Chapter 33

38 1 0
                                    

Chapter 33 - Girlfriend

Hindi ko makuhang maasiwa kahit kanina pa nakatitig ang mga lalaki sa akin. Napapatawa pa ako sa tuwing binabatukan sila ni Hazel dahil parang wala sila sa sarili.

"Nadine, ikaw ba talaga 'yan?"

Hindi ko alam kung pang-ilang beses na naitanong sa akin 'to ni Bret. Mga lagpas sampu na ata!

Is it really too hard to believe that I can be like this? That I can look like this? That I can actually wear gowns and make up?

"Pwede ka bang ligawan, babe?" Napairap ako ng bumulong si Bow sa tabi ko.

Kanina pa sila ganyan. Kanina nga lang ay may lumapit sa amin para magpapicture tapos itong mga kaibigan kong babae ay para akong binubugaw.

"Kuya, fresh pa 'to! Nadine nga pala name niya. Nadine Haven Lustre! Search mo siya sa facebook ah! Ay— wait nevermind, 'wag na lang pala."

Napailing-iling na lang ako. Wala akong social media accounts hanggang ngayon. Sabi ni Hazel ay gagawan niya ako pero tumanggi ako. Wala talaga akong hilig sa ganun. Kahit gawan nila ako ay hindi ko rin iyon bubuksan. I rather choose to have real mutuals than to gain dummy friends on Facebook. Yung nakakaharap ko talaga, nakakasalamuha ganun. Kasi sa tingin ko bilang mo lang sa social media ang totoo. Pati accounts, fake. Pati feelings, may filter.

"Tara na! Pasok na tayo!"

Sumunod ako sa kanila. Inikot ko ang aking paningin sa venue. Magarbo ang selebrasyon, halatang pinagbuhusan ng pera at effort. Nakakadagdag sa ganda ng gabi ang mga ilaw sa paligid. Para kaming mga prinsesa't prinsipe kung titignan.

Before, being a princess never crossed my mind. As in. I hate being a princess. I hate how she acts, the way she dress, the way she must obey every rules. Kaya noong bata ako gusto ko ako 'yung mighty servant. Yung laging nasa tabi ng prinsesa para protektahan siya.. Para pagsilbihan siya.  At kilala niyo na siguro kung sino ang gusto kong pagsilbihan noon pa man. Si James.

He's just too careless and innocent to the point that I want to be with him always. To guard him, to help him, to.. make him happy. Gusto ko lagi akong nasa tabi niya. But now, at least he have someone in his side. Even if its not me.

Noong unang kita ko sa kanya ay para siyang sundalo na handang sumaklolo sa lahat ng pagkakataon. Nung iniligtas niya ako noong una naming pagkikita ay sobra na ang paghanga ko sa kanya.. hanggang sa naging malapit kami. Hindi ko alam na duwag din pala siya at parang walang muwang sa mundo. Napaka-insensitive niya at sobrang kulit. Hindi niya ako titigilan noon hangga't hindi ko siya nasusuntok sa inis. Lagi kaming nag-aagaw dahil madalas talaga niya akong inaasar, pero bago rin lumubog ang araw bati na kami. I can't just hate him. Naiinis ako, oo pero ang magalit sa kanya? Hindi. Ang magkagusto siguro, oo.

Napangisi ako. Miss na miss ko na siya.. Kailan kaya kami babalik sa dati?

"Bow, CR lang ako huh?" bulong ko sa katabi kong si Bow nang makaramdam. Panay ang hagikhikan nila kapag may natitipuhan na bisita. Maya't maya rin ang saway sa kanila ng boys.

"Samahan kita?"

Umiling ako. "Di wag na. Babalik ako agad."

Tumango siya bago bumaling sa mga kaibigan namin na naghahanap ng mauupuan.

Dahan-dahan akong naglakad dahil natatakot akong baka mapigtas ang takong ng sapatos ko. Pakiramdam ko ay parang ilang oras na lang ang nalalabi bago ito mapigtas!

"Ma'am, wine?"
Iiling na sana ako ng naakit ako sa isang baso na may kulay. Nagpasalamat ako bago ko mabilis na nilagok iyon. Napangiwi ako dahil sa lasa.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon