Chapter 18

66 5 0
                                    

Chapter 18 - Drunk


"Nadine, walk beside me."

Para siyang ama ko na kanina pa saway ng saway sa akin.

Masisisi niya ba ako? Grabe. Ganito pala ang loob ng building na ito? Akala ko kasi noon ay isang simpleng building lang ito dahil nadadaanan lang namin. Parang university pala sa sobrang laki!

"Close your mouth.." Bulong niya na siyang ikinabigla ko.

Ngumuso lang ako bago sumunod sa kanya at maglakad sa kanyang tabi.

"Dito ka na titira?" Kuryoso kong tanong.
May nakita kasi akong malaking building sa may bandang kanan na parang dorm.

Ganito pala talaga ang buhay ng isang trainee. Bago ka ipakilala sa madla, marami ka munang pagdadaanan.

Doon ba tumitira ang mga trainee ng DBE? Kung oo ay hindi maipagkakaila kung bakit angat sa iba ang mga artist na nanggagaling dito.
Tutok kung tutok. Ensayo kung ensayo.  Hasang-hasa sila. Kaya pala.

"Kapag sinabi ng handler ko." Simple niyang sagot.

Nagpalinga-linga ako. Marami talagang building. Siguro mga nasa 5 ang nakita ko na may apat na palapag. Nagkalat ang mga camera, production equipments, set-ups at kung anu-ano pang nakikita ko lang sa mga Behind The Scenes na video. Pari't-parito rin ang mga staff at crew na halatang aligaga sa kung ano man. Baka may shooting?

"Nasaan ang mga artista?"
Tanong ko sa kanya nang hindi nakatingin.

Halos mapaatras ako nang bigla siyang humilig sa akin. Ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko. 

"Right here in front of you."
Mahanging sabi niya bago nauna nang lumiko sa isang pasilyo.

Napasimangot ako.

Hangin talaga ng lecheng 'to. Porket may nakakakilala na sa kanya?

Nagpaalam siyang maghintay na lang ako sa labas habang kinakausap ng kung sino man sa loob ng isang parang training room.

Nang nainip dahil halos isang oras na ata ako nakaupo sa bench ay naisipan kong lumabas na muna para maglibot.

"Excuse me, bago ka?"

Tinitigan ko ang babaeng medyo malusog. Lumingon pa ako sa likod ko kung ako ba ang tinutukoy niya.

"Ako po?" Turo ko sa sarili ko.

Ngumiti siya bago lumapit. Alanganin ko siyang nginitian nang magsimula siyang hagurin ako ng tingin. Eh?

"Bakit po?"

"Sinong humahawak sayo?"

"Po?" Taka kong tanong. Humahawak sakin? Palihim kong tinignan ang kamay ko. Wala namang humahawak sa akin ah?

"Nadine!"
Pareho kaming napalingon ng babae sa tumawag sa akin.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap." Ani James bago binalingan ang babaeng kausap ko.

"Ma'am!" Gulat na ani James.

Ngumuso ako sa pagtataka. Binalingan ako ni James, pinandilatan niya ako ng mata na halatang may tinutukoy.

Natanggap ko ang mensaheng pinaparating ng mata niya.

Sinamaan ko siya ng tingin bago tumungo sa babaeng kaharap.

"Hello po, Ma'am." Bati ko.

Kiming tumawa ang babae bago ito lumingon kay James.

"Against the rules ang mag-girlfriend while you're training, I'm sure you know that."

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon