GoodBye
"I'm losing myself and everything I hoped to be finally found the good in goodbye so b.y.e" -B.Y.E Alyssa Shouse
At dahil sa kapasawayan na ginawa ko ay linagnat na naman ulit ako at ang resulta ay halos 3 days akong naka confine sa bahay.
"Manang Lourdes bawal pa ba talaga akong lumabas?" pangungulit kong muli kay Manang nung sang araw pa kasi akong kating kating lumabas ng kwarto ngunit ayaw nila akong payagan.
"Aimy wag makulit tignan mo yang sipon mo di pa rin gumagaling at madalas ka pa ring sinisinat sa gabi." suway nito saakin pangatlong beses ko na yata narinig ang linya na yan kay Manang Lourdes ngayong araw.
Hayy bakit ba kasi ang tanga tanga ko nalaman ko na lahat ang kototohanan pero umasa pa rin ako nagbulagbulagan sa mga nangyari dahil lang sa lintek na pagmamahal ko sakanya at anong napala ko nagmakaawa na ako lahat lahat kinalimutan na pati ang konting pride na natira sa sarili ko ngunit sa huli ay pinagtabuyan pa rin ako, at dahil sagad sagad na yata ang kamalasan ko sa buhay nagkasakit pa ako.
Napukaw ang pagiisip ko ng may kumatok sa pintuan. Bumungad saakin ang mukha ni Ethan naka uniform pa ito halatang galing pa siya ng school at mukhang dumaan pa talaga siya rito para lang dalawin ako. Lumawak ang ngiti ko pagkakita ko sakanya.
"Kamusta ka na Buko Pie?" masaya nitong bati saakin.
"Ito tatlong araw na akong naka house arrest, piyansahan mo naman ako tutal malakas ka naman kila mommy. Bored na bored na ako dito sa bahay" nagpout pa ako dito para convincing ang pagpapaawa ko sakanya ngunit tinawanan lang ako ng loko.
"I'm sorry Aimy, I can't be your savior right now. Magpagaling ka muna, ito may dala ako favorite mo" sabay abot niya saakin ng supot ng McDo.
"Ano to?" tanong ko sakanya sa boses na may halong pagtatampo. Ngumiti lang ito saakin at saka ginulo ang buhok ko.
"Your Favorite Chicken Nuggets. Yan lang muna ang kaya kong ibigay sayo mahal na prinsesa yan lang ang kaya ng powers ko sa ngayon e" ngumuso ako sa sinabi niya pinipilit itago ang ngiti sa labi ko dahil sa simpleng effort niya. Umupo siya sa tabi ng kama ko at kinuhang muli ang supot sa kamay ko linabas niya doon ang box ng paborito kong Chicken nuggets kasama ang fries, pinagbuksan niya rin ako ng sauce nito.
"Say ahh" winagayway niya sa ere ang nuggets animoy nagpapakain siya ng bata sa ginawa niya.
"Ako na malaki na ako kaya kong kumain mag isa" Agaw ko sakanya ng pagkain saka direstong sinubo sa bibig ko. Hindi ko na maitago ang ngiti sa mga labi ko.
"Kamusta ka na Aimy" tanong niya saakin sa seryosong tono. Bahagyang kumunot ang noo ko sa bigla niyang pagseseryoso. Tumawa muli ako dito bago sumagot.
"I told you I was stuck here....." pinutol niya agad ang sinabi ko.
"Don't pretend in front of me Aimy alam ko ang lahat ng nangyari alam kong nagusap kayong dalawa." naglaglag ang panga ko sa sinabi niya. Tinignan niya ako ng direcho sa mata para bang binabasa niya ang buong kaluluwa ko.
"I understand if your not ready to talk about it pero gusto kong malaman mo na willing akong makinig, I'm always here for you" banayad niyang sabi ngunit halata mo ang frustration sa boses niya. Mapait akong ngumiti sakanya as much as possible ay ayokong idamay sila sa sakit na naramdaman ko ngunit kung ang pagtatago ng katotohanan sakanya ay isa sa mga dahilan kung bakit mas nasasaktan siya para saakin ay handa akong ibigay ito sakanya. I don't wanna be selfish not for the people who gave nothing but happiness to me. Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Lying Game (Game Series 2)
Teen FictionMeet Aimy Anne Serrano a girl who wants to be seen by her Ultimate crush, then it happens she was the happiest girl that moment, she felt like she is finally living her own fairytale. But then fairytales weren't true in reality, his prince became th...