Chapter 17 - Cheer
Kung hindi pa siguro ako hinila ni Hazel ay baka hanggang sa matapos ang game ay nakatayo pa rin ako doon.
Tama ba ang narinig ko kanina? Oh baka nabingi lang ako? Pero... hindi eh. Rinig na rinig ko. Sila ba?
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa abot-bunbunan na nakangiting si Demi pati kay James.
"Usap-usapan sa school na si Demi at James na raw. Pero syempre hindi ako naniwala. Duh. Wala nga akong narinig na nanligaw si James!" Nalunod ang usap ni Hazel nang umalingawngaw na naman ang sigaw sa grupo nila Demi ng maka-score sila James.
"Ang galing mo!"
Nagtiim-labi ako. Walang emosyon kong tinignan pabalik si James nang mahagip niya ang titig ko. Ngumisi siya pero nang makita na hindi ako ngumiti pabalik ay awtomatikong nangunot ang noo niya.
Nag-iwas na lang ako ng tingin. Kung sila man ay pakialam ko? Siguro nga may mga bagay na hindi na niya kailangan pang ipaalam sa akin. Pero leche? Bakit doon pa sa ayaw kong babae? Lahat ba ng natitipuhan niya mga kampon ni satanas?
"Nadz! Saan ba CR rito? Puputok na pantog ko!" Reklamo ni Hazel bigla.
Bumaba kami para mag-CR. Kita ko ang pagsunod ng mata nila Bret sa amin nang mag-time out. Hindi ko nalang nilingon dahil nagmamadali na itong si Hazel. Baka dito pa abutin, nakakahiya sa sahig mamamanghe pa.
Pagkatapos ay lumabas muna si Hazel para bumili ng makakain namin. Mahaba pa kasi ang oras bago matapos itong game at baka magutom kami sa kalagitnaan ng laro. Mas mabuti nang isang tayuan na lang.
Pinagmasdan ko ang pagpito ng referee hudyat na tapos na ang 3rd quarter. Natipon ang mga players sa bench para uminom ng tubig at magpahinga.
Luminga-linga ako sa labas. Ang tagal naman ni Hazel? Binili na niya ba buong tindahan?
"Nadine!" Napalingon ako nang marinig ang pagtawag ng pamilyar na boses. Nginitian ko si Bret bago umiling ng bahagya nang senyasan niya ako na pumunta sa kanya.
Nang siguro'y mapagtanto na wala akong balak na pumunta ay siya na mismo ang lumapit.
Napaayos ako ng tayo.
"Salamat sa pagpunta." Aniya habang nagpupunas ng pawis.Kaya siguro ako sinama rito ni Hazel ay dahil sa kanya. Ipinagkanulo na naman ako ng babaeng 'yun!
"Uuwi ka na? Hindi pa tapos ang game." Wika niya habang tinatanaw ang labas.
"Hindi, tatapusin namin." Ngiti ko.Nginitian niya ako pabalik bago tumango-tango. Kung tutuusin may malaking pagkakahawig si Bret at James. Siguro dahil parehas silang may banyagang lahi? Kaya siguro ganun na lang ang atensyong binibigay sa kanila ng mga babae sa school. Dahil minsan ka lang makakita ng ganitong mukha na normal pang namumuhay. Bihira ka na lang makakita ng gwapo na hindi artista.
Pinagmasdan ko ang pagtulo ng pawis sa kanyang noo. Abala siya sa pagmasid sa court kaya hindi niya namamalayan na tumutulo na naman ang pawis niya.
"Dapat hindi ka muna masyadong umiinom ng tubig. Kapag kagagaling sa takbo, wag muna isang..."
Napatigil ako sa pagpunas sa kanyang noo nang maramdaman ang titig niya. Alanganin ko siyang nginitian bago binalik ang towel sa balikat niya.
Ngumisi siya bago kinagat ang pang-ibabang labi. Ngumuso ako.
"Ang sarap mo sigurong maging girlfriend."
Bahagya akong natigilan sa kanyang sinabi.
Napalunok ako.Ako? Sinong tanga ang magkakamali sa akin? Hindi nga ako makita ng taong gusto ko e.

BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...