Chapter 31

49 0 0
                                    

Pain

Our happiness comes from our choices, from our eagerness to pull ourselves out of the darkness and pain.

Pero bakit ganun parang may mali parin, dapat ay masaya ako? paulit ulit kong tanong sa sarili ko. Hindi ako mapakali kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko pero hindi ko pa rin mahagilap ang tamang posisyon para makatulog.

Pagkatapos ng nangyari kanina ay parang di ko pa rin mahagilap sa sarili ko ang kasiyahan o baka naman sobrang bilis lang ng pangyayari at marahil ay hindi pa nagsisink in sakin ang lahat. I did the right choice I choose the right person for me.

Kinabukasan ay zombie nanaman ako dahil sa kakulangan ng tulog, pinilit kong ibangon ang katawan ko sa kama kahit na halos dikit na dikit pa rin ang likod ko sa kutson. I need to get up early dahil may trabaho pa akong aasikasuhin.

"Good morning!" bati ko kay Kuya ng mamataan ko ito sa hapag habang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo. Lumingon ito saakin at tinitigan akong mabuti. Bahagyang kumunot ang noo ko sa inasta nito ngunit ipinagkibit ko nalang ito at nagpatuloy sa pagbaba.

"How are you?" tanong niya sa seryosong tono. Binalik niya ulit ang tingin niya sa babasahin.

"Good" tugon ko rito at umupo na sa hapag para makakain.

"I heard the news. Kayo na daw ni Ethan." ani pa nito sa tanong kalmado ngunit seryoso kayat agad akong napatingin sa kanya, I expect him to be happy pero bakit parang hindi.

"Yeah kagabi lang" sagot ko. Tumikhim ito at nagangat ng tingin saakin.

"I won't question you about your decision Aimy coz I know your old enough to handle yourself. But maybe its not bad to give you advices. Ethan is a good man for you alam ko iyon I see his efforts to you noon pa lamang. I can't lie that I want him to be your boyfriend but.." saglit siyang natigil at nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga.

"But I don't want you to be like me, wag ka sanang maduwag pagdating sa pagibig. We only have less choices in our lifetime Aimy specially if its about our happiness ayokong magsisi ka sa huli, ayokong masaktan ka dahil naging duwag ka sa pagpili ng tama kesa sa totoo. I hope you think about it Aimy habang hindi pa huli ang lahat." umalis ito agad pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Habang ako ay naiwang tulala. Tama ba ang naging desisyon ko pinili ko ang tama ngunit yun ba ang totoo?

Buong maghapon akong tulala sa opisina. I hate that I couldn't function well lalo na kapag magulo ang isip ko. Paulit ulit tumaktakbo sa isip ko ang mga nangyari kagabi si Ethan at si Jack ang malungkot na mukha nito habang tumatalikod saamin. Why do I feel like so guilty para bang may kung anong kumikirot saakin sa tuwing naaalala ko ang itsura ni Jack. I couldn't smile well that night aminado akong naisip ko siyang habulin gusto kong tanungin kung para saan ang sakit na iyon kung para ba saakin? ngunit bakit, he ask me to be gone in his life, I gave him what he wants ano pa bang gusto niya.

Binagsak ko table ang ballpeng kanina ko pa pinaglalaruan sa daliri ko at sinapo ang mukha ko. Bakit kailangang ganito why does everything seems so complicated. I suddenly wanna go back to be a kid again I wanna ask mom why she didn't told me that love was this complicated bakit sa fairytale ay parang napakadaling magkaroon ng happily ever after at sa buhay ay hindi.

Napatayo ako ng wala sa oras ng may biglang kumatok sa pinto. Agad na pumasok ang secretarya ko mula roon.

"Mam may bisita po kayo" ani nito at linapag ang kapeng kanina ko pa hihingi sakanya.

"Ok" wala sa sariling tugon ko rito at inayos ang mga papel na nakatambak sa desk ko.

"Good Afternoon Ms. Serrano" halos masamid ako ng makita ko si Jack sa harapan ko. He is wearing his usual office attire. Malapad ang ngiting iginawad nito saakin malayo sa itsurang nakita ko kagabi.

"Good Afternoon, Have a seat"'alok ko sakanya ng upuan sa harapan ko. Bigla akong nakaramdam ng inis habang tinitignan ang mukha niyang nakangiti saakin.

"So about the plan and the contract for our next project. I already fix everything, you just need review and sign this you can ask me if there is something you want to change" ani nito at linapag sa desk ko ang folder na naglalaman ng kontrata. Tumango lang ako dito at lunok ng maigi pinipigil ang galit na namumuo sa sistema ko.

"Alright, I need to go now just call me if you need anything else." paalam nito saakin at akma ng lalabas sa pinto.

"Jack" tawag ko rito dahilan kung bakit siya bumaling saakin. Gusto ko sanang bawiin ang pagtawag na iyon ngunit huli na ang lahat bumalik ito at sinara ulit ang pinto ngayon ay nasa tapat na ito ng lamesa ko.

"Why?" tanong nito. Lumunok akong saglit upang alisin ang bara sa lalamunan ko at pigilan ang kung ano mang lalabas sa bibig ko.

"Ahmmm.... About kagabi....nakita kita andun ka ba?" kabadong tanong ko rito hindi ako makatingin ng direstso sakanaya lalo na ng nagbago ang expression nito mula sa malapad na ngiti niya kanina ay bigla itong naging seryoso.

"Yeah andun ako." sagot nito habang nakatingin saakin ng direcho, samantalang ako nanatiling nakatingin sa lamesa hindi magawang magangat ng tingin sakanya.

"By the way congratulations" ani pa nito sa mapait na tono. Bahagya akong nagangat ng tingin sakanya. I saw the same pain I saw last night, nanginig ang tuhod ko at bahagya akong nawalan ng lakas. What are those pain for?

"Don't worry Aimy hindi ako mangugulo, Naiintindihan ko kung bakit siya ang pinili mo. Kasalanan ko naman diba I loose my chance sinaktan kita. I deserve this pain karma ko na yata ito." pain sting on his voice parang unting unting napunit ang puso ko dahil sa sakit na iyon na kahit hindi ako ang nakararamdam ay parang nadadama rin ng puso ko. I can see pain, guilt, sadness,regret and  other more feelings I can't name on his expressive eyes. Parang mas lalong dinudurog ang puso ko.

"Masaya ako na masaya ka." ngumiti ito ng mapait bago nagpatuloy.

"Kahit hindi man saakin tanggap ko iyon. For the last time Aimy I want you to know that I Love You so much noon hanggang ngayon naging duwag lang ako noon para ipakita yun sayo. I want you to know that I regret everything I said and done sana mapatawad mo ako." ani nito at tuluyan ng lumabas ng silid. Naiwan akong tulala sa lahat ng sinabi niya. What have I done?

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon