Chapter 28

45 3 0
                                    

Chapter 28 - Microphone

Kahit na gusto kong tanungin si Calista kung paano niya nalaman ang pangalan ko ay hindi ko magawa dahil hindi na ako makalapit sa kanya. Nag-uumpisa na ang shooting nila para sa isang eksena.

Sobra akong namangha ng bihisan siya ng pangabayo. Parang kahit anong ipasuot sa kanya ay babagay lahat. Ang kanyang natural na kulot sa dulot na buhok at mahabang pilik-mata ay natatangi. Di nakapagtataka na sikat siyang artista ngayon at maraming fans.

"Nadine!" binalingan ko si Tita Mayumi. Agad niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Okay ka lang ba?"

Tumango na lang ako. Nawala na sa isip ko ang mga bastos na lalaki kanina. Sana lang ay hindi ko na sila makasalubong o makita.

"Buti nakita kita agad. Alam mo bang may bago ka nang trabaho?" maligaya niyang sabi. Napataas ang kilay ko.

"Kanina pinuntahan ako ng manager ni Calista, gusto ka daw maging personal assistant ni Calista!"

Namilog ang mata ko.

"Talaga?" Hindi ko alam pero gustong-gusto kong maging assistant ni Calista, bukod sa malaki na ang sweldo ay.. may isa pang rason.

"Binabantayan mo ba siya? Sige, siya siya. Alis na ako."

"Salamat, Tita." beso ko.

Pinanood ko sila habang nag-uulit ulit ng mga scene. Naaawa na ako kay Calista dahil kanina pa ata siya naiinitan dahil sa suot niya. Hindi pala talaga biro ang maging artista. Akala ng madla ay isang take tapos na pero hindi nila alam umaabot sa higit pa doon para lang maging perfect ang isang eksena.

"Excuse me, Miss."

Pinagmasdan ko si Calista Mayer. Ang babaeng in demand ngayon na artista. No wonder James fall for her. Her beauty is like water— clear and pure. She's too clear to be a mess. Parang hindi makakagawa ng kasalanan. A living saint in earth.

"Oops!"

Agad kong iniwas ang mga gamit ni Calista. Napatingin ako sa damit kong basang-basa dahil sa natapon na tubig galing sa mga plastic cups na dala ng babae.

Naningkit ang mata ko nang makita ang mga lalaking nakaaway ko kanina na nagngingisian sa gilid.

"Sorry, Miss. May bumangga kasi eh."

Napatingin na sa banda namin ang ilang mga staff.

"Quiet set!" napatungo ako nang biglang sumigaw ang director.

Kinagat ko ang labi ko at pinigaan ang damit ko.

"Wait lang po, Direk."

Napaangat ako ng tingin kay Calista nang puntahan niya ako.

"Change your clothes, Nadine. You're soaking wet." aniya habang tinitignan ang suot ko.

"Wet enough to see her undies."

Sabay kaming napabaling sa lalaking parang paos na nagsalita sa gilid. Awtomatikong lumipad ang kamay ko sa aking hinaharap bago tumalikod at tumakbo ng makita siya.

Si..

"You're rude, James." rinig kong bulong ni Calista.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Pagdating ko sa CR ay agad akong nagkandado. Humarap ako sa malaking salamin.

I'm way too far from his girlfriend's beauty. Noong si Ev ang kinababaliwan niya ay parang okay lang sa akin dahil alam kong masama ang ugali ng babae pero ngayon ay parang nakahanap ako ng katapat. Hindi nga ata katapat dahil sobrang layo ng agwat namin. Sa ganda pa lang niya at kasikatan ay talo na ako.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon