5 Years Later......
"Ano ba natutulog pa ako e tigilan mo nga ko Kuya Tan ang aga aga pa" bulyaw ko habang hinihila ang kumot ko pabalik saakin. Kakaumpisa pa lang ng Spring dito sa America kaya kahit papaano'y malamig pa rin ang simoy ng hangin dulot ng mga natutunaw na yelo, kung kayat nakakatamad talagang bumangon sa umaga. Nagulat ako dahil babaeng boses ang narinig ko na tumatawa habang patuloy pa rin sa paghila ng comforter ko na nakabalot saakin. Lumingon ako dito at dali daling napabalikwas ng bangon ng makita kung sino ang gumigising saakin.
"Nine!!!!" sigaw ko sabay takbo upang mayakap siya.
"Omg Nine andito ka!!!" masayang masaya kong tili habang yakap yakap pa rin siya.
"Aray ko naman Aimy, hinay hinay lang baka naman malagutan ako ng hininga sa higpit ng yakap mo" tinulak niya ako ng bahagya at sinamaan ng tingin bago tinignan mula ulo hanggang paa.
"Di ka man lang ba nahiya di ka pa nagtotoothbrush te at may muta ka pa ohh, Nag America ka lang nakalimutan mo na yata ang personal hygiene." pagtataray nito saakin. Agad ko namang hinawakan ang mata ko chineck kung may muta nga ba ako gaya ng sinabi niya at ang lokaret ay tinawanan lang ako.
"My God Aimy maligo ka na nga bilis anjan ang mga prince charming mo sa baba nagaantay sayo." hila nito saakin papasok ng banyo. Sumunod nalang ako sa sinabi nito dahil napansin ko na rin kasing alas otso na pala ng umaga.
"Kelan ka pa andito?" tanong ko sakanya pagkalabas ko ng banyo. Tumingin itong saglit saakin habang busy sa pag isa isa ng mga pictures ko na naka pin sa itaas ng study table ko.
"Um, kanina lang" sagot nito saakin. Na busy pa rin sa mga litrato na tinitignan niya.
"Bakit di mo sinabi saakin edi sana nasundo kita" Tumawa lang ito sa sinabi ko at bahagyang humarap saakin.
"Surprise nga diba?" aniya sabay kumpas pa ng kamay sa ere. Tinawanan ko nalang ito. Every Christmas at New Year lang kasi kung bumisita si Nine dito kayat himala na narito siya ng hunyo.
"Buti pinayagan ka ni Tita na mag leave sa office?" usisa ko rito. Nagtratrabaho na kasi si Janine sa sarili nilang kompanya pagkatapos maka graduate noong nakaraang Abril.
"Naman ako pa ba para saan pa't naging anak ako ng CEO kung hindi ako papayagang makakapag leave." mayabang na sagot nito saakin.
"Omg Aimy nakita mo na pala si Austin Mahone bakit hindi mo ko sinabihan ang daya mo!" napapadyak padyak pa ito sa sahig habang hawak hawak ang litrato, samantalang ako ay ngumiti nalang sa reaction niya.
"Yup nag perform siya sa I heart radio nung Christmas." mas lalo itong hyperventilate sa sinabi ko at tinignan ako ng masama.
"So don't tell me na pati si Baby Ari ko nakita mo na din?" naiinis na sambit nito saakin. Tumawa lang ako dito at tumango.
"Ang daya mo sabi mo sabay natin silang papanuorin kapag nag concert sila pero nauna ka na pala madaya!" binato niya saakin ang mga throw pillow sa sofa at patuloy pa rin sa pag tatantrums, natatawa ko nalang iniilagan ang mga ito.
"Sorry, surprise gift yan sakin ni Kuya Tan nung Christmas" paliwanag ko dito ngunit nanatili lang masama ang tingin nito saakin.
"Hayaan mo baby Austin aabangan ko yung susunod mong tour sa Pilipinas at iingitin natin yung isa jan na hindi man lang yinaya yung best friend niya porket wala lang ako dito last Christmas. Dapat ako magiging UGirl mo ha para mamatay yung iba jan sa ingit." tumawa ako sa ginawa niya. Kinakausap niya lang naman ang picture namin ni Austin Mahone na para bang naririnig siya nito pero ang totoo ay pinaparinggan niya ako.
"Pero mas gwapo pa rin naman si Kuya Tan sakanya, nagbababad nga iyon sa gym e para magkaroon ng perfect na 8 pack abs" parinig ko dito at diniinan ang salitang 8 pack abs. Natahimik naman ito sa sinabi ko at inirapan ako. Hindi ko mapigilang matawa sa reaction niya. Paulit ulit naman siyang umirap saakin.
"May picture ako niya jan sa Photo Album sa may drawer sa ibaba, you can check it out if you want at pwede mo rin namang alborin" turo ko sakanya nung drawer na pinaglalagyan ko ng mga Photo albums umasim ang mukha niya saakin dahilan kung bakit halos gumulong na ako sa sahig sa kakatawa.
"Shut up Aimy Anne, I don't like your cousin anymore matagal ko na siyang na i-uncrush." pagmamayabang nito saakin sabay hair flip pa.
"Weh! But that's not what I see base on your reaction" biro ko pa dito. Hindi na nito ako sinagot bagkus ay hinila niya nalang ako palabas ng kwarto.
"Tara na I'm already hungry at saka nag aantay na yung dalawa mong prince charming sa baba baka mainip" tuluyan na nito akong hinala pababa ng hagdaan agad naman sumalubong saakin ang tatlo na naguusap sa sala.
"Good Morning Buko Pie" bati sakin ni Ethan sabay halik pa sa noo ko. Na agad ko namang ginantihan ng isang matamis na ngiti.
"Good Morning AA, ito may gift ako sayo fresh from Paris pa yan" bati naman saakin ni Zach na humalik naman sa pisngi ko bago inaabot sakin ang isang bag na may lamang kahon. Ngumiti rin ako dito at nagpasalamat.
"Ehem! tama na yan gutom na yata ang princessa ko pakainin niyo muna" pagpuputol ni Kuya Tan saamin at nauna ng lumakad patungo sa dining Area.
"So what's your plans AA gagraduate ka na bukas?" tanong saakin ni Zach habang kumakain kami.
"Um, gusto ko bumalik ng Pilipinas I want to run our company" Bigla silang natigilan sa sagot ko at sabay sabay na tumingin saakin tinitignan nila kung nag jojoke lang ba ako sa sinabi ko kayat tinaasan ko sila ng kilay telling them I'm serious about it. Nagkibit balikat naman si Kuya Tan at nagpatuloy lang sa pagkain well alam niya na kasi ang plano ko noon palang.
"Are you serious with that Aimy? Why don't you work here instead mas maganda yun para sayo since your already been here for 5 years" tanong saakin ni Janine. Umiling lang ako sa suggestion nito although it is really a great opportunity for me to create my own name in the industry ay wala akong balak instead ay gusto ko pa ring ituloy ang pagtratrabaho sa kompanya namin.
" No, this the reason why I pursue studying Business Administration para makatulong kila mommy sa company" sagot ko dito. Tumango lang ito saakin ngunit parang hindi pa rin kumbinsido sa sagot ko.
"Are you really sure about it Aimy?" pagdududang tanong rin ni Ethan saakin. But this time ay si Kuya Tan na ang sumagot.
"Let her decide whatever she wants to do in her life, malaki na si Aimy shes already 23 years old she already knows how to handle herself now so let her decide" ani nito sa seryosong tono na ikanatahimik naman ng dalawa habang si Zach ay nanatiling tahimik at tinikom nalang ang bibig kahit na mukhang may gusto din siyang sabihin.
"I know you guys are worried about me pero tama si Kuya I'm already a grown up women, I can handle myself hindi na ako yung Aimy na kagaya ng dati. I already learn from my mistake at hinding hindi ko na ulit yun uulitin" natahimik silang lahat sa sinabi ko. Agad namang Idinivert ni Zach ang usapan sa ibang bagay upang maputol ang tensyon kanina.
I understand that they are all protective about me. But I'm better and strong now because of the scars that the past gave me and this scars is my daily reminder that I need to be stronger and wiser this time.
BINABASA MO ANG
The Lying Game (Game Series 2)
Teen FictionMeet Aimy Anne Serrano a girl who wants to be seen by her Ultimate crush, then it happens she was the happiest girl that moment, she felt like she is finally living her own fairytale. But then fairytales weren't true in reality, his prince became th...