Chapter 5

99 1 0
                                    

Lunch With Them

After the weekend syempre isang impiyernong weekdays na naman ang naka abang saamin, for sure tambak na naman kami ng school works dahil malapit na ang periodical exam namin.

"Good morning Janine" bati ko kay Janine pag pasok niya ng Classroom.

"Aba anong meron at ang aga natin pumasok, inspired ba? " binigyan niya ako ng isang makahulugang ngiti bago umupo sa tabi ko. Naikwento ka kasi sakanya lahat ng ginawa namin ni Jack nung Saturday kaya ang lakas niyang mang asar saakin ngayon.

"Baliw halos half day lang kaya tayo ngayon kaya natural lang na hindi ako late" sagot ko sakanya. At bruha ay ngumiti lang nagpakalawak lawak saakin.

" Ano ng balita sa inyo ni Jack mo? " tanong niya saakin with matching tusok pa sa tagiliran ko, inirapan ko nalang siya dahil hindi pa rin maalis ang makahulugan niyang ngiti saakin na tila ba may something na hindi ako sinasabi sakanya at huling huli niya ako.

" Anong balita ka jan tigilan mo nga ako Janine wala yun no hindi porket niyaya niya ako lumabas ay may ibig sabihin na agad yun wish ko lang no, sa panaginip ko siguro meron pang mangyayari pero sa reality wala at malabo." paliwanag ko kay Janine na hanggang ngayon ay nakangiti pa din saakin ng nakakaloko, hindi ko talaga maintindihan tong isang to minsan, may saltik yata o baka kulang nanaman to sa tulog kaka-Wattpad.

" Sus, kaya pala may I Hope This Isn't The Last pa siyang nalalaman. Hayy naku girl mag share ka naman daya nito nag text na ba siya sayo o kahit nagparamdam lang after nung Saturday? " pangungulit saakin ni Janine. At again napairap nalang ako sa mga tanong niya. Ano ba kasing mahirap intindihin sa wala diba di ko talaga ma gets ang takbo ng utak ng bestfriend kong to.

Patuloy kami sa pag kwekwentuhan ni Janine ng bilang pumasok sa pinto si Krista kasama ang alagad niyang mukhang clown sa sobrang kapal ng Make Up. Nagulat kami ni Janine ng bigla nalang silang lumapit saamin.

" Hoy, ikaw ba ang kasama ni Jack nung Saturday? " pasigaw na tanong saakin ni Krista habang dinuduro ako. Napatingin na rin ang halos lahat ng studyante saamin dahil sa sigaw niya.

Mabuti nalang at dumating si Sir. Niel dahilan kung bakit umalis si Krista sa harap ko at bumalik sa proper seat niya at binigyan ako ng pasalamat ka dumating si Sir look.

"Grabe buti nalang dumating si Sir kundi patay tayo kila Krista" pabulong na sabi saakin ni Janine. Kilala kasi sila Krista bilang school bully halos lahat ng bumabangga sakanila ay panigurado makakaranas ng impiyerno at wala ka ng ibang gusgustuhing choice kundi umalis nalang ng school. Dahil hindi rin umuubra ang school rules kay Krista sila kasi ang may ari ng School na to.

Matapos ang isang quiz at mahabang reviewer na pinagawa saamin ni Sir. Niel para daw may reviewer na kami pagdating ng periodical exam ay pinayagan niya na kami na mag take ng Lunch Break.

Bago pa kami makalabas ng Classroom ay binangga na kami ng groupo nina Krista, hinawakan niya rin ang siko ko at muli akong pinagbantaan.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo nilalandi si Jack, once na nalaman kong dumidikit ka sakanya alam mo na kung anong mangyayari sayo. Tandaan mo ako lang ang bagay kay Jack at hindi ang isang kagaya mo." matalim na sabi niya saakin bago tuluyang lumabas ng classroom kasunod ang mga alipores niya.

"Grabe talaga tong si Krista kung bakod akala mo Girlfriend siya ni Jack e, mukahang fling lang naman siya at di makamove on sa pag dump sakanya . " naasar na kumento ni Janine saakin. Nagkibitbalikat nalang ako wala rin namang mapapatunayan si Krista kasi gaya nga ng sinabi niya mga kagaya lang niya ang bagay kay Jack at hindi isang katulad ko haler in my dreams lang naman kami bagay e.

Katatapos lang namin mag order ni Janine ng pagkain at as usual dito kami umupo sa tabi ng bintana sa usual spot namin sa canteen.

Mayamaya pa ay tumigil ang lahat binaalot ang buong canteen ng ka tahimikan, napatingin kami ni Janine sa bungad ng canteen kung na saan nakatuon ang atensyon ng lahat.

"Kaya naman pala nandito ang Hari ng school, himala yata at napadpad ang mga yan sa Canteen." mapait na bulong saakin ni Janine, kahit kelan talaga ay inis itong isang to kapag halos sinasamba ng lahat sila Jack feeling Hari daw kasi ang mga ito.

Agad namang tumayo si Krista para sana salubungin si Jack, pero dinaanan lang siya nito. Dahil doon ay masamang tingin ang binagay ni Krista sa lahat ng students na pigil na tumawa dahil sa nangyari.

Direderetso lang sila Jack na para bang hindi niya nakita na napahiya si Krista sa ginawa niya. Napasinghap ang lahat at nagumpisa ng magbulong bulungan ng lumapit si Jack sa table namin at walang pasubaling umupo sa tabi ko sumunod naman ang mga kasama niya.

Umupo sa tabi ni Janine si Alex sa tabi naman niya umupo si Zach at sa tabi naman ni Jack umupo si Tristan. Nalaglag naman ang panga ko sa ginawa nila.

"Anong ginagawa niyo dito" manghang tanong ko sakanila.

"Malamang kakain ano pa ba ang ginagawa sa canteen Ms. Diary. " pambasag na sagot ni Zach saakin na tila ba obvious naman ang sagot kung bakit sila andito at sadyang shunga lang ako para itanong pa. Pagtapos nun ay tumayo si Tristan at diretsong pumunta kay ateng tindera para bumili ng pagkain nilang apat. Nabaling ang tingin ko kay Jack ng tumikhim ito.

"Gaya ng sinabi ko sayo noong Saturday it won't be the the last time kaya ito were joining you for lunch" nakangiti nitong sabi naparang wala lang ito sakanya. Ako naman ay halos mapanganga sa mga sinabi niya ramdam ko ang masasamang tingin ang binabato saamin ng mga babae sa paligid at ang Groupo nina Krista, pero ang mga kasama namin ay tila walang pakialam dito at tuloy lang sila sa pagkwekwentuhan at asaran.

Pagkabalik ni Tristan sa mesa ay agad na rin naman silang kumain nabalot tuloy ng katahimikan ang mesa namin.

"Ms. Diary may laban kami mamaya nood ka ha" masiglang pagyaya saamin ni Alex sakanilang apat si Alex ang pinaka childish samantalang si Tristan naman ang pinakaseryoso pero pinakamabait sa lahat, si Zach naman ang mapangasar at mahilig mambasag, at last but not the least si Jack naman ang pinaka moody sa kanilang lahat at pinaka mayabang at ang common denominator nilang lahat kaya nagkasundo sundo sila ay dahil pareparehas silang mga babaero.

"Kelangan ko ba talagang manood marami naman kayong fans na manonood for sure at hindi Ms. Diary ang pangalan ko. " sagot ko kay Alex hindi ko talaga alam kung bat niya ako yinayaya manood ng game nila at kahit gustong gusto ko man ay alam ko namang for sure ay pagiinitan lalo kami nila Krista pag nagkataon.

" Just go ang watch the game. " malamig na sabi ni Jack saakin bago tuluyang tinapos ang pagkain niya. Kahit kelan talaga para siyang babae kung mapalit ng mood. Sumunod naman sakanya ang tatlo nang nauna na siyang umalis pero bago umalis ay bumaling muna saakin si Alex.

" See you there Ms. Diary ayaw na ayaw pa naman ni Jack na tinatanggihan siya. " sabay bigay ng nakakalokong ngiti saakin at kinindatan pa ako bago tuluyang umalis na.

I think i have no choice bahala na si batman. At chance ko na rin to sa Wakas makakapanood na ako ng game niya at take note siya pa mismo ng nagyaya.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon