Chapter 5

82 6 1
                                    

Chapter 5 - Best Girl Friend

Sa pagdaan ng araw mas lalo akong napalapit sa kanya. Barkada niya, barkada ko na din. Hindi na iyon nakapagtataka dahil palagi kaming magkasama. Pagkatapos ng eskwela madalas akong sumasama sa kanya sa parke para mag-skateboard, mag-bike o mamasyal lang tapos didiretso akong kanila para makikain o makinood ng anong movie sa kwarto niya.

Sa paglipas ng araw, mas lalo siyang nagpursige para masuyo si Ev. Lahat na nga ata ng effort naibigay na ni James. Tipong magbibigay ng love letters, flowers, chocolates, o kaya ay hatid-sundo pa niya.

Kung ako siguro si Ev, sinagot ko na iyang si Taba. A man like James Demian Reid is hard to find. Siguro nga may bumabagabag parin sa loob ni Ev ngayon kung bakit hindi niya pa ito sinasagot. She is a Queen. She must also look for a King. At sa tingin ko may kulang kay James para pumasa sa panlasa niya bilang hari niya.

Nang tumuntong kami ng Grade 12 ay parang isang kisap-mata lang ang nangyari sa sobrang bilis. She finally said yes, they're official.

Sa sandali na umoo si Ev ay nagbago ang lahat. Hindi ko na halos nakakasama ang best friend ko.

"James sabay ako pagpasok!" Aniko kay James at nagmadali na sa pag-aayos ng suot ko.
"Ah.. Nadz ano susunduin ko pa kasi si Ev eh."
Bumagsak ang balikat ko.
"Ah ganun ba? Sige una ka na!" Pinasigla ko ang boses ko para hindi mahalata ang lungkot nito.

Yung madalas kong kasabay sa lunch, nawala na rin.

"Taba! Tara lunch na tayo!" Aya ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang batok.
"Ah, kasabay ko kasi si Ev eh.."

Tinanguan ko siya bago tinalikuran.
Ev. Ev. Ev.

Ganun ang naging eksena sa lumipas na mga araw. Si Ev na ngayon ang lagi niyang kasabay. Si Ev na ngayon ang bago niyang kasama. Si Ev na ngayon ang dating nasa posisyon ko. Hanggang sa nasanay na lang ako. Wala ng James na palaging nasa tabi ko.

"Ikaw lang?" Tanong nila Hazel sa akin.
Tinanguan ko sila. Nilapag ko ang skateboard ko at agad ko na itong sinakyan.

"Loner! Asan kasama mo, Naddie?"

Nilingon ko si Theo. Ang kanyang bonet ay nagpatingkad sa magandang buhok niya.

"Wala. Busy." Nagkibit-balikat ako.
Nagbulungan sila.
"Busy kanino, Nadine?" Tanong ni Bow. Ang kanyang hindi pangkaraniwang mukha ay nakakapag-paalala sa akin ng mga pinapanood ko sa TV dati. May mga manga magazines din akong nakikita na may hawig niya na character.
She's a living Anime Character. A cute innocent Anime character.

"Sa gf niya. Hindi kayo maglalaro?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Kakatapos lang namin. Gusto mo mag-bike ka muna? Hiramin mo 'tong akin?" Ani Gaizer. Lumapit ako sa kanya at sinakyan na ang bike niya.

Inalalayan niya ako. Nagpaalam ako sa kanila na iikot muna ako sandali.

Nagpidal ako hanggang sa makarating ako sa dulo ng parke. Walang gaanong tao at puro puno lang ang nandito. Umihip ang malamig na hangin. Iba pala talaga ang pakiramdam kapag may kasama ka ano? Na kahit nakakatakot na ang paligid, hindi mo makukuhang matakot. Kasi alam mo na may kasama ka at hindi ka nag-iisa.

Malapit na ata ako sa pinaka-dulo nang may marinig akong nagbubulungan. Boses babae at parang pamilyar. Sinundan ko ang tinig. Sumilip ako doon. Naningkit ang mga mata ko.

"What seriously, Ev?" Humalakhak ang kausap niya.
"Yes! Of course! Anong akala mo? Seseryosohin ko yun? The hell! Hindi ako pumapatol sa masebo!"

Nagpantig ang tainga ko. Ayaw kong mag-conclude pero si James ba ang pinag-uusapan nila?

