First Day
First day of class ko ngayon as a 3rd year student sa Bridgewood International School kilala ang school na to bilang top one pag dating sa mga regional at National competition.
"huy Aimy agang aga tulala ka naman jan" sabay yugyug saakin ng bestfriend kong si Janine hindi ko talaga alam kung paano kami naging magbestfriend nito ei masyado siyang brutal pero kahit papano maasahan naman.
"kaya naman pala ei dumaan naman pala ang playboy mong crush, hay naku Aimy hanggang kelan ka mababaliw jan sa lalaking yan kita mo naman ohh playboy na nga hambog pa akala mo kung sino" kahit kelan talaga haters ni Jack ang isang to.
Bago pa may makarinig sa sinabi niya ay dali dali ko na siyang hinila sa classroom mahirap na baka marinig pa kami ng fansclub niya dito sa school grabe pa naman ang mga iyon kung maka asta lalo na si Stacey akala mo girlfriend siya ni Jack.
Saktong time na rin pagkapasok namin sa classroom as usual dun kami sa 3rd Row sa tabi ng bintana pumwesto ni Janine sa usual spot namin.
"Good Morning Class, My name is Mr. Daniel Martinez and I'll be your Filipino teacher and also your adviser for the whole school year so feel free to ask me anything and you can call me Sir. Neil." Bambungad na bati saamin ni Sir Niel mukha namang siyang mabait at hindi terror kagaya ng last year na adviser namin.
Since first day of classes ngayon puro introduction lang ang ginawa namin. Tapos na ang lahat magpakilala sa harap nag biglang napatigil ang lahat at ang mga babae naman ayun akala mo bulateng linagyan ng asin kung kiligin, well di ko naman sila masisisi ei masking ako nga ei nalaglag ang pangga sa taglay na kagwapuhan ni Jack at ng kanya mga Barkada.
Yes tama kayo sila Jack kasama ang Barkada niya ang pumasok mukhang galing yata sila sa gym para sa gustong mag pa register para sa basketball team ng school. Si Jack kasi ang Team Captain ng Basketball dito sa school.Matapos ang kaguluhan dahil sa pagpasok ng mga nag gwawapuhang nilalang AKA groupo nila Jack ay maayos na rin naman natapos ang mahabang introduction ni Sir. Neil na kulang na lang ay tulugan ko sa sobrang boring halos taon taon na yata nilang pinapaliwanag saamin ang rules and regulations echos na yan kaya nakakasawa na.
Nandito kami ngayon ni Janine sa Canteen. Si Janine na ang nag presintang mag order tutal close naman niya si ateng tindera sa Canteen kaya pumayag na ako.
Habang hinihintay ko si Janine ay nahagip ng mata ko si Jack kasama si Krista na naglalampungan sa may garden ng school. Di na nahiya nasa school grounds kaya sila. Kahit na sanay na rin naman akong makita si Jack na may kalampungang ibang babae ay hindi ko pa rin maiwasang masaktan, wala ei mahal ko na yata siya na kahit na alam kong playboy siya ei hindi ko pa rin siya maiuncrush.
Sa sobrang pagmumunimuni ko dahil sa nakita kong exsena ni Jack at ng flavor of the week niyang si Krista ay di ko na namalayang nasa tabi ko na pala si Janine.
"Uyy Friend kanina ka pa tulala jan ahh may problema ba" nagaalalang tanong saakin ni Janine.
"Si Jack nakita ko kasama niya si Krista" paliwanag ko kay Janine
"So totoo pala ang balibalita na si Krista ang flavor of the week niyang si Jack Fallon na yan, subagay bagay sila the playboy and the b*tch. Hayy gusko friend pwede bang humanap ka ng matinong lalaking magugustuhan mo hindi yung kagaya niya napaka Badass." Alam kong may point si Janine hindi naman ako t*ng* para hindi maintindihan na napaka unreachable ni Jack para saakin pero sana ganun nalang kadali iyon. Sana ay ganun lang.
BINABASA MO ANG
The Lying Game (Game Series 2)
Teen FictionMeet Aimy Anne Serrano a girl who wants to be seen by her Ultimate crush, then it happens she was the happiest girl that moment, she felt like she is finally living her own fairytale. But then fairytales weren't true in reality, his prince became th...