Chapter 32 - Change
"James seems not James this past few days. Did you know why, Naddie?" nilingon ko si Janna.
Nagkibit-balikat ako at ibinalik na lang ang tingin sa binabasang magazine. Maize is really a stunning lady. Bagay na bagay ang lahat ng damit na sinusuot niya. Hindi nakapagtataka kung bakit laman siya lagi ng mga magazine. Matagal na rin simula nang magkita kami. I missed her..
"He's too stiff and boring. Nahahawa na ata siya sa girlfriend niya." pagpapatuloy niya.
Nagkatinginan kami ni Hazel.
Kasi nga galit siya sa akin. Ewan ko ba kung bakit pati ang pakikitungo niya sa iba naming kaibigan ay naapektuhan. Kung galit siya sa akin ay dapat naman kahit papaano maging okay siya sa mga kaibigan namin! Kahit kailan ang arte ng isang 'yon. Mukhang hindi naman siya iwas sa mga kaibigan namin noong nasa Maynila sila at wala dito.
"Hija, treatment lang ba? Ayaw mong gupitan natin 'tong buhok mo?"
Nag-angat ako ng tingin kay Bow.
Sana lang ay hindi na siya mag-inarte. Ilang araw lang ang mga kaibigan namin dito tapos ganito pa ang pakikitungo niya? Isa pa, aalis na rin naman siya pagkatapos ng shoot nila dito. Parang ilang araw na nga lang ang nalalabi.
"Ayos na po itong haba na 'to."
Nasa salon kami ni Tita Bing ngayon. Siya ang may-ari ng sikat na salon dito sa Regina Rica. Kilalang-kilala ang kanyang salon sa buong probinsya kaya maya't maya ang pasok ng mga costumer na magpapagupit o kaya manicure/pedicure. Buti nga ay malaki itong lugar niya at may mga tauhan siya. Nagyaya silang mag-salon para sa party na dadaluhan namin mamaya. Invited kaming lahat sabi ni James. Birthday party iyon ni Calista kaya kailangan ay mag-ayos talaga ang mga bisitang dadalo. Iniisip ko pa nga kung pupunta ba ako o hindi kasi wala naman akong hilig sa mga party party na 'yan pero dahil PA niya ako ay hindi pwedeng hindi ako pumunta.
"Ikaw hija, sandali.."
Nangunot ang noo ko ng pasadaan ako ng tingin ni Tita Bing. Her false eye lashes playfully batting as she close the distance between us.
"Babae ka ba? Bakla?"
Napaawang ang bibig ko. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nina Janna sa harap ng salamin dahil sa sinabi ni Tita Bing.
Ako? Bakla? Mukha ba akong bakla?
"Ay hindi ka bakla for sure. Kasi ang bakla maayos, maarte tsaka marunong manamit."
Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ako maayos? Dugyot ako ganun? Baduy?
Palihim kong tinignan ang sarili ko. Kumpara sa crop top at maong shorts nila Bow ay outdated na ang suot kong tshirt at pants.
Simula noon ay nasanay na akong laging pinupuna ng iba ang suot ko na hindi karaniwan sa ibang babae kaya hindi na ako naiirita. Imbes kasi noong bata ako na mga palda at bestida ang suot ko ay mas gusto ko ang jersey shorts at t-shirts. Hanggang ngayon ay bitbit ko pa rin ang mga dating nakasanayan ko. Kahit nakakahiya mang aminin ay hindi talaga ako nagsusuot ng masyadong pambabae na damit, maski ang pagme-make up ay hindi ko pa nasusubukan. Hanggang lip gloss lang ako at face powder. Ang buhok ko nga ay aabot na hanggang bewang ko kapag nilulugay. Lagi lang itong nakapusod kaya hindi napapansin ng iba.
Tinitigan ako ng tatlo kong kaibigan kabilang na si Tita Bing.
"I think.. you need a little transformation, Nadine."
Binalingan ko si Bow. Ang kanyang full bangs ay umaayon sa bilugan niyang mata. Mukha na tuloy talaga siyang manika.
Tumango si Hazel at Janna sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...