Chapter 29 - Food
"Nasabi na ba sayo ng manager ko na gusto kitang maging personal assistant?"
Tumango ako, ngumiti siya. Ewan ko ba kung ikakatuwa ko ba ang ngiti niyang iyon dahil naipamukha na naman sa akin ang isa sa rason kung bakit girlfriend siya ngayon ni James.
Her perfect teeth and sweet smile. Nakakapanghina ang ngiti niya. Sa sobrang amo ng mukha niya ay para siyang tao na kailanman hindi makakagawa ng kasalanan.
"Do you want me as his girlfriend?" seryoso niyang tanong na siyang ikinabigla ko. Napainom tuloy ako ng tubig. Lunch break at heto't katatapos niya lang kumain, nire-retouch ang kanyang make-up ngayon para sa next scene.
"Bakit.. bakit natanong mo?" ngiwi ko.
Why would she wants my opinion? Big deal ba ang say ko kung sino man ang maging girlfriend ni James?
"Because you are his best friend right?" tipid niyang tawa.
Oh. Kaya ba niya ako gustong maging personal assistant niya ay dahil bestfriend ako ng boyfriend niya? I bet alam na niya ang tungkol sa amin ni James. Mukhang alam naman niya ang lahat.
"Ah eh.. ahm.. okay lang naman sakin kung sino ang girlfriend niya." akward kong sagot.
Tumango-tango naman siya. Nakita ko ang palihim niyang pagsulyap sa akin.
"Nadine, pwedeng ibili mo ko ng shake? May malapit na shop dito 'non."
Tumango ako at sinunod ang iniutos niya.
Okay lang na pumayag ako sa trabahong ito, sa laki ng sweldo ay hindi ko na poproblemahin araw-araw ang gastusin sa bahay, pagkain at baon ni Noemi. Isama pa ang mga luho ni nanay.
Pagbalik ko ay pagbukas palang ng pinto, nadama ko na ang lamig na dala ng aircon sa kwarto. Bahagya akong nanginig pero hindi ko ipinahalata. Kanina ay ayos lang naman ang lamig pero ngayon ay parang pinihit nila sa mas malamig pa. Wala pa naman akong jacket.
"Thanks," sumimsim siya sa shake na binili ko bago ulit may inutos.
"Nadine, paayos naman ng mga damit ko dyan sa bag. Nagulo kasi kanina nung namili kami."
Nakita ko ang pagsunod niya ng mata sa paghimas ko sa aking braso na ngayon ay nagsisitindigan na ang balahibo sa lamig.
"Calist.."
"Oh!" agad siyang bumaling sa make-up artist muli.
"May aayusan pa ako later kaya tinatapos na kita."
"Okay." ani Calista
Sinikap kong gawin ang pag-aayos kahit lamig na lamig na ako. Minadali ko talaga para sana makalabas na ng kwarto pero may inutos na naman si Calista. Hindi na ako nakaangal kahit na maya't maya na ako nasa CR para umihi sa sobrang lamig. Wala akong mahanap na jacket man lang na pwede kong hiramin kaya namimilipit na talaga ako.
Para sa iba ay normal lang ang temperatura na iyon pero para sa akin ay malamig talaga. Ewan ko ba pero simula bata ako kapag dinadala ako sa mall lagi akong may dalawang patong na jacket dahil nilalamig ako. Kapag nasosobrahan ako sa lamig ay namumutla ako o hindi kaya hindi nakakahinga ng maayos. Once palang naman ako inatake ng grabe pero sa isang beses na iyon ay muntikan na akong mamatay dahil sa hirap sa paghinga.
"James.." awtomatiko akong napalingon ng magsalita si Calista. Nakita ko ang mabilis na paghalik nito sa labi sa kanya bago siya bigyan ng bulaklak.
Isiniksik ko ang sarili ko sa sulok at nagdasal na sana ay hindi ako mapansin. Ngayon ay tatlo na lang kaming tao sa loob ng kwarto dahil umalis na yung make-up artist.
"Are you done? Anong oras pack-up niyo?" mababang boses na tanong ni James.
"2 am I think,"
"I'm so tired.." malambing na ani Calista.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Kailan ba ako masasanay sa ganitong eksena? Hindi na talaga ata. Kahit noon ko pa nakikita ang ganito sa ibang babae niya naman ay hindi ko talaga maiwasan. Awtomatiko akong nakakaramdam ng inggit o selos kahit sa simpleng haplos nga lang niya sa ibang babae.
I'm still secretly hoping that one day I'll be that girl. His girlfriend. Pero sobrang labo na talaga lalo na ngayon.
Halos mapatalon ako sa gulat ng tawagin ako bigla ni Calista.
"Nadine, can you buy us some food? Light meals will do."
Hindi nakatingin sa akin si James pero kitang kita ko ang tingin niya sa akin mula sa salamin na nasa harap nila ni Calista.
"Sa Jollibee ba? Fries?"
Ngumuso si Calista. "What do you want, babe?" tanong niya kay James.
Bahagya akong sumulyap sa kanya. Binasa niya ang kanyang labi bago humarap sa amin at umupo sa lamesa. Nag-iwas ako ng tingin.
"Is she your new PA?" bulong niya kay Calista pero dahil magkakaharap lang kami ay narinig ko.
"Yup. She's your best friend right? That's why I hired her!" ngiti ng babae.
Pinaglaruan ni James ang labi niya kaya napalunok ako. Meron siyang sinabi pero sa sarili niya na lang ata yun sinabi dahil miski si Calista ay hindi na narinig.
"Fries and Nestea. Diet ako eh." tumango ako kay Calista at tumalikod na. Pipihitin ko na sana ang pinto para lumabas na nang marinig ko ang boses ni James.
"How about me? Why didn't you asked what I want?"
Napakagat ako sa aking ibabang labi bago humarap.
"Ah, sorry—"
"Hm-mm. I understand. My words are not that important to you. Leaving without saying a word to me. I understand." aniya bigla.
Napatulala ako. Sa sobrang pagkabigla ko sa sinabi niya ay hindi ko namalayan na nakaawang na pala ang labi ko. Hindi siya nakatingin sa akin kundi sa sapatos niya kaya malaya akong nakakatitig sa kanya.
Wala na si Calista sa tabi niya baka siguro nag-banyo.
Natiim-labi ako.
"Ano bang.. ah gusto mo?"
Nang mag-angat siya ng tingin ay para akong nahagip ng isang 10 wheeler truck sa sobrang lakas ng impact sa akin ng mga mata niya. Nalula ako ng husto kaya kahit ilang hakbang ang distansya namin ay parang malapit lang siya sa kinatatayuan ko.
"I don't want anything anymore. So you better not ask again."
Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi niya. Mas malamig pa sa buga ng aircon ang ipinapakita niyang emosyon sa akin ngayon. Galit nga siya. Sobra. Ayokong magalit din sa kanya dahil wala naman siyang alam sa problema ko noon, kung meron man ay yung mga naikwento ko lang noon sa kanya pero yung emosyunal na problema ay hindi. Hindi niya alam. Wala siyang alam. Sa huli ay ako naman talaga ang may kasalanan.
Nagngilid ang luha ko ng talikuran niya ako.
"Go and buy food for her. I don't want her to wait for too long. I know the feeling."
Agad na akong lumabas dahil baka kung hindi ay may masabi na naman siya na tiyak na di na kakayanin ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction)
FanfictionPinagtagpo ang landas nila noong mga bata pa lamang sila. Isang kambal na galing sa magkaibang sinapupunan ang tawag ng karamihan sa kanila. Isang pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nilang dalawa. Sa paglipas ng panahon, isang lihim na pagtingin ang...