"Yeah. Oo nga naman. Gotta go, girl. See yah!"

Napaatras ako at agad na nagtago sa may malaking puno. Sinakap kong itabi ang bike.

Hinintay kong lumitaw si Ev. Nang nakita ko siyang papaalis na ay hinarangan ko na.
Nagulat siya at agad na nag-angat ng tingin. Nang makita niya na ako ay agad din siyang ngumiti.

"Oh! Hi! Ahm... Nadine, right?"
Blanko ko lang siyang tinignan. What a sweet two-face bitch. 
"Not your type, huh?" Ngisi ko. Kumukulo ang dugo ko!
Kapag hindi ako nakapagpigil baka mangudngod ko na siya sa damuhan!
Halos isang taon siyang sinuyo-suyo tapos papaasahin niya lang? At hindi pa siya nakuntento! He is not her type daw! Eh bat niya sinagot? Kung ayaw niya pala sa masebo?!

"Oh? What?" Gulat niyang tanong. Napalunok siya na parang may nalaman ako na sikreto niya. No sweat. Ang dali mahulaan ng babaeng ito!

"Painosente? Gusto mong humalik sa puno kung saan kayo nag-usap ng kaibigan mo?" Inis kong ani.

Napahalakhak siya.
"Oh? Tsismosa ka pala?"

Napangisi ako. Nakuha mo pa akong inisin lalo ah.
"Hindi mo pala siya gusto tapos sinagot mo?"
Inirapan niya ako.
"That's none of your business. You are just his best friend. So shut up!"
Nagpantig na talaga ang tainga ko.

"I'm not only his best friend but I am the only girl he cared for in his entire life. I do means a lot to him."

Napailing-iling siya, nangingisi.

"I am his girlfriend. What are you again?" Panunuya niya. Bitch.

Lumapit ako sa kanya. Nagtiim-bagang ako. Pinagtaasan niya ako ng kilay. Konting-konti na lang talaga masasapak ko na 'to!

"You're just his girlfriend. I am his best girl friend."
Nagtiim-labi siya. Tinitigan niya ako saglit. Ngumisi siya na parang may nakuha.

"You like him, don't you?" Aniya na parang nasusuya.
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Umiling-iling ito.
"Oh c'mon, you like my boyfriend, right?"
"Bakit mo naman nasabi 'yan?"
"Oh shut up, Nadine. You like James. Just admit it!"

Nainis na ako. "Kapag sinabi ko bang oo hihiwalayan mo siya?!"
"Why would I? Nagagamit ko pa siya." Ngisi niya. "And.. oh! Now, that you know my real feelings.. magsusumbong ka?"
Nagtiim-bagang ako. Gustong-gusto ko nang sapakin 'tong isang 'to!

"Karma will haunt you, Ev. Karma will do the move, not me."

Agad ko na siyang tinalikuran at sinakyan na ang bike. Mabilis ko itong pinaandar at agad na sinauli kay Gaizer. Halatang nagtataka sila pagdating ko pero hindi na sila nagtanong. Agad na akong nagpaalam na uuwi na.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si James sa may tapat ng gate namin na parang may sinisilip sa loob. Binilisan ko ang lakad ko at nilagpasan siya.
"Sino hanap mo? Si Clarky?"
Bubuksan ko na sana ang gate nang hawakan niya ang braso ko.
Tamad ko siyang hinarap.
Napanguso ako na makita na pawis na pawis siya. Saan siya galing? Tumakbo na naman?
Kahit wala ako sa mood ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Walang emosyon kong kinuha ang tuwalya sa kamay niya at ipinunanas iyon sa noo at leeg niya.

Ramdam ko ang titig niya.
"May problema ka?"
Hindi ako umimik. Bakit ba ang inosente mo, James? Para kang sanggol na walang malay sa mundo. At heto ako handang mulatin ang isip at puso mo sa lahat. Pero hindi pa rin sapat.

"Niloloko ka lang ni Ev, James. Hindi ka talaga niya mahal."

Huli na ng mapagtanto ko na nasabi ko na pala iyon. Kinunutan niya ako ng noo.

Ngumisi siya. Alam ko na agad na sa pagngisi niyang iyon ay sa unang pagkakataon, hindi siya naniwala sa sinabi ko.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon