Chapter 4

84 1 0
                                    

First Date

Halos di ako nakatulog kagabi pano ba naman kasi di pa rin nag sisink in saakin yung sinabi ni Jack. Halos paiikot ikot na ako sa kama ko pero yun pa rin ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Tinawagan ko na rin si Janine kagabi para ikuwento yung nangyari kanina, masking siya hindi rin makapaniwala sa sinabi ni Jack baka raw trip lang ako nun o baka naman daw naubusan na ng pagtritripan kaya niya ako yinayang lumabas kahit kelan talaga ay napaka supportive ng bestfriend ko. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Janine kasi kahit sang parte mo tignan ay may point siya na baka nga trip lang ako ni Jack. Kilala ko si Jack at yung mga tipo niyang babae ay yung mga kagaya ni Stacey ang dating ay parang model ng FHM, at malabong mapabilang ako sa mga ganung klase ng babae kung baga average type of girl lang ako I'm miss nobody kung baga. Kaya imposibleng yayain niya akong lumabas o mag date unless trip niya lang yun or whatever, iinisip ko tuloy kung sisipot pa ba ako o hindi. Pero paano na yung Diary ko at same time chance ko na rin to para mapalapit sakanya malay mo naman diba mag level up yung relationship namin.

12 imedya na ng tanghali ng napagpasyahan kung kumilos bahala na basta kelangan kong makuha yung Diary ko sakanya bahala na pero sana may magandang kalabasan tong araw na to.

Eksaktong 1pm ng dumating ako sa Starbucks kung saan namin napag usapang magkita ni Jack. Wala pa siya rito kaya napagpasyahan ko munang umorder ng maiinom. Habang nagaatay sakanya ay panay naman ang text saakin ni Janine para paalalahanan ako na wag daw ako masyadong tumitig kay Jack at baka mag mukha daw akong shunga pagnagkataon at nakakahiya kay Jack iyon, ayun lang ay kung maiiwasan ko ba. Binigyan niya rin ako ng advice kung paano ako haharap kay Jack ng hindi nauutal panget naman tignan kung sobrang awkward ko kapag kaharap ko siya. At lastly pinaalalahanan niya kong wag masayadong magpadala sa mga pambobola at matatamis na salita ni Jack at baka umasa lang ako at masaktan sa huli.

Hindi ko namalayan na halos 30 minutes na pala ako dito nag aantay at wala pa ring Jack na dumadating, malamang ay mukhang trip lang yung pagyaya niya saakin at ako namang si shunga naniwala.

Paalis na sana ako ng may biglang humawak sa braso ko.

"Aimy! Pasensya na kung late ako kanina ka pa ba nandito? " halos ngumanga ako sa gulat ng makita ko siya sa harap ko akala ko hindi na siya darating.

" Aimy? " nagaalalang tawag niya saakin. Kanina pa kasi ako nakatanga sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

" Ahh, oo kanina pa ako nandito papaalis na sana ako akala ko kasi di ka dadating" sobrang hirap ako sa pagpipigil na mautal sa harap niya hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na dumating siya. Kung andito lang si Janine malamang nabatukan na ako nun mukha na naman kasi akong shunga sa harap ni Jack.

"May inasikaso pa kasi ako e, may inutos saakin si Daddy na importante kaya natagalan ako, Sorry talaga" paliwanag niya saakin. "Tara alis na tayo para marami pa tayong magawa at maaga kitang maihatid sainyo."

Andito kami ngayon sa MOA yinaya niya akong manuood ng sine, wow just wow di ako makapag react sa sobrang gulat at kilig ko sa mga actions niya konti nalang talaga at maniniwala na akong gusto niya talaga ako.

The Maze runner ang napagpasyahan naming panoorin. Si Jack na ang nagbayad tutal siya naman daw kasi ang nagyaya. Feeling ko tuloy ang sarap maging Girlfriend ni Jack, pero asa pa ako mamatay na si superman at batman pero malabong magkagusto si Jack saakin.

Tahimik lang kami habang nanood focus na focus si Jack sa pinapanood namin, ganito siguro siya pag nanonood sobrang seryoso, pero gwapo pa rin siya of course di ko nga alam kung makatarungan ba ang kagwapuhan ng lalaking to, she is a gift to all women kung baga. Pero in the other side kalahati ng populasyon sa school ay pinaiiyak na niya. Kaya kahit gaano kagwapo tong lalaking to delikado pa rin siya.

Pagkatapos naming manood ng sine ay nagyayang mag Arcade si Jack, napagdiskitahan namin yung car racing kung saan magkalaban kami ni Jack. As usual dahil magaling siya siya yung nanalo. Pagkatapos ay sinubukan namin yung basketball at dahil sa varsity player si Jack siya nanaman ang nanalo. Seriously saan ba hindi magaling tong lalaking to.

At dahil siya ang Dakilang Jack Fallon ng BIS ay nagpasikat pa ang mokong at halos lahat ng babae rito ay tumitili pag nakakashoot siya ng bola yung iba nga kulang nalang ay tumulo ang laway kakatitig kay Jack lalo na nung kinindatan niya ang isang grupo ng mga babeng high school students kagaya namin. Sa sobrang kapal ng tao ay lumabas nalang ako baka mamaya mag kastampeed pa loob sa sobrang siksikan hahanapin naman siguro ako ni Jack pagkatapos niya sa loob.

Nagulat ako ng biglang nagsitilian ang mga babae sa likuran ko yung iba naman ay halos mangisay na sa kilig pero ang pinagtataka ko ay bakit lahat sila ay nakatitig saakin, pag kalingon ko ay saktong nagtama ang mga mata namin ni Jack may dala siyang sobrang laki na SpongeBob na teddy bear at papunta siya sa direksyon ko.

"Aimy, akala ko kung saan ka na pumunta ito o napalununan ko mas malaki pa sana jan ang kukunin ko kaso nawala ka kaya lumabas na ako." nagaaalalang mukha ni Jack ang tumambad saakin pagkalapit niya saakin hindi ko expected na saakin niya pala iibibigay si SpongeBob.

"Sorry ah. Kung napagalala kita sobrang dami kasi ng tao sa loob kaya lumabas ako. Tara na baka maturn off pa yung mga fans mo dito baka isipin nila na girlfriend mo ako" sagot ko sakanya. Kahit na alam kung deep inside yun yung pinaka gusto ko at pinaka pinapangarap ko sa lahat.

"Silly, ano naman kung isipin nila yun bahala sila" sabay kuha niya ng kamay ko at hinila na ako palayo sa mga babaeng magkakandarapa sakanya. Seriously Jack Fallon bakit ka ba ganyan baka mainlove na ako sayo niyan, pero hindi pa nga ba e wala pa nga lang siyang ginagawa ay hulog na hulog ka na sakanya, bulong ng traidor kung utak.

Hindi pumayag si Jack na mag taxi ako pauwi kaya nag insist siya na ihatid ako tutal siya naman daw ang nagyaya saaking lumabas. Kaya sa huli ay pumayag na rin ako choosy pa ba tipid din yun para sa allowance ko no at makakasama ko pa siya ng matagal.

"Salamat Jack sa pag hatid saakin at nag enjoy ako ngayon araw thank you talaga" parang gusto ko tuloy yakapin si Jack kasi alam ko after nito balik na kami sa dati yung walang pansinan yung tipong hindi kami nag eexist sa mundo ng isat isa. Nakakalungkot na matatapos na ang fairytale ko balik na ulit ako sa dati yung Aimy na nobody na hindi pinapansin ng lahat.

"Ano ka ba wala yun nag enjoy din naman ako ngayong araw, btw ito na pala yung Diary mo gaya ng promise ko sayo next time dont be stupid and drop it anywhere baka hindi na yan bumalik sayo pasalamat ka at mabait ako kaya binalik ka yan sayo. But anyway thank you for today Aimy" sa totoo lang hindi ko na naisip yung tungkol sa Diary ko kasi sobra akong mag enjoy sa araw na to kasama si Jack pero kahit papano e, thankful pa rin ako kasi tumupad siya sa usapan namin. Isang matamis na ngiti ang binigay ni Jack saakin at syempre sinuklian ko rin siya ng isang malaking ngiti. Bago ako kumaway para magpaalam sakanya.

"By the way Aimy, I hope this Isn't the last ok" napatanga naman ako sa huli niyang sinabi nakaalis na siya lahat lahat ay naiwan akong nakatanga sa gate ng bahay namin dahil lang sa mga salitang binitiwan niya. Shet did he just tell me na mauulit pa iyon.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon