Note: I don't do proofreading. Pasensya na sa errors. ✌
——————————————
Chapter 14 - Partner
"Dulo nga ng buhok nag-i-split, kayo pa kaya?" Bulong-bulong ko habang nakamasid sa hindi kaaya-ayang tanawin sa harap ko.
Sinikop ko sa aking bonnet na suot ang aking buhok nang lumakas ang hangin sa quadrangle.
Couples, do you know what a room is? Go get one! May mga taong nakalunok ng cactus, hindi lang nakalunok kung hindi nginuya pa.
Nakaka-punyeta lang na halos magkandungan na sila sa public! Hindi ba nila alam na nakakasira sa mata ng ibang tao ang ginagawa nila? Bakit ang mga mag-boyfriend-girlfriend ngayon hindi na alam ang salitang 'privacy'? Hiyang-hiya naman kami at ang nakakakita pa talaga ang mag-a-adjust! Kailangan ba ipaglandakan sa tao na sila? Kailangan isungalngal sa amin na may forever sa kanila? Punyeta umagang-umaga nag-iinit dugo ko!"Huy!"
Dahan-dahan kong nilingon si Hazel nang may matalim na titig."Oh, chill! Kalma. Umagang-umaga badtrip ka," natatawa niyang wika sabay sipsip sa shake na binili ko.
"Bago bonnet mo?" Pansin niya sa bagong bili kong itim na bonnet.
Tumango lang ako bago nilantakan ang fries sa harap."Hindi ka ba nagsasawa sa french fries?" Parang sukang-suka na na aniya.
Muli ko siyang sinamaan ng tingin.
"Kapag ba kain ka ng kain ng siomai pinapakialaman kita huh?" Buga ko sa kanya.
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko.
"Oh, pasensya. Jusko, baka masapak pa ata ako ng wala sa oras." Bulong niya.
Kapag ganitong badtrip ako wag nila akong ma-ano-ano! Baka makakita sila ng babaeng sinapian ng lalaki!
"By the way, sama ka sa akin!"
Nilingon ko siya. Saan na naman? Mall? Tapos maghapon kaming mag-iikot lang at sa huli isang damit lang ang mabibili niya? Tss."Saan?"
"Sa bahay nila Bret, may party."
"Anong meron?" Pagtataka ko.
"Birthday niya! Nagkalat 'yun sa facebook, 'di mo alam?" Pagtataka niya.
Muli, matalim ko siyang tinitigan.
"Ay oo nga pala," aniya bago tinakpan ang bibig na parang may malaking kasalanang nasabi.
Kung may facebook man ako hindi ko rin iyon bubuksan, o kaya ay minsan ko lang mabibisita. Siguro mga twice a month. Anti-social na kung anti pero ayoko talaga sa social media. Hindi ko nga magets kung bakit halos lahat ng kabataan ay nahuhumaling doon na parang pagkain!
"Sama ka huh? Samahan mo ko!" Kumapit pa siya sa braso ko para kumbinsihin ako.
Naglambing na naman.
"Oo na oo na." Inalis ko ang kamay niya sa braso ko bago bahagyang lumayo. Kahit kailan talaga 'tong si Hazel, kapag may pagkakataon kakapit siya sayo na para kang puno!"Yes!" Ngiti niyang tagumpay.
"Ano 'yan?"
Pinagtaasan ko lang ng kilay si Hazel nang parang pandirihan niya ang suot ko."Damit, ano pa ba?" Tamad kong ani.
Pasalamat siya at sinamahan ko siya sa party na 'to dahil kung ako ang tatanungin mas gusto ko pang humiga maghapon sa kama ko lalo na't nabati ko na naman si Bret."My God! Party 'yun, Nadine! Party! Eh bat parang nakapambahay ka lang?"
Kinalma ko ang sarili ko sa patutsada niya.Jeans at Tshirt, pambahay? Mukha lang 'tong pambahay pero hindi 'to pambahay!
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
Fiksi PenggemarPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...