Chapter 19

68 6 0
                                    

Chapter 19 - Baby Paige



Binalewala ko ang pag-ikot ng sikmura ko. Inilapit ko nang husto sa kaharap ang aking mukha na siyang ikinabigla niya. Umatras siya ng isang hakbang na agad ko namang sinuklian ng isang hakbang palapit.

"What are you doing?" Litong tanong niya.

Namungay ang mata ko nang naramdaman ang matinding pag-alon ng paligid.

Punyeta, ganito ba epekto kapag sobrang daming ininom?

"What the hell?"

Isang mainit na bisig ang sumagip sa pabagsak kong katawan ang huling rumehistro sa utak ko.

———

"Hmm.."

Unti-unti kong dinilat ang mata ko.

Pinakiramdaman ko muna ang tahimik na paligid bago iminulat ng husto ang mga mata.

Nangunot ang noo ko nang mapansin ang ibang pintura nang kisame ng kwarto ko.

Nasaan na yung mga glow in the dark sa kisame ko? Tinanggal ni mama? Kailan pa? Bakit hindi ko alam?

At.. tsaka sandali.. Bakit ako sa sahig natutulog?!

Bago pa ako makabangon ay isang ungol na ang narinig ko mula sa kama.

"Urgg.."

Nang mapagtanto ang lahat ay halos mapasigaw ako.

"Bat ako nandito?! James!"

Napatigil lang ako nang biglang lumipad sa bibig ko ang mabigat niyang kamay. Bahagya niyang tinakpan ang bibig ko nang malaki niyang hintuturo.

"Ingay mo. Baka magising sila." Ngisi niya sa akin habang nakasilip mula sa kama niya.

Ang gulo-gulo niyang buhok ang siyang patunay na kakagising niya lang.

Bigla tuloy akong nahiya sa itsura ko. Hindi pa ako nagto-toothbrush!

"Bakit ako nandito, huh? Tapos.. Tapos! Sa sahig mo pa talaga ako pinatulog? Leche ka talaga!" Singhal ko sa kaniya.

Buti na lang at naka-sando't boxer shorts siya ngayon na natulog kundi sisigaw talaga ako rito na manyak siya!

"Wala kang naaalala?" Paos niyang ani bago umupo at harapin ako.

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang inaalala ang nangyari kahapon.

Ano bang nangyari? Tsaka.. Bakit ang sakit ng ulo ko?

"You little lady boy, you got yourself drunk last night. Remember?"

Ako? Naglasing? Bakit? Saan? Paano? Huh?

"Sinabi mo kay Mama?" Tanong ko agad. Hindi kasi ako pinapayagan ni Mama na uminom kaya kapag nalaman niya na uminom ako kahapon ay patay ako.

Ngumuso siya.

"Why?" Malademonyo siyang ngumisi.

Aambahan ko sana siyang susuntukin nang bigla siyang magsalita.

"Of course not! I got your back, front and... heart." Halakhak niya bago nagmamadaling lumabas ng kwarto niya.

Napaupo na lang ako sa may paanan ng kanyang kama.

Napabuntong-hininga na lang ako.

———

"Nadz, are you free today?"

"Bakit ate Lauren?" Taka kong tanong.

Hinarap niya ako.

"I told you before just call me Lauren. Feeling ko ang tanda tanda ko na sa pag-Ate mo sakin."

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon