Chapter 35

35 0 0
                                    

Chapter 35 - Dream

"Excuse me, pakuha naman ng water si James, miss." Napabaling ako sa staff na nag-utos sa akin.

Alanganin ko siyang nginitian bago tumayo. Hinawi ko ang fullbangs ko.

Ganun ba talaga ako kadaling mapagkamalan na alalay o utusan niya? Tinignan ko ang sarili ko. Isang simpleng oversize tshirt at denim jeans lang ang suot ko. Eh sa ganito ako manamit eh! Sapakin ko 'tong mga 'to eh!

Agad akong nagtungo sa may mini ref. Inaabot ko kay ateng staff na nag-utos sa akin.

Papa-upo na sana ako sa dati kong pwesto nang nagulat ako ng may humigit sa braso ko.

Leche! Ano na naman?!

"Ano ba—James!" gulat na sigaw ko nang makita siya. Saan kami pupunta? Malapit na magsimula ang prod niya ah!

Itinaas niya ang kanyang daliri at sumenyas na wag akong maingay. Kinunutan ko siya ng noo. Ano na namang balak nito? Tatakas na naman? Tapos idadamay na naman ako? Kaya laging mainit ang ulo ng manager niya eh!

Hinigit niya ako palabas pero hindi na ako umangal. Alam ko na ang balak nito. Napailing-iling nalang ako.

"Saan tayo, huy? Huy, James!" sinubukan kong pukawin ang atensyon niya.

Para siyang may tinataguan na hindi mo mawarian dahil panay ang lingon sa kaliwa't-kanan niya. Isinuot niya ang kanyang bonnet at mask. Napasama nalang ako ng tingin.

Napalingon ako sa pinaghintuan namin. Sa tapat ng kotse niya.

Bakit kami nandito? Uuwi na? Baliw lang eh may prod pa siya! Siraulo talaga!

"Okay. I have a date. Sabihin mo kay Dee na sumakit ang tiyan ko o may sakit ako." He said. Dinungaw niya ako.

Hindi pa siya tapos magsalita nang may lumabas na babae sa kotse niya. Pinasadahan ko ng tingin ang babae. Naka-white crop top at black mini skirt ito. Sabay tinernuhan ng silver stilettos.

Huminga ako ng malalim. Na naman? Wala na bang bago? Gagawa na naman ako ng palusot sa manager niya sa tuwing tatakas siya para makipag-date?

"Tapusin mo muna kaya yung prod ngayong gabi. Last na naman 'to diba?" inirapan ko na siya. Gagawa na naman ako ng alibi! Gago talaga 'to eh!

"Hindi siya pwedeng gabihin..." aniya sabay bumaling sa babae na nginitian siya ng matamis. Napairap nalang ako sa kawalan.

Hindi pwedeng gabihin? Yang itsurang yan?! Ano strict ang parents? Sinong niloko niya? Ako?! Suntukin ko kaya sya! Lakas ng loob mag-crop top ang panget naman ng pusod! Imbyerna.

"Ayoko. Bahala ka sa buhay mo!" sabi ko sabay tumalikod na.

Dadamay na naman ako sa kalokohan niya! Manigas siya dyan!

Pero hindi pa ako nakaka-dalawang hakbang nang maramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko.

Nilingon ko siya.

"Please, Naddie.." ngiti niya ng malambing.

Pinanlakihan ko siya ng mata bago ko siya sinapak sa balikat.

"Aray! Ito naman! Dali na kasi..." nguso niya.

"Tsk. Sige na! Oo na! Sasabihin ko may almuranas ka." Sinipat ko siya awtomatiko naman na tumaas ang kilay niya. Gamit na lahat ng palusot, yun nalang ang hindi kaya 'wag siyang umangal!

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon