Chapter 41

41 3 2
                                    

Last chapter! Epilogue will be posted sooon!

---------

Chapter 41 - Always

Did you ever fall in love for someone you shouldn't? You are trying hard to fight your feelings but you just couldn't? You're falling deeper with each passing day, but trying to hide it in each possible way. He is only a friend and nothing else. And that's the lie you keep telling to yourself. You keep telling he's just a buddy but deep inside you're falling in love. You get silly when you meet his eyes, but keep reminding yourself that it isn't right.. It isn't right because aside from risking friendship over this feelings.. he already have another girl in mind. And its not you. Game over.

"Can I sit here?"

Hindi ko siya nilingon. Nanatiling nasa tanawin ang aking mga mata. Nang umihip ang malakas na hangin sa veranda ay awtomatiko kong hinimas ang braso ko sa lamig na dulot nito.

"Sorry.." bulong niya pagkatapos ay binalutan niya ako ng kulay ulap na blanket na dala niya.

Hindi pa 'rin ako umimik.

I wish he knows what my silence means.

"Nadine?"

Silence.

"Do you remember the first time we met?"

Nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang pagsilay ng ngisi niya.

"Hindi ko rin alam kung bakit kita iniligtas nung araw na iyon eh. Parang may nagtulak sa akin para gawin 'yun. Nagkataon ba? Tadhana? Alin man ang dahilan masaya ako dahil ikaw ang naging kasama ko hanggang sa pagtanda ko."

Nagngilid ang luha sa aking mga mata.

"You were always there for me. I can't imagine my life without you beside me. You take all the possible roles I need— my buddy, my mother, my caretaker, my friend. If I were to choose among all my friends I'd been with before, I will choose you, because you are my favorite friend."

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Natatandaan mo ba noon na lahat ng sikreto ko sa'yo ko sinasabi? Kahit 'yung nakalimutan ko noon i-flush 'yung toilet noong dumumi ako sa bahay ng kapit-bahay natin?" He chuckled then silence.

"Ngayon.. gusto kong malaman mo lahat ng nararamdaman ko."

"Nadz.."

"Look at me.."

"Please.."

Nilingon ko siya. Siya na ang gumiya sa katawan ko para maharap siya.

Nagkatinginan kami.

I am prepared for this day. Hinanda ko na ang sarili ko sa araw na ito. Hinanda ko na ang mga tainga ko sa maaring masasakit na sasabihin niya. Hinanda ko ang mga labi ko para tumugon sa mga sasabihin niya ng labag sa loob ko.

"Nadine, ang saya ko ngayon."

Only few words but it sent deep pain in my chest.

I try my best not to cry in front of him kaya kinalma ko ang sarili ko.

"Nung nakita ko siya parang biglang umaliwalas 'yung paligid? Ang corny ko ba?" ngisi niya.

Hindi ako makangisi. He's so clueless about what I'm feeling right now.

"Nung nagsalubong yung tingin namin parang pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat. Nung narinig ko 'yung boses niya parang parang.. biglang handa na akong mamatay. Sobrang saya ko, Nadine. Sobrang saya ko nung nakita ko siya. Pasensya na kung hindi ako nakapunta sa Paceo Park—"

"Naiintindihan ko.." putol ko sa kanya.

"Narealize ko na sobrang selfish ko naman kung ipagkakait ko iyon sayo. Nakikita ko sa mga mata mo ngayon na masayang-masaya ka. Sino ba naman ako para humadlang diba?"

Akala ko tutulo ang luha ko pero hindi. Pati ang luha ko ay hindi na kinaya pang magpakita.

"I know, Nadz. I know that you'll going to support me all the way. That's one of many reason why I love you."

I love you too, James. But our I love you's doesn't have the same meaning..

"You really love her, huh?" I asked.

"Yeah, after all these years.. yes."

I almost heard the breaking of my heart. I almost lost my mind for a seconds. There. I finally heard it from him. Game over... for the last time.

"Aren't you tired?" aniya bago iginiya ang ulo ko sa kanyang balikat.

Inayos ko ang pagkabalot ng kumot sa aking katawan. Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa aking buhok nang ipatong niya ang ulo ko sa akin.

"I am." pag-amin ko.

"Then sleep." bulong niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Ipapagsalikop ko sana pero naunahan na niya ako.

"Kapag may lalaki kang nagugustuhan sabihin mo muna sa akin, huh? Suntukan muna kami."

Tumawa ako ng mahina. May lalaki nga akong nagugustuhan. At ikaw 'yun, James. Hahamunin mo pa 'rin ba ng suntukan ang sarili mo?

"I love the sound of your laugh." biglang aniya.

Nawala ang ngisi sa aking labi.

Poor heart, it's still beating for him after all the pain he cause.

"James?"

"Hmm?"

Hinawakan ko ang dibdib ko nang may maramdaman na kung ano. Pinilit kong hindi iparamdam sa kanya kaya idinistansya ko ang dibdib ko sa kaniya ng bahagya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Naniniwala ka bang may mga taong pinagtagpo pero hindi itinadhana?"

Katahimikan. Ang tanging ingay ay ang mga kuliglig sa paligid. Madilim ngunit dahil sa maliwanag na buwan ay kitang-kita ko ang paligid.

Ang gitara niya sa gilid, ang notepad ko na halatang katatapos lang sulatan, ang burda ng asul na kumot na nakabalot sa akin.. stars. Someday, I want to become one.

"Hmm.. yes," sagot niya.

"Why?" kuryoso kong tanong.

"Because some people aren't meant to stay." mahinang aniya na animo'y gusto niya na ako lang ang makarinig.

"Now sleep, you look really tired." malambing niyang ani.

Nginitian ko siya.

"Thank you, James. I love you too. Always."

Nginitian niya ako pabalik bago tumungo.

"Now close your eyes. We're going home tomorrow morning."

I secured myself beside him and gave him one last stare before I do what he say. I close my eyes.. always.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon