Ang Diary
One week na since nag start ang class dito sa BIS. Kaya medyo busy na rin ang schedule namin. Ngayon kasi ang pasahan ng plataporma para sa mga tatakbo sa Student Council position kaya ito medyo late na ako dahil napuyat ako kagagawa ng plataporma ko kagabi. Gusto ko kasing tumakbo biglang Vice president ng council dahil ever since hilig ko na talagang tumulong sa pag aayos ng mga event sa school at iba pang kailangan gawin dito sa school.
Ilang minuto nalang at mag titime na terror pa naman si Ms. Katakutan pag dating sa mga late students. Kaya kelangan kung magmadali. Halos liparin ko na ang hagdanan sa sobrang pagmamadali shucks agang aga pero mukhang pang uwian na yata tong itsura ko tagaktak ang pawis ko at dumikit na rin ang ilang hibla ng buhok ko sa mukha ko ng makarating ako sa floor ng classroom namin.Mabuti nalang at wala pa siya sa classroom ng damating ako.
"Oh Aimy ano nangyari sayo para kang basang sisiw" bungad saakin ni Janine pagkakita niya saakin sa pinto ng classroom.
"Pano ba naman akala ko late na ako kaya tinakbo ko mula ground floor hanggang dito sa classroom natin baka kasi mapagalitan ako ni Ms. Katakutan pag nagkataon terror pa naman yun sa mga late students." at ang magaling kong kaibigan ay nagawa pa akong tawanan habang ako ay eto mukhang kagagaling lang sa Milo Marathon sa sobrang haggard ng itsura ko. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at saka lang siya natigil sa pagtawa niya saakin.
Matapos ang halos isat kalahating oras ay natapos na rin ang klase namin, kahit kelan talaga ang hilig ni Ms. Katakutan na mag over time sa klase niya kaya laging late ang lunch namin. Akala mo naman may natutunan kami sa world history niya, wala naman siyang ginawa kundi i translate lang sa tagalog ang mga nakasulat sa libro na as if naman ay hindi namin kayang gawin.
"ohh Aimy anong hinahanap mo jan kulang nalang ibuhos mo lahat ng gamit mo sa floor ahh" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat,nakakagulat naman tong babeng to bigla bigla nalang sumusulpot ng walang pasabi.
" Uy friend wag mo naman masyadong hawakan yan, wag kang mag assume na may makikita kami jan" pangaasar niya saakin. Sinamaan ko lang siya ng tingin at nag patuloy sa paghahanap. At ang loka ay nagawa pa akong pagtawanan na akala mo ay wala ng bukas.
"Ano ba talagang hinahanap mo jan?" kalabit niya saakin ng hindi ko siya pansinin.
"Pano kasi Janine yung Diary ko nawawala dito ko lang nilagay yun ei" naghihisterya kong sabi kay Janine habang kinakalkal ang mga gamit ko hindi kasi pwedeng mawala yun importante yun saakin.
"Baka naman naiwan mo lang sa bahay niyo" tugon saakin ni Janine habang tinulungan niya akong magligpit ng gamit kong nakakalat.
"Aimy yung Diary mo ba kulay white na may stripes na black?" biglang tanong saakin ni Janine habang naglalakad kami sa corridor dito sa ground floor.
"OO yun nga yon, diba magkasama pa nga tayong bumili nun" sagot ko sakanya
"So kung ganon ayun yung diary mo" sabay turo niya sa isang groupo ng mga lalaki na tumatawa habang binabasa ang isang notebook. Wait notebook, yung Diary ko yun ahh shucks.
Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nakita ko pano ba naman kasi yung groupo ng mga lalaking tinutukoy ko ay ang groupo nila Jack. Shet patay na!!!
Dali Dali kong hinila si Janine sa isang sulok bago pa kami mapansin nila Jack.
"O bat ka ba nanghihila tara kunin na natin yung Diary mo dun kila Jack nasakanila pala ei" inosenteng sabi ni Janine saakin na tila ba ganun lang kadali iyon.
Hindi ko talaga alam kung pano ko to naging bestfriend ei. Bago pa niya ako mahila papunta kina Jack ay umalma na ako.
"Ano ka ba Janine sina Jack yun si Jack na crush ko ang nakakuha ng Diary ko" pag hihisterya kong sagot sakanya. I'm dead andun pa naman nakalagay ang lahat ng secrets ko including yung pagkaka crush ko skanaya. Paano na to paano ko na kukunin yun sa kanya kung alam na niya na patay na patay ako sakanya.
"So ano balak mong gawin pano mo kukunin yung Diary kay Jack? " tanong saakin ni Janine habang pabalik kami ng classroom, hinila ko na kasi siya bago pa kami makita nila Jack. Nangingilid na ang luha ko sa sobrang inis at frustration. Kasalanan ko to e kung di lang ako burara sa mga gamit ko edi sana di niya nakuha yung diary ko. Bakit ba kasi sa lahat ng tao ay siya pa ang pwdeng makapulot nun.
Pwede namang si Kuyang Janitor nalang o di kaya isa sa mga terror naming teachers, pero bakit siya pa." Hindi ko alam, alam mo namang hindi ko pa siya nakakausap ever since diba ni hindi nga alam nun na may isang Aimy Mendoza na nageexsist sa school na to diba" para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nangyari sa dami ba naman kasi ng pwedeng makakapulot ng Diary ko ay si Jack pa, Take note si Jack pa na ultimate crush ko. Ansarap magbigti diba? Hayy naku life bat ba ang bad mo saakin. Basta bahala na basta kukunin ko sakanya yung Diary ko. Goodluck to me.
BINABASA MO ANG
The Lying Game (Game Series 2)
Teen FictionMeet Aimy Anne Serrano a girl who wants to be seen by her Ultimate crush, then it happens she was the happiest girl that moment, she felt like she is finally living her own fairytale. But then fairytales weren't true in reality, his prince became th...