Chapter 17

76 1 0
                                    

Devil

Pilit kong iminulat ang mga mata ko kahit na sobrang bigat ng mga ito nang maaninag ko ang liwanag ay bahagya ako nasilaw rito I can hear my head throbbed medyo umaalon pa ang paningin ko.

Unti unti kong inalala ang mga nangyari bago ako humantong dito. Ngumiwi ako sa sakit ng katawan ko ng subukan kong bumangon sa kama. Pira pirasong bumalik ang memorya ko mula sa mapait na pangyayaring iyon all my life no one ever treat me like that. Mas lalo akong nanghina ng maalala ang huling piraso ng memorya mula doon iyon ay bago ako mawalan ng malay. Napahawak ako sa ulo ko medyo nahihilo pa ako mukhang may sinat pa yata ako. 

"Iha gising ka na pala." bungad saakin ni manang Lourdes pagkapasok niya ng aking kwarto.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nagaalala nitong tanong saakin.

"Ok naman po manang, medyo masakit lang po ang ulo ko" tugon ko sakanya.

Lumapit ito sakin at hinawakan ang noo ko. Minsan lang kung mamalagi si manang Lourdes dito saamin kadalasan nga ay puro my okasyon lang   dahil doon siya sa aking lola at lolo kasalukuyang nagtratrabaho.

"May lagnat ka pa hiya sandali lang at ipagkukuha kita ng makakain para makainom ka na rin ng gamot" ani niya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Noong bata pa ako ay madalas siya ang nagaalaga saakin. Halos siya na nga rin ang nagpalaki saakin sa tuwing nasa abroad sila mommy at daddy. Wala siyang naging anak at asawa kaya parang isang tunay na anak na rin ang turing niya saakin.

"Heto kumain ka muna ng makainom ka ng gamot at gumaling ng mabilis" pumasok ito daladala ang isang tray may lamang sopas at tubig, inilapag niya ito saaking harapan.

"Kamusta na iyang sugat at pasa mo sa mukha masakit pa ba?" turo niya sa mukha ko. Sandali akong sumilip sa salamin sa aking gilid. Nakita ko ang ilang kalmot sa mukha ko at ang pasa sa gilid ng aking labi mukhang grabe nga talaga ang ginawa nila saakin.

"Hayy hindi ko alam kung anong nangyayari sayong bata ka, alam kong mabait kang bata kaya't hindi ko maintindihan kung bakit ka napasangkot sa isang gulo" huminga ito na malalim tila ba hinahanap niya kung saan siya nagkamali sa pagpapalaki saakin noon.

"Ok lang po ako Manang Lourdes, pasensya na po at nagalala kayo nila mommy"

Umupo ito sa tabi ko at marahan na hinaplos ang buhok ko gaya ng madalas niyang ginagawa noon.

"Ayaw ko pa sana itong sabihin sayo dahil kabilin bilinan ng mommy mo na sila na ang magsasabi sayo kapag magaling ka na" tumigil ito ng sandali tila ba pinagiisipan niya kung sasabihin niya ba saakin o hindi.

"Ano po iyon Manang?" puno ng kuryosidad kong tanong sakanya. Umiwas ito ng tingin saakin tila nakikipagdebate sakanyang sarili humawak ako sa kamay niya at marahang pinisil ito alam ko naman na hindi ako matitiis ni manang. Isang buntong hininga ang pinakawalan niya bago ulit nagsalita.

"Pagkatapos ng nangyari sayo, napagdesisyunan ng mommy at daddy mo na dalhin ka sa amerika. Nung una ay ayaw nilang sabihin sayo ng plano kasi alam nilang masasaktan ka at hindi ka papayag ngunit pagkatapos ng lahat ng ito buo na ang desisyon nila dadalhin ka nila sa amerika dahil mas makabubuti daw ito para saiyo"

Natahimik ako sa rebelasyon ni Manang, hindi ako makapagisip ng tama. Tama bang umalis ako at magpakalayo layo. Paano si Nine si Ethan at si Manang si Lola?.

"Manang, paano po kayo si lola, si nine.." pinutol niya ang tanong ko. Saka ako yinakap ng mahigpit.

"Shh..Wag kang magalala saamin lalo na saakin. Alam kong ito ang makabubuti para sayo at alam kong alam rin nila. Magkikita pa naman siguro tayo hindi ba? at alam ko namang hindi ka makakalimot saakin." maluha luha niyang sabi.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon