Chapter 4 - Magkasalungat"Taba! Ang bagal mo! Ang haba na ng pila oh!" Hila ko sa kamay niya.
Marami ng tao sa loob ng mall. Sa sobrang dami ay pakiramdam ko lulundo na ang sahig. Nasaan na ba si Ate Hera? Sabi niya magbibigay siya sa akin ng ilang merchandise at banners para ibigay sa ibang fans.
Luminga-linga ako. Nang namataan ko si Ate Hera na halatang aligaga sa kanyang gawain ay lumapit na ako. Hinili ko si James, nagpatianod naman siya sa akin.
"Hi ate!"
Nilingon niya ako. Ewan ko ha, pero siya na ata ang pinaka-magandang fangirl na nakita ko. Pwede na nga siyang mag-artista sa mukha at hubog niya!"Ito yung banner, Nadine. Ibigay mo nalang itong iba sa ibang cofans mo." Aniya sabay turo sa plastic ng personalize banners at merchandise.
Ipinabuhat ko kay James ang lahat ng iyon. Kahit naman nakabusangot ang mukha niya ay alam ko naman na hindi niya ako matatanggihan.
"Sinama mo ba ako para may taga-bitbit ka?" Ani James sa gilid ko.
"Hindi ah!" Ngisi ko. Pero may parte na sinama ko siya para naman matulungan niya ako sa pamimigay.
Matapos ang mallshow ay halos patid na ang litid sa leeg ko at putol na ata ang paa ko sa sobrang pagod. Panay ang saway sa akin ni James kanina pero hindi ko siya pinapansin. Ang gwapo nila sa malapitan! Sila lang ang lalaking tinatapunan ko ng tingin no! Sila lang! Wala ng iba!
"Hungry?"
"Super!" Sagot ko kay James.Pumasok kami sa isang sikat na fast food chain. Simula bata ako dito na ata ako dinadala ng nanay ko. Kamukha niya si Taba! Magsuot lang siya ng kulay pulang bubuyog na costume, siyang-siya na!
"Anong sayo?"
Tinuro ko sa kanya ang gusto ko. Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi na naman siya umangal. Sanay na yan na halos mas madami pa ang inoorder ko kaysa sa kanya!Humanap na ako ng bakanteng pwesto, umupo ako doon at hinintay siya.
Sa labas ng kainan ay tanaw ko ang standee ng isang sikat na loveteam.
Napatawa ako sa isip ng may mapansin. Weird. Same name as ours."Oh, payat!" Napa-angat ako ng tingin sa kanya.
Habang kumakain kami ay panay ang sulyap ni James sa phone niya. Halos hindi na nga siya makakain ng ayos dahil sa kakatingin niya doon.
"Hoy! Kumakain tayo. Gusto mong sapak?" Sita ko sa kanya.
Tinignan niya ako, "Si Ev kasi eh.."
Napairap nalang ako. Sino pa nga ba?"Sabihin mo kumakain ka."
Sinunod niya naman ang sinabi ko. Nagpahinga kami saglit at nag-ikot sa mall bago umuwi.
"Payat, samahan mo ko." Bahagya akong nakiliti nang bumulong siya sa tainga ko.
"Saan?" Tanong ko sa kanya ng hindi siya nililingon. Ipinagpatuloy ko ang paglalaro ko. Tumataba na si Pou ko, paano ito papayatin? Nagiging James na siya!"Sa gym nila, JD."
Napalingon ako sa kanya. Tinitigan niya ako.
"Akala ko ba nagda-diet ka na? Ba't kailangan mo pa mag-gym?""Ang tagal e. Baka mainip na siya."
Ngumuso ako.
"Ge." Tamad kong sagot.Sinamahan ko siya sa gym. Nainosente pa kaming dalawa dahil wala kaming muwang sa mga ganito. Isang simpleng over-sized white tshirt lang (na galing sa kanya) at skinny jeans ang suot ko. Hindi naman ako ang magji-gym.
Nagpalaboy laboy lang ako sa malawak na gym habang abala siya sa isang aparato. May babaeng nagtuturo sa kanya ng kung ano ang dapat niyang gawin.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...