Chapter 23 - Dead
"James! Tawag ka ni Papa!"
Inihagis ko sa kanya ang sapatos niyang pinahiram sa akin. Oo malaki iyon sa paa ko pero nasanay na akong ginagamit ang mga gamit niya. Nasanay na akong kung ano ang kay James ay akin na rin.
Agad naman niya iyon na nasalo.
"Bakit daw?" Tanong niya nang makalapit. Ginulo niya ang buhok ko bago pumasok sa bahay namin."Nadine, tawag ka ni Mama mo sa taas. Laruin mo si baby Noemi."
Ngumuso ako. Tulog si baby kaya paano ko siya lalaruin?
Pinaupo ni Papa sa kanyang harap si James. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.
May pag-uusapan ba sila? Importante? Ano na naman? Oh baka may nagawang kasalanan si James? Tuwing may nagagawa kaming kasalanan ay si Papa ang kumakausap samin. Wala kasi lagi si Tito Robert sa bahay kaya laging si Papa ang nagdedesiplina sa amin. Hindi naman kaya nila Mama ang tigas ng ulo naming dalawa.
"Nadz," ani Papa.
"Opo!" Agad na akong nagtungo sa taas.
Mukhang seryoso ang mukha ni Papa. Ano kayang pag-uusapan nila? May kasalanan ba si James na ginawa sa akin? Sa pagkakatanda ko naman ay wala.
"Anong sabi ni Papa? May kasalanan ka noh?" tanong ko. Angkas ko siya sa likod ng bisikleta ko.
"Just things," tipid na sagot niya.
Inihinto ko ang bike kaya napababa siya sa aking likod.
"Ano nga? May ginawa kang kasalanan noh?" naningkit ang mata ko.
Napangisi naman siya. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay ng magkamot siya sa kanyang batok.
"May sinabi lang siya sa akin na.. ano. Sa aming dalawa lang dapat."
Tinagilid ko ang ulo ko. Hmm? Ano naman?
"Tsismosa mo! Ako na nga," aniya at pinababa na ako sa bike.
"Angkas na." aniya.
Ngumuso ako bago sumunod sa kanya. Aangkas na sana ako sa kanyang likod pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.
"Sit here in front of me,"
Kinagat ko ang labi ko. Tinitigan ko muna siya bago umupo doon sa kanyang harap.
Napalunok ako nang humaplos sa dibdib ko ang kakaibang pakiramdam.
"Ang bango mo!" biro niya na siyang nagpainit ng pisngi ko.
Bwisit! Kung hindi mang-aasar ay... leche siya!
—
"Siguro may kuto na dyan sa buhok mo," aniya habang binabaybay namin ang daan patungong Lake side park.
Umirap ako.
"Wala akong kuto noh!"Napahalakhak siya.
"You don't comb your hair. And I never saw you untie your hair. It's not impossible!" Ngisi niya.
Sumimangot ako. Itinaas ko ang kamay ko para masabunutan ko siya.
"Stop! Malalaglag tayo!" halakhak niya.
"Nangingealam ka sa buhok ko ikaw nga hindi ka nagsha-shampoo!" aniko sabay baba na dahil nakarating na kami.
"What? Ba't napunta sa akin? Ba't ikaw?" Natatawa niyang ani bago inilapit ang ulo ko sa ilong niya.
"Not bad,"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa komento niyang iyon. Nagsha-shampoo ako noh! Insecure lang talaga siya sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanficPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...