Chapter 22

43 4 0
                                    

Chapter 22 - Papa

May practice sila para sa nalalapit na basketball game pero hinatid niya muna ako pauwi.

Sumakay ako sa motor niya. Siya na mismo ang nagsuot sa ulo ko ng kanyang helmet nang nakatulala lang ako.

"Hindi kaya masita tayo kasi ikaw wala kang helmet na suot?"

"Kapag ganitong oras, nagme-merienda ang mga bantay sa Cardona kaya 'wag ka mag-alala."

Nagkibit-balikat na lang ako. Oo maingat si James magmaneho lalo na kapag ako ang angkas niya pero hindi mawawala sa akin ang mag-alala. Mahirap na, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Kaliwa't kanan pa naman ang aksidente ngayong panahon na ito. Parang kung susumahin ay nasa peak season ang tanggapan ni San Pedro sa langit.

"Kumapit ka ng mahigpit," Sinunod ko naman ang sinabi niya.

Naramdaman ko ang pag-kalma ng katawan niya.

Sumandal ako sa likod niya nang mahinto ang motor sa kung anong traffic sa unahan.

Sumilay ang ngiti ko.
Maghapon kami sa school pero hindi kumukupas ang bango niya. Magkano ba ang pawis niya at makabili nga.

"May naaksidente ata." deklara niya kaya napa-angat ako ng tingin.

Kahit medyo malayo mula sa amin ang pinangyarihan ay tanaw ko iyon.

May isang motor na nakahandusay sa kalsada kasama ang sakay nitong tatlo. Sa bandang unahan 'non ay may pampasaherong jeep na halos mayupi ang harap na parte sa lakas ng impact.

"Patay na ata,"

Bigla tuloy akong kinabahan.

"James, sa susunod 'wag ka nang magda-drive ng walang helmet na suot. Last na 'to." Dinungaw ko siya.

Nilingon niya naman ako. Ang kanyang ayos na kilay ay nakakainggit. Natural iyon at hindi na kailangan pang ahitin pa. Sana ay ganun na lang ang akin.

"Are you worried?" may halong panunuya iyon. Hinampas ko siya.

"Okay lang na mamatay ka noh! Ang ayoko lang ay masama ako! Mahal ko pa ang buhay ko!"

Ewan ko kung narinig niya ba iyon dahil may suot akong helmet.

"Hindi na lang sabihin na nag-aalala siya e, andami pang sinabi." bulong-bulong niya bago pinaandar muli ang motor.

"Dito nalang," aniko nang makarating kami at bumaba na.

Iniabot ko sa kanya ang helmet. Tinignan ko siya.

"Oh?" taka kong tanong nang mapansin na parang may hinihintay pa siya.

"Bayad mo? Isang oras kaya akong bumyahe! Babalik pa akong school!" maktol niya.

Pinagtaasan ko siya ng kilay. Kasalanan ko? Tadyakan kita eh!

Nagkamot siya ng batok sa reaksyon ko, "Grabe kahit thank you wala man lang," bulong niya.

"Sige! Magtetext ako kapag naka-uwi na ako. Tumawag ka huh?"

Tumango lang ako. Kahit naman hindi niya ipaalala iyon ay gagawin ko talaga.

Parehas kaming napabaling sa batang dire-diretso sa motor ni James lulan ng kanyang bisikleta.

"Ipidal mo, Daze. Sa kaliwa!" Turo ng ama sa anak.
"Pasensya na." Paumanhin ng ama kay James nang muntikan nang mabangga ng bata ang harap na gulong ng motor.

"Ayos lang po,"

Natigilan ako. Napatitig ako sa mag-amang nasa harapan ko.

"Ipidal mo, Nadine. Hawak kita 'wag kang mag-alala." ani Papa.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon