Chapter 13 - Paasa
Kahit bukas na ang ilaw ay hindi ko pa rin maiwasan na mangamba. Hanggang anong oras kami rito? Paniguradong nag-aantay na sila Mama. Pero.. kapag naman alam niya na si James ang kasama ko ay parang hangin lang na dumaan ang pag-aalala niya. Kapag kasi nawawala ako noon ay kasama ko na lagi si James kapag babalik.
Binalingan ko sa sulok si James na nakahilig sa back rest, nakapikit. Tanaw ko ang adams apple niya mula dito. Pati ang malapad niyang dibdib at depinang braso.
Hindi ko noon mailarawan na magiging ganito siya ngayon. James Demian Reid na may katawan na maihahalintulad sa mga modelo sa TV. Before, he's just one in a million people, blending in the crowd. Hindi napapansin, madalas napipintasan pa. Kaya ngayon ay hindi ko lubos maisip kung bakit posible pala.. posible na maging ganito siya katangkad.. kaaliwalas.. kabango?
Nag-iwas ako ng tingin bago umiling-iling.Tumayo ako para maibsan ang pagkabagot, lumapit ako sa unahan. Inayos ko ang malaking jacket niya na nahuhubad na pala sa balikat ko.
Wala sa sarili kong nilaro ang chalk dust.
Sabi nila mabilis daw mapalagay ang loob ng isang tao kapag lagi nila itong kasama. Kaya hindi na nakapag-tataka na mabilis na napalagay ang loob ko kay James.
Noong araw na iniligtas niya ako ay pakiramdam ko nakahanap ako ng kuya na magtatanggol sa akin sa lahat ng oras. Oo, marami akong kaibigang lalaki mas marami pa kaysa sa babae ang kalaro ko noon. Ewan ko ba, sabi nga nila para raw akong lalaki na nabuhay sa katawan ng babae. Hindi ko naman maipagkaila dahil totoo naman. Ayoko sa mga gawain at gusto o hilig ng mga babae. Mas gusto ko pang makihalubilo sa trip ng mga lalaki kaysa sa kanila. Pero tama nga na walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago.
Sa araw-araw naming magkasama noon ni James ay hindi ko mapigilan na hangaan siya. Kahit na unti-unting nagbabago ang katawan niya noon dahil nakikipagsabayan siya sa akin sa pagkain. Pero alam ko naman umpisa pa lang na wala nang patutunguhan ang nararamdaman ko. Bata pa lang kami, inukit na niya ang pangalan ng babaeng papakasalan niya sa hinaharap. At 'yun ay hindi ako..
"What are you thinking?"
Halos mapatalon ako at agad na binitawan ang chalk nang marinig ang biglaan niyang pagsasalita.Hindi ko alam na nasa likod ko na pala siya, kanina pa ata ako pinagmamasdan. Bahagya siyang nakaupo sa teacher's table.
Ang nag-a-abang niyang mga mata ay nakatuon sa akin.
Ganun ba talaga ang mata niya? Sa kanyang mata ko lang ata nakita o naranasan na parang hinihigop ka nito. Basta may iba sa mata niya na hindi mo mahahanap kahit makipagtitigan ka pa sa iba.
Napansin niya pala na tulala lang ako sa pisara? Kanina pa ba niya ako pinagmamasdan?
"Hindi pa ba umiikot ang guard dito sa building niyo?"
Pag-iiba ko. Naiinip na ako. Halos dalawang oras na kaming nag-a-antay.Nagkibit-balikat siya, "Dumaan na rito kanina 'yung guard, mga.. 6:30?"
"Anong oras ulit siya mag-iikot?" Pangungulit ko.
Tinitigan niya ako na parang may nakakatuwa sa sinabi ko.
"What? Gutom ka na no?" Punong-puno ng galak ang kanyang mata.
Lumapit ako sa kanya ng isang hakbang. Hindi ko halos napansin ang bahagya niyang pagbuka ng kanyang hita para makapasok ako sa pagitan nito nang kuritin niya ang pisngi ko. Mabilis niya akong nahila dahilan kung bakit nasa pagitan na ako ng hita niya, nakatayo.
"Anong gusto mong kainin? I have.. hmm.. chocolate, candies, cake, cupcakes.."
Nginusuan ko siya sa pagtataka. Meron siya ng lahat ng iyon? Ano?
"You think I'm lying?" natatawa niyang tanong. Nagsitindigan na ata lahat ng balahibo ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Punyeta, kumalma ka Nadine. Mahabag ka sa sarili mo.
Bahagya niya akong pina-atras bago umalis sa pagkakaupo sa mesa bago lumapit sa kanyang bag. Lumapit na rin ako at nakisilip sa laman.
Napanganga ako. Bakit ang dami niyang ganito? Saan galing 'to?
Binalingan ko ulit ang laman ng bag niya. I even see small gifts and cards! Valentine's day na ba ngayon?"See?" Mayabang niyang wika. Umirap na lang ako bago kumuha ng isang cupcake.
Ngayon lang naproseso ng utak ko ang nakita.
Kahit hindi ko na tanungin ay alam ko na kung saan niya nakuha ang mga ito. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang nakatitig lang siya sa akin habang ngumunguya."Many girls recognized me now," wika niya bigla.
Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Pinagtuunan ko ng pansin ang isang chocolate na cake galing sa red ribbon.
Pansin ko nga. Sa isang buwan pa lang na pamamalagi niya rito ay kitang-kita ko kung paano maging histerikal ang mga babae sa tuwing nakikita siya. Miski nga ang mga lalaki ay hinahangaan siya! Sa galing raw nitong kumanta at tumugtog! Nung nalaman ko iyon ay ako pa ang unang nagulat na parang hindi ko siya kilala. Totoo naman, noon ay walang hilig si James sa pagkanta o miski pagtugtog. Mahilig siyang makinig ng mga kanta oo pero ang kumanta at tumugtog? Imposible!
"Baka next week madalas na ako sa DBE building, napirmahan ko na kasi 'yung panibagong kontrata para maging trainee nila sa taong ito."
Pahayag niya bago umupo sa silyang nasa harap ko.Ibig sabihin magiging abala na siya? Paano ang school? Makakapasok pa kaya siya?
"Hindi ka na papasok?"
Tiningnan niya muna ako na parang tinitimbang ang aking reaksyon bago sumagot.
"Papasok. Besides, I can do both at the same time. Even if it's a bit tiring, I can handle it." paninigurado niya.
Dahan-dahan akong tumango bago muling nilantakan ang pang-ilan ko ng cake.
"Baka sumakit na ngipin mo."
Awat niya sa akin nang kukuha ulit ako ng cake sa bag niya.
"Gutom pa ako!" Angal ko."Isa." Banta niyang natatawa.
Nakipagsukatan ako ng tingin. Matalim ko siyag tinignan habang siya ay natatawa lang na nakatingin pabalik.
Kung sapakin ko kaya 'to?
"Yung tingin mo para akong nire-rape," panunuya niya.
"Hmm!" Suntok ko sa braso niya. Madrama siyang dumaing kaya napairap na lang ako sa kawalan.
"Ikaw! Wag mo kong maganyan kapag maraming tao huh?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay."At bakit?" Tumayo ako, nilagay ko sa bewang ko ang kamay ko.
Hindi ko na siya pwedeng sapak-sapakin ngayon? Porket may muscle na siya ganun? Porket mabango na siya?
"Baka sugurin ka ng mga babae, mahirap na." Ngisi niya. Nanliit ang mata ko.
Pake ko?
"Hoy! Anong ginagawa niyo dyan? Tapos na ang klase ah?"
Sabay kaming napalingon sa pinto nang magsalita ang guard."Pasensya na po manong, uuwi na rin po kami ng nobya ko."
Agad na tumusok ang siko ko sa tagiliran niya. Bahagya siyang napatungo dahil doon."Sadista," bulong niyang natatawa.
"Paasa," bulong ko sa sarili ko bago nauna nang lumabas.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...