Chapter 20 - In Deep
"Bes, alam mo na ba 'yung naka-post sa may bulletin board?"
"Huh?" Wala sa sarili kong tanong kay Hazel at ipinokus lalo ang mata sa tinitignan.
Ano bang ginagawa ni James doon sa gym? Wala namang game ngayon ah? Bakit siya pumasok doon at hanggang ngayon hindi pa lumalabas?
Wag mong sabihin na may katatagpuin siya? God!
"Naghahanap ng bagong members ang iba't-ibang club! Balak kong mag-audition sa cheerleading team! Kaya lang..."
"Bakit hindi pa siya lumalabas?" Wala sa sarili kong bulong.
Mag-iisang oras na ah?
"Huy!" Halos tumilapon ako sa kinauupuan nang gulatin ako ni Hazel. Agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Ano ba?" Inis kong ani.
"Anong ano ba? Di ka kaya nakikinig! Kanina pa ako nagsasalita dito!" Maktol niya.
Na-guilty naman ako. I'm too preoccupied kaya hindi ko naririnig ang sinasabi niya."Ano ba 'yun? Ulitin mo na lang." Aniko sabay balik ulit ang tingin sa may bunganga ng gym.
If he's meeting some random girls again, kaltok ang abot niya sa akin! Alam na alam niya kung paano gamitin ang mangha ng mga babae sa kanya. Okay, let's be honest here. Nung unang kita ko sa kanya ulit ay halos hindi ko siya nakilala. He's a way way too so much too way very far from his looks before! Parang nilamon na ng impyerno ang dating James at biglang ibinagsak galing langit ang bagong siya! Kaya kahit siguro mga gurang ay mapapaibig niya!
Hindi na nakapagtataka kung bakit halos lahat ng babae dito ay itinatapon ang sarili sa kanya. Why is he even studying here anyway? Gusto niya bang pagkaguluhan siya kaya dito niya piniling mag-aral? Why don't he try private schools? Mas kalkulado ang kilos ng babae doon. Hindi katulad dito na mga wild.
"Anong sasalihan mong club? Kasi sabi simula ngayon required na ang pagsali sa mga club. May dagdag points daw kasi iyon sa final ratings." Biglang sulpot ng boses ni Hazel sa tainga ko.
"I'll join the volleyball team if ever," kibit-balikat ko, half-listening.
"Ay? Hindi ka ba nagsasawa? Why don't you try others naman? Like music club o kaya.. sama ka na lang sakin!"
Binalingan ko siya.Ano nga ulit 'yung pinag-uusapan namin? About sa clubs? Ngayong nabanggit niya ay nadismaya ako. Tuwang-tuwa na ako noon na hindi obligado ang mga estudyante na sumali sa mga clubs! Hindi ako kailanman naging interesado sa mga extra curricular activities. Pero ngayon ay tila mapapasabak ako.
"Bahala na,"
She sighed. Nakita ko ang pagsunod niya ng tingin sa tinitignan ko."May inaabangan ka?"
"Wala, bakit ka nandito? Diba may groupings kayo?"
Sa totoo lang ay itinataboy ko na siya. Gusto kong magpokus sa pagsunod kay — gusto kong mapag-isa dahil masyadong narindi ang tainga ko sa mga numerong tinuro kanina sa Math class namin.
"Kaya na nila 'yun. As if naman makakatulong ako." Nguso niya. Napailing na lang ako nang mukhang mahihirapan akong mapaalis siya.
"Napaka-tamad mo talaga," aniko na lang.
"Ka-grupo ko kaya si Demi! Pabida 'yung isang iyon e. Hindi ko masikmura." Umakto pa siyang nasusuka. Napatawa naman ako.
"Buti nga ikaw ka-grupo mo si Bret, madali nalang 'yan sa inyo."
Inilingan ko lang siya. Oo madali pero nakakahiya namang iasa kay Bret ang lahat. Kahit naman mga makakapal ang mukha ng kaklase ko ay ako ang nahihiya kapag nakikitang si Bret lang ang gumagalaw."Pero alam mo? Kailan kaya mapupunta si James sa class natin? Kasi diba? May change of curriculum ang school na 'to. May mga subject ang ibang department na sa Education class nalang available?"
Napaisip naman ako.
Oo nga. May mga College of Science students akong nakikita na sa Engineering class sila pumapasok. May mga kakilala rin akong Education students na pumapasok sa ibang department para sa ibang subjects nila. Sobrang gulo ng schedule pero ayos lang naman. Ang mahirap lang talaga ay ang paga-adjust sa mga blockmates."Malay," kibit-balikat ko.
Nang mahagip ng mata ko ang paglabas ng bulto ng estudyante sa gym ay naalarma ako.
Tatayo na sana ako para puntahan na si James sa loob ng gym nang may biglang humawak sa bewang ko.
"Boo!"
Parehas kaming napatili ni Hazel nang biglang magpakita sa likod namin si James.
"What are you doing here?" Ngisi niyang nakakaloko.
Bumilis ang pintig ng dibdib ko. Hindi dahil sa gulat... kundi sa mainit na kamay niyang dumampi sa bewang ko ilang segundo lang ang lumipas.
Napatingin ako sa grupo ng mga Engineering students na humarap sa banda namin. Sumibol ang iritasyon sa akin."James!"
Tawag ng isang rebonded na babae.Nanatiling nasa akin ang tingin ang mata ni James. Saglit niyang binalingan ang mga babae bago tipid na tumango.
Naghahagikhikang umalis ang babae.
Sinamaan ko ng tingin si James nang makita ang multong ngiti sa mga mata niya.
May nakakatawa ba?"Eh ikaw? Anong ginawa mo dun sa loob ng gym? Halos isang oras ka dun ah?" Pagtataas ko ng kilay. I'm pissed! And the hell I don't know why! Nakakairita ang mga babaeng 'yun! Ang haharot!
Parehong nabigla si James at Hazel sa sinabi ko. Agad na nakabawi si James at nakakaloko itong ngumisi sa akin. He licked his lower lip before combing his hair in a manly way.
"So.. si James pala 'yung kanina mo pa inaabangan?" natatawang ani Hazel.
Napakurap-kurap ako.
Nang balingan ko si James ay halos manliit ako. Uminit ang pisngi ko nang matauhan.Ngumuso si James sabay pangalumbaba sa mesa na siyang ikinapula ng pisngi ko lalo. Punyeta, bakit ko ba kasi nasabi 'yun?
"Why are you waiting me?" Seryoso niyang tanong ngunit may bahid pa rin ng galak ang mga mata.
My God! Kung pwede lang sana akong tangayin ng hangin ngayon magpapalipad na ako!
"Huh?"
Umarte akong parang tanga na wala sa sarili.
Parang gago si Hazel na pigil na pigil na tumatawa sa gilid ko. Leche!"Anong huh? Bakit mo ko inaantay?" Halakhak niya. Lumiliyab na ata ang pisngi ko sa sobrang init.
"Huh? Anong inaantay? Ikaw? Naka-drugs ka?" Depensa ko.
You are fool, Nadine.
Pinagtaasan niya ako ng kilay sa pagtataka, hindi pa rin nawawala ang galak sa mga mata.
Isang hagalpak ni Hazel ang sumunod na narinig kaya agad ko nang siniko ang tagiliran niya. Leche, mamaya ka talaga sa akin!I immediately looked away when James was about to look at me again.
"Ah, James. Mamaya na kayo mag-usap huh? May klase pa pala kami. Sige!" Ani Hazel na natatawa sabay hatak sa akin palayo doon.
Nang makalayo kami ay pinaulanan ko si Hazel nang hampas.
"Shet! Di ko kinaya!" Hagalpak niya ng tawa.
"Bastos! Wala kang konsiderasyon!" Angal ko.
Buti na lang talaga at nagsalita siya para makaalis na kami doon kung hindi, wala na siyang bestfriend simula ngayon!
"You're in deep!" Eksaherada niyang binigkas ang deep ng sobrang haba para lang maasar ako.
Inirapan ko lang siya.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...