Chapter 12

67 1 0
                                    

Old Friend

Magisa akong naglalakad sa hallway ng school wala na akong klase sa isa kong subject dahil absent ang teacher. I was busy texting Janine dahil hindi pumasok ang bruha at wala man lang pasabi.

Nang napadako ako sa may theater room, napatigil ako ng aksidente kong marinig yung pangalan ko. Sumilip ako sa pinto at nakita ko ang dalawang babaeng naguusap mukhang members yata sila ng drama club at nag rerehears para sa nalalapit na Foundation week ng school.

"Alam mo naawa talaga ako dun kay Aimy e, ang bait bait tapos ang ganda pa sana makonsyensya naman sila, mga lalaki nga naman" dinig kong sabi ni Ate number two kay Ate number one na kausap niya. Dinikit ko pa lalo ang tenga ko para marinig ang usapan nila.

"True, sayang ano akala ko pa naman nagbago na si Jack kasi ang sweet niya kay Aimy never niya kaya ginawa yung mga ganun sa ibang babae niya kay Aimy lang" sagot naman ni Ate number one.

"Sus una pa lang alam ko na nalabas niya lang yun, sa laki ba naman ng pusta nila dun tingin mo ba hindi niya gagalingan ang pag arte. Kilala ng lahat si Jack na hindi nagpapatalo lalo na pagdating sa mga ganyang pustahan" dagdag ni Ate number two na ikinatahimik ni Ate number one. Masking ako ay nalaglag ang panga at kumunot ang noo ko sa pinaguusapan nila anong pustahan at palabas anong kinalaman namin ni Jack doon.

"Pero malay mo baka naman nainlove talaga si Jack kay Aimy malay mo totohanan na sila." pagtatanggol pa ni ate number one kay Jack ngunit maapait lang na ngiti ang sinagot ni Ate number two sakanya.

"Ang manloloko kahit anong gawin mo manloloko pa rin. Sana lumabas na ang katotohanan para naman di na sobrang masaktan si Aimy, di niya deserve ang ganun klaseng lalaking manloloko." mapait na sagot ni ate number two, bago sila tuluyang bumalik sa kanilang pag eensayo. Lutang akong naglakad palabas ng school patuloy na iniisip ang mga narinig ko kanina.

Magulo pa rin ang isip ko hanggang ngayon. Pinagtatagpi tagpi ko ang kwentong narinig ko mula sa babaeng nasa theater room at sa mga nagyari nang mga makaraang buwan simula ng naging close at linigawan ako ni Jack. Masyadong mabilis ang lahat hindi kaya. No pagpuputol ko sa iniisip ko hindi magagawa iyon sakin ni Jack sa maigsing panahon na pagkakakilala ko kay sakanya ay alam kong hindi niya iyon magagawa, mas kilala ko siya kesa sa mga babaeng iyon kaya dapat siguro ay wag akong masyadong nagpapaniwala.

Patawid na ako ng kalsada ng muntik na akong masagasaan ng isang kotse mabuti nalamang at mabilis itong nakapreno. Napapikit ako sa sobrang takot at kaba sa nangyari ramdam ko ang pagtambol ng dibdib ko at ang panginginig ng tuhod ko. Mabilis bumaba ang driver ng kotse hinawakan niya ako sa magkabila kong braso para I check kung ok lang ba ako. Pagkadilat ko ay nagulat ko sa kung sino ang nakita ko.

"IKAW!!" gulat kong sabi sakanya. Di ko alam na magkikita pa kami ulit. Nakatitig lang saakin halata rin ang pagkagulat sa kanyang mukha ngunit mas lamang ang pagaalala dito.

"Ok ka lang ba Aimy? nasaktan ka ba? bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" nagaalala niyang tanong saakin.

"Ahh......hindi naman ok lang ako sorry marami lang kasi akong iniisip kaya hindi ko napansin yung kotse mo" sagot ko sakanya ng makabawi ako sa pagkagulat at pagkamangha na nakita ko siya ulit pagkatapos ng basketball game na iyon ay alam kong hindi ko na siya makikita ulit kahit na marami akong gustong itanong sakanya. At kahit na panay ang kulit saakin ni Janine kung kilala ko ba siya at bakit alam niya ang pangalan ko.

"So...sure ka lang na ok ka ayaw mong magpadala sa ospital?" pagaalok niya saakin. Umiling ako bilang pagtanggi.

"Hindi ok lang ako marami lang talaga akong iniisip kaya hindi ko napansing papatawid na pala ako. Wala naman akong galos at hindi mo naman ako nasagasaan." paliwang ko sakanya. Nagulat ako ng bigla itong ngumiti saakin lumabas tuloy ang dimples niya sa kaliwang pisngi niya.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon