ng pag-ikot ng paligid at maya-maya'y nilamon na ng dilim.
"Bakit kasi pumasok pa siya?"
"Eh ang alam ko ayaw na siya ni Tita papasukin.."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi na siya kayang pag-aralin, Bret. Ewan ko ba kung bakit pumasok pa si Nadine, halata namang kailangan niya ng pahinga."
Kinusot ko ang mata. Una kong nakita si Hazel na nakaupo sa may paanan ko, tapos si Bret na nasa sofa.
Masakit ang ulo ko pati na 'rin ang sikmura ko. Dalawang linggo matapos mamatay si Papa ay parang naging impyerno na ang bahay namin. Nag-iba si Mama. Tuwing uuwi siya galing sa kung saan ay lasing at nakasigaw. Ang usap-usapan ay nagsusugal ito halos araw-araw. Kung hindi siguro kami bibigyan ni Tita Belle ng pagkain ay hindi kami makakakain ni Noemi, tatlong beses sa isang araw. Hindi na rin sapat ang pera ko para sa baon naming dalawa ng kapatid ko.
"Tumigil ka na nga, Nadine! Wala akong mapapala kung mag-aaral ka! Kaya ba kaming buhayin ng pagsusunog mo ng kilay?"
"Ma.."
"Maghanap ka ng trabaho! Hindi ka ba naaawa sa kapatid mo?"
Napahikbi ako.
"Ma, kailangan kong tapusin ang pag-aaral ko."
"Wala na tayong ipon. Hindi na kita kayang pag-aralin."
Agad kaming napabaling sa biglang pagbukas ng pinto. Nagtiim-labi ako ng hingal na nagpakita doon si James.
"Anong nangyari?" pambungad niya.
"What happened, Hazel? Is she sick?"
Ngumuso si Hazel at tumayo na.
"Una na kami, Nadz! Tawag ka lang kapag may kailangan ka."
Bahagya akong tumango kay Hazel bago binalingan ang humahangos pang si James.
"Diba may klase ka ng ganitong oras?" nanghihina ko pang ani.
Umupo siya sa gilid ko bago pinasadahan ng daliri ang kanyang buhok. Dismayado siyang tumingin sa akin.
"I'll ditch every class just to make sure you're okay."
"I don't want you get expelled."
Parang mas lalo siyang nairita sa sinabi ko.
"So what? Nadine for Pete's sake! Answer me.."
Nagngilid ang luha ko ng huminahon ang boses niya.
"Are you okay? Are you having an anxiety attack after.."
Dahan-dahan akong umupo. Lumapit pa siya para mas lalo niya akong matitigan.
"I'm fine."
"Liar."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Napalunok ako ng titigan niya ako na parang nagagalit na siya sa akin.
"How could you be so secretive? I'm your best friend, Nadine. I know everything about you, so why are you hiding what you feel right now?"
Tumulala ako sa kanyang harap.
"Kapag sinabi ko ba ang mga problema ko sayo, masusulusyunan? Kapag ba sinabi kong namimiss ko si Papa, babalik siya?"
Bahagyang umawang ang labi niya.
"Kapag ba sinabi ko sayong malungkot ako, sasaya ba ako? Hindi naman 'diba? Useless din."
"Nadine.."
"James, ano bang pakiramdam 'pag masaya ka? Nakalimutan ko na ata."
Namungay ang mata niya. Lumunok siya bago tumayo.
"Tara, may pupuntahan tayo."
Aniya na siyang nagpataas ng kilay ko.
"Wala bulok! Yan na ba pinagmamalaki mo? Bulok!"
Napatawa ako ng ismidan niya ako."Kapag natalo ko score mo, who you ka sa akin!"
Mas lalo akong humalakhak ng sa bandang huli ay mas mataas pa rin ang nakuha kong score kaysa sa kanya sa basketball game sa arcade."Fuck fuck fuck! Don't touch me!"
Pigil na pigil ang tawa ko nang pumasok kami sa Horror house ay kanina niya pa 'yan sinasabi sa mga nasasalubong namin na humahawak sa kanya. Hindi naman talaga nakakatakot, nakakagulat lang ang mga pagsulpot nila idagdag pa ang creepy na sound effects.
"Don't touch me you— ah shit!"
Halos mapunit na nga ang laylayan ng jacket niya na suot ko dahil sa maya't maya niyang paghila.Paglabas namin ay tawa lang ako ng tawa sa itsura niya. Hinubad ko ang jacket at pinasuot muna sa kanya.
"Sakay tayo dun." turo ko sa carousel na punong-puno ng bata.
"No way," hindi makapaniwalang aniya.
"I'm serious." ngisi ko sabay hatak na sa kanya.
"Ah Nadine! How old are you? Three? God no!"
Huminto ako at nginisian siya.
"Ang mauna pwedeng humingi ng tatlong wish sa mahuhuli. One, two, three, go!"
Humalakhak ako ng mauna pa siya sa akin sa pila. Pinandilatan niya ako kaya mas lalo akong natawa.
"You owe me three wishes to grant."
Tumango ako, nangingiti.
Panay ang simple kong pagkuha sa kanya ng litrato habang nakasakay sa umiikot na kabayo. He's too big for that pink cute horse!
Napangiti ako.Habang isinusuot niya sa akin ang jacket niya ay nakatingin lamang ako sa kanya.
"Anong gusto mong sunod na sakyan?" ngiti niya sa akin.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya kaya nang mapansin niya iyon ay pinindot niya ang ilong ko at pinangigilan ang pisngi ko.
"Ikaw." aniko bago umikot para sumampa sa likod niya.
Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang leeg.
"James.."
"Hmm?"
Humilig ako sa kanyang leeg, "Salamat."
Thanking him is actually not enough. Siguro kung wala si James para sa akin ay nalugmok na ako ng sobra. Kung wala siya dito para pasayahin ako ay baka nabaliw na ako sa kakaisip ng solusyon sa mga problema ko.
Ibinaba niya ako kaya napanguso ako.
Malapit nang magtakip-silim. Soon it will be dark enough to see the bright stars. Stars that will light the gloomy night of our lives.
Sana lagi silang nandyan para lagi ring maliwanag ang malungkot na gabi ng bawat isa.Hinawi niya ang side bangs ko.
"When you're having a bad day, call me. When you're lonely, call me. When you need someone, let me be that one. Always look for me. I'm always here."
Napatitig ako sa kulay kahoy niyang mga mata.
Sana hindi na lang matapos ang araw na ito. Sana lagi na lang siyang nandito sa tabi ko. Sana lagi siyang nandyan para pasayahin ako. Sana.. hindi na dumating ang bukas. Kasi baka bukas.. mawala lahat ng ito.
Nginitian ko siya bago niyakap.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...