Chapter 35

47 0 0
                                    

End

Masakit na ang araw ng magising ako ngunit ang lakas ng simoy ng hangin ang nagpapanatili ng maaliwalas na klima ng lugar. Tanaw na tanaw mula sa bintana ng kwartong tinutuluyan ko ang banayad na alon ng dagat at ang kinang ng makintab at pinong buhangin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nakita ang ilang mga text roon, rineplyan ko ang mga importante at saka pinatay ko na ulit ito I should spend my vacation here well. Siguro naman ay sapat na ang tiwala nila saakin para hayaan ako sa nais kong gawin.

Magkahalong puti at brown ang kulay ng lobby ng hotel na tinutuluyan ko from the staircase ay matatanaw mo ang mga mwebles na pawang gawa sa kahoy at narra , nakasabit din sa dingding ang mga picture frame ng tingin koy mga ninununo pa ng may ari ng hotel na ito. It actually looks like more of mansion than a hotel to me.

"Good morning mam!" bati saakin ng receptionist habang ginagaya ako sa restaurant ng hotel.

Halos parehas lang ang thema ng desenyo ng lobby sa kanilang restaurant ang pinagkaiba nga lang ay pinuno ang bawat paligid nito ng mga corals at shells bilang palamuti. Pinili ko ang upuan sa labas kung saan kitang kita ang magandang view ng dagat.

Buong araw ay nagbabad lang ako sa dagat ng maghapon na ay napagpasyahan kong mamasyal naman sa bayan. I wanna keep myself busy para naman kahit paano ay matutunan ko ang lumimot.

Kapansin pansin na kaunti lamang ang populasyon sa lugar na ito kumpara sa mismong city kung nasaan ako kagabi,

Isla Paz is situated at the heart of the oceans somewhere in Visayas napapalibutan ang islang ito ng karagatan at tanging bangka lamang ang nagiisang transportasyon nila papunta sa syudad.

"Bago ka dito ineng no?" tanong saakin ng ale ng mapadpad ako sa mga paninda niyang shells at kabibe.

"Oho nagbabakasyon lang po ako dito" tugon ko rito. Ngumiti ito saakin at may kinuha sa kanyang de sakong bag. Iniabot niya saakin ang isang singsing na napapalibutan ng maliliit na shells at may desenyong maliit na star sa gitna. Kinuha ko ito at isinukat sa aking kamay namangha ako ng sumakto ito.

"Bagay iyan sayo iha, artisa ka ba ineng?" natatawa nalamang akong umiling sa tanong nito. Nanatili naman itong nakatitig lamang saakin.

"Ay nako hindi ho manang" kumuha ako ng pera saaking bulsa upang bilhin ang singsing.

"Talaga ba ineng sa ganda mong iyan  malamang ay maraming nanliligaw sayo sa maynila ano? Naalala ko sayo ang apo ko kasing ganda mo rin siya morena nga lang iyon at medyo maliit ng konti sayo, siguro ay makaedad lang kayong dalawa"  ani nito. Bahagyang napawi ang ngiti nito pagkabangit ng apo niya, gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko na ginawa pa masyado na yatang personal iyon sa halip ay ngumiti nalang ako dito at pinakyaw ang mga paninda nito. Nakaramdam ako ng awa para kay lola I suddenly miss mom and dad marahil ay ganyan din ang nararamdaman nila lalo na ngayong malayo sila saamin.

Nagikot ikot pa ako sa bayan, maliit lang ito kumpara sa mga lugar na napuntahan ko na ngunit sagana sa mga pagkain at ibat ibang bilihin ang islang ito, puros mga shell at kabibe ang pangunahing produktong meron sila rito kung pwede nga lang sana ay nais kong bumili ng isa kada tindahan na madadaanan ko kaso nga lang ay baka masayang lang iyon.

Sumakay ako ng tricycle pauwi sa resort na tinutuluyan ko. Binusog ko ang mata ko sa mga bukirin at simpleng mga tahanan na nadadaanan namin. May mga tao pala talagang kayang mabuhay ng simpleng buhay lamang no extravagant houses and luxurious cars tanging simpleng bahay lamang na gawa sa kahoy at isang bisikleta lang pang transportasyon ay masaya na sila. Lumaki ako na mayroon ng lahat ng bagay na naisin ko kadalasan pa ay mararangya ang mga iyon but the people here are total opposite of the life that I have.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon