Chapter 15

57 4 0
                                    

Chapter 15 - Game


Tahimik akong naupo sa may sofa habang napapalibutan ng mga 'di kilalang tao. Pamilyar ang mukha nila, schoolmate ko ata pero dahil hindi naman ako kilala o popular sa school ay sa mukha ko lang sila kilala.

"Ah guys, si Nadine." Pakilala sa akin ni Bret sa lahat.
Tipid akong ngumiti nang lumapit ang iba at magpakilala. May ilang babaeng tinignan lang ako at hindi na nag-abala pang lumapit. Ipinagkibit-balikat ko lang iyon.

"So okay na? May partner na lahat?" Ani ng lalaking nagpakilala bilang Namjoon kanina. Makikita sa tangkad at kutis niya na hindi siya purong Pilipino. Idagdag pa ang mata niyang natatangi. Bret's circle of friends is not that bad. I find everyone naughty yet nice. May pamilyar na mukha na nakikita ko lagi sa bulletin board bilang Dean's lister, ang iba naman ay sa mga organization booth ko nakikita.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Napanguso ako nang hindi siya madatnan sa dating kinauupuan niya kanina. Nasaan na 'yun?

"Where's the fcking famous guy?" Ngisi ng isang lalaki. Jason? Jerome?

"Here!"

Lahat kami ay sabay-sabay na naglingunan sa likod. Dahil nakaupo ako sa sofa ay kinailangan ko pang lumihis ng upo para makita siya.

Dahil nasa sala at maganda ang tama ng ilaw kitang-kita ko siya.

Ang kanyang kulay itim na polo ay nakabukas ang dalawang butones, habang nakatupi hanggang siko ang sleeves. Matagal akong napatitig sa kanya nang mapansin ang pag-iwas niya ng tingin.

Why is he wearing a black polo? That's my freaking favorite!

Awtomatikong napataas ang kilay ko nang makita kung sino ang babaeng kasama niya. Don't tell me kasali siya dito at si Demi ang partner niya?

Parang daplis lang na nahagip uliy ako ng tingin ni James bago lumapit sa amin.

"Game na! So ang mechanics ay kung sino ang babaeng makapagkalas ng kandado na nakakabit sa belt ng lalaki kapareha niya ang siyang panalo!"

"That's all, man?" Tanong ng isang lalaki kay Namjoon.

"Nah. Here's the real game, naka-blind fold ang mga babae. Hindi lang sa mata ang piring kundi pati sa bibig. Dahil malawak ang garden dun tayo maglalaro. Kailangan mahanap ng babae kung sino 'yung partner niya. Ikakalat namin ang boys sa malawak na garden. Nasa sa inyo kung paano niyo mahahanap ang partner niyo, girls! Kung sino ang pinaka-mabilis na pair na matapos ang siyang panalo!"

"Okay na? May tanong?" Dagdag ni Namjoon.

Napanguso ako. Sa bilang ko ay 7 na pares ang maglalaro.. ibig sabihin may 7 na lalaking nakakalat sa garden. Paano ko mabilis na mahahanap si Bret kung wala akong mata at bibig? Kakapain ang bawat lalaking makakabangga ko?

"Bret, lapit ka saglit." Hinawakan ko ang kamay ni Bret, pinisil-pisil ko ito.

Napataas ang kilay ko nang makita ang pag-iwas niya ng tingin.

"Pakapa huh? Hirap kasing manghula mamaya." Aniko.

Nginitian niya ako bago hinayaan sa aking ginagawa.

"May muscles ka rin pala," aniko nang makapa ang umbok sa braso niya.

"Fuck, watch your steps dude." Bahagya akong sumilip sa gilid kung saan narinig ang galit na singhal.

Nakita ko si James na nakakunot ang noo habang ginagalaw-galaw ang paa. Nang magtama ang tingin namin ay inirapan niya ako.
Napa-awang ang bibig ko. Problema nun?
Binitawan ko si Bret para magtanong ng prize sa larong 'to. Sana worth it kasi talagang gagalingan ko.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon