Chapter 38 - You'll Come
Pinagmasdan ko si James na abalang naghahanda ng umagahan namin. Nakasalampak ako sa sofa katapat lang ng kusina suot ang kanyang gray jacket at black jersey shorts.
I miss this kind of outfit. Para akong nabuhay muli dahil sa damit na suot ko ngayon. Parang kay tagal na panahon na nang huli kong nasuot ang mga damit niya. Dati kasi ay halos araw-araw damit niya ang suot ko dahil na rin sa madalas niyang pagpunta sa amin para makitulog.
"Tititig ka lang talaga dyan, panget?"
Tamad akong tumayo. Sinimangutan ko siya pero nginisian niya lang ako.
Its been a while.. Kung pu-pwede lang ay yayakapin ko nalang siya buong maghapon. Matutulog na lang ako sa balikat niya, o hihiga na lang sa hita niya. Gustong-gusto kong iyon na lang ang gawin pero mas gusto ko rin namang may baunin na maraming alaala sa aking isipan.
Pasimple niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Grabe, bumalik ka na naman sa pagiging lalaki mo. Akala ko ba babae ka na? Bakla ka ba?" halakhak niya.
Tinuktukan ko siya sa ulo gamit ang sandok na pinanghahalo ko sa sinangag. He's still has this annoying aura.
"Aray!"
Inambahan ko ulit siya ng isa kaya mabilis niyang hinuli ang kamay ko.
"May muta ka pa," aniya sabay siya na mismo ang nagtanggal noon sa mata ko. Iniwas ko na ang mukha ko nang kunwari niya na lang na nililinis ang mukha ko.
"Nagsuklay ka na ba?" biro niya sa akin sabay abot ng tinidor.
"Isa!" gigil kong asik.
"Dalawa, tatlo!" asar niya.
Pumikit ako para pakalmahin ang sarili.
Umagang-umaga nambi-bwisit na naman ang isang 'to. Ganyan ba niya ako ka-miss asarin?
Bakit ko nga ba ulit tinawagan ito para samahan ako?"Hindi ka ba pinagalitan ni Miss D? May naiwan kang commitments panigurado.."
Pangwawala ko sa pang-aasar niya.
Sinulyapan ko siya saglit. Abala siya sa paghahanda ng plato sa lamesa. Saglit niya akong tinignan bago nagsalita.
"Alam niya na 'yun. I'll call her if I want to go back. Sa ngayon, sasamahan ko munang huminga ang babaeng panget na nasa harap ko."
Tinitigan ko siya ng nakataas ang kilay bago inirapan. Umiling-iling lang siya, nangingisi.
Oh how I miss that smirk.
Nakahiga siya sa hita ko habang nanunuod kami ng isang foreign movie. Nagulat pa nga ako ng siya mismo ang nagsabing panoorin namin ang palabas na iyon. Taliwas iyon sa gusto niyang genre, eh. Hindi naman siya mahilig sa romance movie.
"Hindi ka ba hinahanap ni.."
"We broke up, don't you remember?" putol niya sa akin.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. Sinimangutan ko siya sabay pindot ng kanyang ilong."Ni Miss D! Patapusin mo muna kasi ako!"
Humalakhak siya.
"Sus! Si Calista naman talaga ang idudugtong mo!"Pinangigilan ko ang kanyang buhok. Hindi siya umangal kahit para sa kanya guluhin mo na ang lahat wag lang ang buhok niya.
I guess, I am still the only one person who can touch the restricted zone in him.
"Okay ka na ba?" biglang tanong niya sa akin pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
Hindi ko na nga naiintindihan ang palabas eh. Kung siya ba naman ang katabi ko, lahat ng nasa paligid ko, hindi ko na talaga maiintindihan.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...