Chapter 9

81 4 1
                                    

Note: Will continue to write this! :)

——————————————

Chapter 9 - Trainee


"Ma! Nandito na po ako!"

Hinalikan ko si Mama sa pisngi bago umakyat na sa taas para makapagpalit. Umupo ako sa kama at tumihaya.

Napatitig ako sa kisame.

"Naddie, punta ka sa bahay mamaya ha. I'll wait for you."

Huminga ako ng malalim, pumikit bago mabilis na tumayo para maghanap ng masusuot sa cabinet. Ano bang maganda? Shorts? Jeans?
Natigilan ako. Bakit ako magbibihis ng maganda? Eh sa kanila lang naman ako pupunta! Konting lakad ay nandun na ako. At... isa pa, ba't ko naisipang mag-ayos?

Nagkibit-balikat ako at kinuha nalang ang kung anong damit ang madalas kong suotin. His white vneck shirt.
Siya ang supplier ko ng damit sa totoo lang. Sa tuwing pupunta siya dito ay may dala siya laging damit dahil madalas dito siya sa bahay namin natutulog kapag naisipan niya noon. Hindi niya na inuuwi kaya ang resulta naiiwan sa kwarto ko lahat. Kaysa itapon ay ginamit ko na lang.

Nang matapos mag-mirienda ay humilata muna ako sa may sofa. Binuksan ko ang TV at nilipat sa isang movie na palabas.

"Ate, lipat mo sa sofia the first.." nilingon ko si Naomi. Kinurot ko ang kanyang pisngi bago nilipat sa gusto niyang palabas ang channel.

"Knock knock! Nadine!"
Parehas kaming napalingon ni Naomi nang marinig ang boses ni James. Umupo ako.

"Pasok!" Hindi na ako nag-atubili pang pagbuksan siya dahil noon naman ay basta-basta na lang siyang pumapasok sa bahay.

Pinagtaasan ko siya ng kilay nang makita ang malapad niyang ngiti.

"Tara na sa bahay." Agad na akong tumayo at nagpaalam kay Mama.

Paglabas namin ay agad niya akong inakbayan. Napaismid ako.

"Wow. Chansing ha!" pagtatakip ko sa pananabik na nararamdaman.
Kahit ang mga haplos at kapit niya ay namiss ko. Naman, Nadine!

"Namiss lang talaga kita." Bulong niya sa tainga ko. Lumayo ako ng bahagya bago siya sinamaan ng tingin.

Pero teka.. Anong akala nitong gagong 'to? Okay na kami?! Nawala siya ng walang pasabi para sundan yung babaeng yun tapos babalik na lang siya basta-basta?!

Sumimangot siya. "Your stare can cut me in two." panunuya niya.

Itinaas ko ang kamao ko bilang pagbabanta. Mas lalo akong nairita ng tawanan niya lang ako.

Kinurot niya ang pisngi ko nang samaan ko pa siya lalo ng tingin.

"Oh, Nadine! Matagal-tagal ka na ring hindi nakakapasyal dito ha.." bungad ni Tita pagpasok namin.

Nahihiya akong ngumiti. Oo, simula nang umalis si James ay hindi na ako nagagawi rito, minsan na lang kapag may importanteng okasyon o kaya ay may ipapabigay si Mama.

Kapansin-pansin ang mga bago nilang gamit, ang mga display nila ay iba na rin. Nabago rin ang ayos at bihis ng loob. Mas lalong gumanda ang bahay nila!

"Anong gusto mong gawin?"
Iginala ko ang paningin ko sa kanyang kwarto.
Bukod sa dumami ang gamit niya at naiba ang ayos at pintura ng kwarto niya ay may napansin ako na ikinaningning ng mata ko.

"Video games!" Aniko at agad ng umupo sa harap ng screen.
Napangiti siya at agad na ring umupo sa tabi ko.

Kahit hindi ko man masabi sa kanya ay walang araw na hindi ko hiniling na sana bumalik na siya. Isa ito sa mga namiss ko. Ang makasama siya hanggang sa magsawa kami.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon