Chapter 30 - I Love Her
"Gosh, I miss you!"
Sa sobrang higpit ng yakap sa akin ni Hazel ay halos mapiga na ako. Nginiwian ko siya.
"Nakakainis ka! Bwisit ka talaga! Napakagaga mo!" simangot niya.
Actually kanina pa siya ganyan. Simula noong dumating sila kaninang hapon ay wala siyang ginawa kundi ang pagalitan ako at yakapin.
"Ano?" natatawa ko lang na ani.
"Leche huh? Bakit hindi ka nagpaalam sa amin? Alam mo ba kung gaano kami nag-alala sayo? Hindi mo kami pinatulog ng ilang araw dahil sa paghahanap sayo!"
Na-guilty naman ako bigla. Alam ko. Alam ko mali ang naging desisyon ko noon. Hindi ko inisip ang mga taong iiwanan ko. Hindi ko inisip ang mga taong maghahanap sa akin sa pag-alis ko. Hindi ko sila inisip. Alam ko. Nagkamali ako.
"Dito ka tumira ng isang taon?" pinasadahan niya ng tingin ang munti naming bahay.
Kumpara sa bahay namin sa Rizal ay mas maliit ito. Mas hindi rin moderno ang disenyo pati ang mga gamit. Paunti-unti kong pinag-iipunan ang pera na pambawi sa bahay namin na naisangla para makabalik na kami sa lalong madaling panahon. Hindi naman sa ayaw ko nang tumira dito dahil kung tutuusin ay maganda naman ang pamumuhay dito sa Regina Rica. Yun nga lang nakakamiss ang mga tao doon pati ang maayos na buhay namin doon.
"Okay na!" sabay naming nilingon sila Gaizer na nakadungaw sa taas.
Nginitian ko sila at binitbit na ang ilang pagkain sa may terrace.
Nakita ko pa ang pag-aayos ni Theo sa lamesa bago ako tinanguan.
"Nakakamiss kayo."
Hindi ko namalayan na naibulalas ko pala 'yun ng malakas. Sabay-sabay silang naglingunan sa akin.
Natawa si Janna ng ipinakita niya sa amin ang kanyang phone.
There we saw Maize. Isa pa 'tong babaeng ito. Bigtime na rin. Parehas na sila ng industriyang ginagalawan ni James! Sana nandito siya. Kaya lang sa sobrang busy niya ay pinagbawalan siya ng kanyang manager na pumunta dito kahit isang araw lang.
"Kung hindi pa kami tinawagan nitong si Bret hindi pa namin malalaman kung nasaan ka. Nakakatampo ka talaga, Nadz." nguso ni Gaizer.
Nagkatinginan kami ni Bret na tahimik lang na nakaupo sa gilid.
I am thankful because he found me. Kung hindi dahil sa aksidente niyang pagbabakasyon dito ay hanggang hindi pa nila ako nakikita.
"I miss you, Nadz." ani Janna.
Lumapit ako sa kanila at yumakap na. I miss them, too. Kanina pagdating nila dito ay pinaulanan nila ako ng sermon kaya nawalan ako ng pagkakataon na mayakap sila.
Their warm hugs are enough for me to feel my home. Naiintindihan ko ang tampo at inis na nararamdaman nila ngayon. Alam ko kung saan nanggagaling ang nararamdaman nila. Kaya nga kahit galit sa akin si James ngayon ay hindi ko kayang mainis sa kanya. Kasalanan ko kung bakit wala siya dito ngayon.
"I'm sorry.." iyak ko.
Humalakhak si Theo.
"I thought you're man enough to cry." asar niya.
Baduy man ako manamit, panlalaki man ako kumilos minsan ay hindi pa rin matatago ang babae kong parte sa aking loob.Nasilip ko pa ang pagbatok sa kanya ni Janna.
Isang mahigpit nilang yakap ang nagpakalma sa akin noong oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...