Chapter 16

65 0 0
                                    

Hurt

"I'll see you later, Buko Pie. Don't skip your meal,Eat your lunch aight 😘" -Ethan

Napangiti ako sa text ni Ethan sakin. He don't even fail to text me every single day kahit na alam kung busy siya sa training niya.

Napawi ang ngiti ko ng may tumabi saakin sa upuan akala ko pa naman ay matatahimik na ako dito dahil walang masyadong tao bukod sa mga nerd na gusto ng katahimikan habang nagbabasa ng kanilang mga makakapal na libro. I sight heavily bago lumingon sa taong nasa tabi ko na malawak lang na nakangiti saakin.

"Hi Aimy nice to see you again. Kamusta ka na?" ngiting tanong nito saakin na para bang isa kaming matalik na mag kaibigang matagal na hindi nagkita.

"Ano bang paki mo?" inis na sagot ko dito. Tumawa lamang ito na tila expected niya na ang isasagot ko sakanya.

"Hey, I'm not your enemy here. We're friends right" sabay kindat pa nito saakin. Umirap lang ako dito sa sobrang inis akmang mag walk out na sana ako ng hablutin nito ang braso ko.

"Easy there honey I won't do anything bad on you. Siya lang nanakit sayo at hindi ako." seryoso niyang sabi saakin.

"I'm here as a Friend Aimy. I know he is such an ass to hurt you like that and you think I support him on that. I'm his friend yes but It doesn't mean that I agree to on everything he did on you" dagdag pa nito na nagpatahimik saakin. I can find sincerity in his eyes na para bang kinokonsensya ako nito sa inasal ko sakanya.

"I'm sorry Tristan. Its just hard for me to trust anyone specially those who are connected with him." paliwanag ko sakanya. Ngumiti lang ito saakin flashing his perfect white teeth.

"Don't need to be sorry Aimy. I understand. Pero sana wag mong mong lahatin at wag mong kalimutan na kaibigan mo rin ako"

Tumango lang ako dito bilang sagot sakanya. He just replied me with a smile. Bago niya linabas ang tatlong Tupper ware sa bag niya at linatag sa harapan ko.

"I saw what that Lee texted you. Here eat with me" alok niya sakin ng pagkain niya habang inaayos ang mga ito sa lamesa.

"So chismoso ka rin pala?" masama ko siyang tinignan ngunit tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Sorry I don't mean to be nossy. I saw you smiling awhile ago na curious ako kaya lumapit ako" sagot niya na busy pa rin sa paghahanda ng pagkain sa harap ko.

"Why are you doing this?" curious kong tanong sakanya habang inaabot niya sakin ang pares ng kutsara't tinidor kasama ang paper plate na dala niya.

"Wala lang I just want someone to eat with at nakita kita ayoko kasing kumain magisa." kibit balikat niyang sagot saakin at ipinagpapatuloy lang ang pagkain.

Nakakabinging katahimikan ang namayani saamin habang kumakain. It's so awkward dahil maraming mata ang nakatingin saamin dahil na rin siguro isang Tristan Mendes ang kasama ko isa sa mga hinahangaan nila dito sa school. Ibinaling ko nalang ang paningin ko sa pagkain sa aking harap. I know those judgemental looks sanay na sanay na ako doon simula ng mainvolve ako sa kaibigan niya. But like what he says I shouldn't be affected anymore kasi nga were friends kahit naman na sabihin nating kaibigan niya ang nanakit saakin it doesn't mean na magbabago na ang turing ko sakanila they aren't included in our chaos its only us but I know they were affected too and it's unfair with them kasi hindi naman sila kasali sa gulo namin.

"Ikaw ba nagluto nito?" pambabasag ko sa katahimikang kanina pa namamayani saamin.

"Bakit mukha ba akong di marunong magluto?" balik niyang tanong saakin.

"Hindi." honest kong sagot sakanya. Sumimangot naman ito tila na offend sa sinagot ko.

"Ouch naman, alam kung gwapo ako pero marunong din ako sa kusina in fact.....ehem mas magaling pa ako sa chef natin jan sa cafeteria. Masarap diba?" confident niyang sagot, umusod ito ng konti papalapit saakin upang ibulong ang huling sinabi nang walang makarinig sa sakanya na ikinatawa ko naman ito. Nanatili akong tahimik dahil wala na akong masabi well his right ito na yata ang pinaka masarap na kare kare na natikman ko sa buong buhay ko.

"Sabi na e nasarapan ko sa luto ko. Pasado na ba ako sayo?" tanong niya sabay kindat pa saakin. Bahagya akong namula ng nagpagtantong double meaning ang tanong niya.

"God your so cute namumula ka." mangha nitong sabi habang ako naman ay hiyang hiya na sa sobrang pula ng mukha ko.

"Ohh stop doing that you look extra cuter bahala ka baka mahulog ako sayo niyan" turo niya sa kamay kong pinantakip ko sa mukha ko sa sobrang hiya habang siya naman ay tuwang tuwa sa inasal ko.

"Ouch nakakainis ka!" singhal ko sakanya ng bigla niya nalang kurutin ang pisngi ko. Natili naman siyang tuwang tuwa sa reaksyon ko tila ba namamanha siya saakin.

"Oh may god mas cute ka pala kapag nagagalit. Sorry masakit ba I can't help it ang cute mo kasi." aniya habang hinihimas ang pisngi ko na kinurot kurot niya kanina.

Natigil ang pangaasar niya saakin ng biglang tumunog ang cellphone niya agad niya naman itong kinuha. Napawi bigla ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng inis. Napansin niya yata ang paninitig ko sakanya kaya agad niyang itinago ang cellphone niya at ngumiti ulit saakin.

"Ohh I'm sorry Aimy may kailangan pa pala akong tapusin, I gotta go now." aniya habang nagliligpit ng mga Tupper ware na pinagkainan namin kanina nakitulong na rin ako sa pagliligpit niya dahil mukhang nagmamadali nga siya.

"Tristan thank you sa Lunch. Yung kare kare mo na yata ng pinakamasarap na natikman ko sa buong buhay ko." bumaling ito saakin at saglit na natigilan sa ginagawa tila hindi niya yata expected ang mga sinabi ko dahil bahagyang namula ang tenga niya at agad siyang nagiwas ng tingin saakin habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Di ko tuloy mapigilan ang matawa sa reaksyon niya.

"Uyy kinikilig siya" pambawi kong asar dito habang sinusundot ang tagiliran niya. Agad naman siyang umiwas sa ginawa ko mukhang malakas yata ang kiliti niya sa tagiliran, ngumuso lamang ito upang pigilan ang ngiti na sumisilay sa kanyang labi.

"Una na ako Aimy, I really had fun with you. I promise mauulit pa ulit pa ito specially now I know your inlove with my Kare Kare....damn...I..wo.." anito sabay kindat pa saakin bago ako tuluyang tinalikuran at nagmamadaling naglakad paalis kaya hindi ko na narinig pa ang huli nitong sinabi.
.
.
.
.

Papunta na ako sa susunod kong klase ng harangin ako ng dalawang grupo ng babae. Lalagpasan ko na sana sila ng bigla akong hablutin ng isa sakanila at sampalin ng malakas.

"Yan ang mapapala mo slut, whore maduming babae. Tinapon ka na ni Jack kaya ba si Tristan naman ang kinakalantari mo" galit na galit nitong sambit saakin. May binulong ito sa kasama niya kasabay nun ay may dalawang babaeng lumabas sa likod nila na may dalang malaking balde.

"Ibuhos niyo yan sakanya ng matauhan"utos niya rito at kasabay nun ay ang pabuhos nila saakin ng isang baldeng punog puno ng ice. Nanginig ako sa sobrang lamig. Magkakasunod na sampal ang dumapo sa pisngi ko natumba ako sa lakas ng impak nito ngunit hindi pa nila ako tinigilan may isa mula sa likod ko ang humabalot ng buhok ko at kinaladkad ako sa sahig habang isa isa nila akong dinuduran. Agad na bumuhos ang luha ko sa sakit at awa sa sarili ko.

Nagtama ang mata namin ni Jack habang nakatayo ito sa di kalayuan nakatingin lang ito saakin na para bang wala siyang pakialam habang si Krista na nasa kanyang tabi ay tuwang tuwa sa nangyayari.

I'm been hurt Physically pero tila hindi ko na ito nararamdaman pakiramdam ko ay tumigil ang lahat halos hindi ko na maramdaman ang ginagawa nila saakin nakatuon lang ang atensyon ko kay Jack tahimik na umaasa na sasagipin niya ako, ngunit nabigo ako. Unti unti ng nanlabo ang mga mata ko nakita ko si Janine na papalipit saakin hangang sa tuluyan ng dumilim ang paligid.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon