Chapter 37

47 2 0
                                    

Chapter 37 - Beach

The next day I wake up... I know there is something against my living.

"Hello? Who's this?"

Napangiti ako ng marinig muli ang pamilyar na boses. Ganun pa rin ang tono niya, parang laging may kaaway. Palaisipan kung paano natagalan ni James ang manager na ito. Siguro nga totoong magaling siyang mag-handle ng artista. She's so professional yet she also consider her artists. Kung siguro mag-aartista ako ay gusto ko pareho kami ng manager ni James.

"Miss D,"

"Nadz?"
Parang nasurpresa siya masyado sa biglaan kong pagtawag sa kanya.

Ilang beses ko pa lang nakausap si Miss D, sa ilang beses na iyon ay palagi siyang nakataas-kilay kapag nagkikita kami. Parang laging basher ako ni James sa paningin niya. But... I'm thankful. Thankful that she is his manager. Alam kong malayo ang mararating ni James sa mga kamay niya.

"Hm-mm. Si James po?"

"Ahm.. here, he's here. I'm sorry, Nadz. I can't hand him this phone right now. Call him next time."

Bumagsak ang balikat ko.

He's really busy now. Malayong-malayo sa James na happy-go-lucky lang noon. Walang ginawa kundi mang-asar, mang-asar at... mang-asar lang ulit. I missed him. I really miss him.

Ginalaw-galaw ko ang bracelet na suot ko. Isang dream catcher na maliliit ang disenyo. Kahit walang nakalagay na pangalan ng nagbigay ay alam ko kung sino.

"Gusto mo ba niyan?"

"Huh? Bakit kung gusto ko ba bibilhin mo para sakin?" ngiti ko sa kanya ng matamis.

Ngumiwi siya, "Ano ka? May bibilhin pa akong bulaklak para sa nililigawan ko!"

Sinapak ko siya. Mabilis akong naglakad at hindi na siya inantay pa.

Nanaginip akong masama. Nakakatakot na baka mangyari nga iyon. Siya.. nakadungaw sa akin.. umiiyak.

"49 missed calls, 78 unread messages."

Itinago ko na lang ang cellphone ko sa aking backpack at muli ng naglakad. I know they're worried. Hindi na naman ako nagpaalam sa pag-alis ko. Hindi na talaga ako natuto. Hindi na ata ako matututo.

"Wow."

Pumikit ako at ninamnam ang sariwang hangin. Ang nakakamanghang dagat ay nakakapawi ng pagod sa byahe. This view deserves to be seen by me. Marami pang tanawin ang kailangan kong makita. Marami pang tao ang aking makakasalamuha. Marami pa... kaya.. sana..

Nilabas ko ang aking cellphone para sana kumuha ng litrato ng tumunog ito. Napangiti ako ng mabasa ang text niya.

"I'm here."

Huminga ako ng malalim at agad ng naglakad.

Pagkapasok ko sa isang restaurant ay nakaramdam agad ng hiya. Ang mamahaling lugar ay hindi nababagay sa suot ko.. sa akin. My faded jeans and sweat shirt doesn't belong to this fancy room. I feel so out of place.

Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana (JaDine Fanfiction) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon