Chapter 27

37 2 0
                                    

Chapter 27 - Powder Kit

"Ano dito?"

"Magkano dito, 'te?"

"150 po yan!"

"Miss, may large kayo nito? Hindi kasya sa akin eh."

Hinubad ko ang apron ko na uniform sa trabaho ko kanina sa isang mamahaling restaurant.

Agad kong inasikaso ang mga nag-aabang na mamimili.

Pagkatapos namin mapalayas sa sarili naming bahay wala kaming nagawa kundi umalis doon at maghanap ng bagong matitirhan. Tinigil ko na ang pag-aaral ko kahit masakit sa akin para makapag-trabaho at matulungan si Mama sa gastusin. Hindi ako pumayag na pati si Noemi ay tumigil kaya heto't hindi lang isa ang trabaho ko.

Pati pagtitinda ng damit sa tiyangge ay pinatos ko para makadagdag sa kikitain. Hindi natigil ang bisyo ni Mama kaya mas lalo akong nahihirapan.

My life after my father's death is a hell. I find myself sometimes whispering onto the devil's ear just to make a wish to end this miserable life of mine.

Minsan naiisip ko, kailangan kaya darating 'yung araw na makapagpapahinga ako? The day I'll find myself sitting peacefully in a cradle while the wind messing my hair. The day I'll find myself blankly staring in the breath-taking sunset.

'Yung wala akong iisipin na problema? Walang sasagi sa isip ko na kung saan ako kukuha ng perang pangkain namin? Simply lying down in a warm bed with no other things in my head but a soft pillow. A little rest is all I need. Kasi sa totoo lang, simula nang namatay si Papa ay hindi ko naranasan na magpahinga. Kaya kung may hihilingin man ako, 'yung ang idadalangin ko.

"Punyeta! May shooting daw dito si James! Punta tayo huh?"

"Oh! Totoo? Sige!"

Napatigil ako at pinagmasdan ang dalawang teenager na naghahagikhikan sa gilid.

Napatulala ako at napangiti ng malungkot.

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko nang marinig muli ang pangalan niya. He maybe extremely mad at me until now. One year is not enough to forget what I just did.

Hindi ako nagpaalam sa lahat. Maski sila Tita Belle ay walang alam sa pag-alis namin. Gusto ko noong sigawan si Mama dahil maski ang cellphone ko pala ay naibenta niya. Hindi ko saulo ang numero ng mga kaibigan ko kaya simula noon ay hindi ko na sila na-contact.

Panigurado ay galit na ang mga iyon sa akin. Sobra ang hiya ko lalong lalo na kay Tita Belle dahil kahit magpaalam sa kanya ay hindi ko nagawa. Sa sobrang hiya ko ay hindi na muling sumagi sa isip ko na gumawa ng paraan para makausap sila.

Isa pa, Regina Rica is way too far from our home before.

"Magkano dito sa couple shirt?"

Napaangat ako ng tingin. Nagulat ako kay Bret nang bigla siyang ngumisi. Nanlaki ang mga mata ko.

"Dito ka lang pala makikita."

Nanatiling nanlalaki ang mga mata ko. Bigla niya akong niyakap.

How did he..

"Next time, leave a word. I'm so mad, Nadine. Really mad."

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Gulantang pa rin.

"Sorry." aniko bago nagkalas sa yakap.

Tinitigan niya ako ng masama bago nagwika, "Antayin kita matapos dito sa shift mo."

Wala na akong nagawa kundi tumango na lang. Hinintay niya akong matapos sa pagtitinda bago niya ako inayang kumain sa isang restaurant. Sabi ko sa kanya ay ayos lang naman sa akin sa isang fastfood chain pero hindi siya pumayag. Napalayo pa tuloy ang byahe namin. Malayo-layo kasi sa bayan ang mga malalaking gusali kabilang na ang mga mamahaling restaurant.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon