Chapter 7 - Phone Call
Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa balikat ni Hazel. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko sa kung anumang bakas doon.
Binalingan ko ang stage na wala ng bakas ng kung anuman, may iilang estudyante na lang na nagliligpit ng upuan na ginamit at microphone stand. Luminga-linga din ako at nakita ang unti-unting pag-alis ng mga estudyante.
"Tapos na? Anong sinabi?" Bulong ko kay Hazel na papatayo na katulad ng karamihan.
"Wala, tungkol lang sa mga organization saka fees." Kibit-balikat niya.
Okay lang kaya na hindi ako nakinig? Okay lang siguro. May ipapaskil din naman sa bulletin board na announcement kung mahalaga naman ang napag-usapan dito.Nilingon ko ang katabi kong mga upuan kung saan umupo ang mga COEng kanina. Nasaan na sila?
"San sila?" Nguso ko sa mga katabi kong upuan na bakante na.
"Umalis na kanina pa. May pasok pa sila, hindi daw sila pwedeng mag-cut ng class. May pinapasabi nga si Bret sayo eh..."
Pinagtaasan ko siya ng kilay ng dungguin niya ako.
Diretso lang ang lakad ko palabas ng campus para umuwi na habang siya ay magaslaw na parang naiihing di mawarian.
"Bret?"
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako."Duh. Yung kuyang katabi mo kanina! Yung may crush sayo!"
Nginusuan ko siya. Bret pangalan nun? Yung kuyang naapakan ko yung paa?
"Close na kayo? Anong pinapasabi?"
Ngumiti siya ng makahulugan.
"Schedule mo daw. Syempre binigay ko. Pareho lang naman tayo!" Halakhak niya. Napahinga na lang ako ng malalim. Si Hazel talaga kahit kailan.Kumaway na ako kay Hazel nang tumawid na siya para sumakay sa jeep sa kabilang pilahan. Pa-Antipolo siya samantalang ako ay Pa-Angono. Halos isang oras ang byahe ko araw-araw papunta dito sa school. Hindi ko na naman alintana iyon dahil nasanay na ako. May mga pagkakataon na nale-late ako, minsan traffic lalo na't ginagawa ang daan patungo dito.
Nang makasakay na ako ay agad na akong nagbayad, pumwesto ako sa pinakadulo malapit sa bunganga ng jeep para makaiwas sa pag-abot ng mga bayad.
Kinalikot ko ang phone ko para magpatugtog, nagulat ako ng may biglang nagtext.
Unknown Number:
Hi.Kumunot ang noo ko. Sino 'to? Classmate ko? Pero alam ko na ang numero nilang lahat. Baka kakilala ko?
Nagreply ako ng, "Sino 'to?"
Kaagad din akong nakatanggap ng reply.
Unknown number:
This is Bret, Nadine :)Ngumuso ako. Bret? Paano niya nakuha ang numero ko? Wag mong sabihin ay binigay rin ni Hazel?
Ako:
Saan mo nakuha number ko?Siya:
Kay Hazel. Sorry.Ako:
Hindi okay lang, sana sa akin mo na lang sana kinuha.Siya:
Kung kaya ko lang eh. ✌Kung kaya lang niya? Anong ibig niyang sabihin?
Hanggang sa maka-uwi ako ng bahay ay katext ko siya. Nagpaalam lang ako na icha-charge ko ang phone ko kaya siya natigil.Nagmano ako kay mommy. Umakyat ako para makapag-palit ng damit. Bumaba ulit ako at sumalampak sa sofa. Inayos ko ang jersey shirt ko na kinuha ko sa tokador ko...
Napatingin ako bigla sa suot ko. Dapat siguro hindi na ako magsuot ng mga damit niya.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...