Engineer
"Ready for your new work?" tanong saakin ni Kuya Tan pagkababa palang niya ng hagdan.
"Yeah" plain kung sagot sakanya sabay subo ng prutas na kanina ko pa kinakain. Kumunot agad ang noo niya tila pinagaaralan ang bawat kilos ko.
"You sure? pasensya ka na pala at biglaan ang pagpapa-revised ni Mr. Fallon ng kontrata I didn't actually expect it at wala akong magawa, I hope you didn't mind it" nagaalala nitong paliwanag saakin.
"Its fine Kuya, I'll be fine besides its only work" I gave him a warm smile to at least assure him that I'll be fine, kahit na ako mismo sa sarili ko ay hindi kumbinsido kung magiging maayos ba kaming magkatrabaho.
"Just tell me if he did something stupid again at ako mismo ang puputol sa kontrata. I don't care kahit isa sila sa pinakamahalagang investor natin o kahit pa man matalik na kaibigan ni Tito si Mr. Fallon" napangiti ako sa sinabi ni Kuya, I'm really blessed to have someone like him his overprotective at times pero alam kong para saakin lahat iyon.
"Thanks Kuya, I can handle myself" tugon ko rito.
Iba ang trabaho sa personal na buhay Aimy, Keep your shits together your doing this for your company and for your parents. Paalala ko sa sarili ko at humugot ng malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng sasakyan.
"Good morning Mam" bati saakin ng mga nakasalubong kong construction workers agad ko din naman silang sinuklian ng matamis na ngiti.
"Good morning Sir" bati rin ng mga ito sa kung sinong bagong dating kaya agad akong napalingon.
Agad na nagtama ang tingin namin ni Jack na kakababa lang din sa kotse niya, Naka puting long-sleeve ito na nakatupi hanggang siko, inalis nito ang shades na suot at nakangiting binati ang mga ito, nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa ng kanyang pantalon habang paunti unting lumalakad papalapit sa kinatatayuan ko.
"Good morning Ms. Aimy" bati saakin ni Engr. Evanghelista na makatayo na pala sa harapan ko. Agad ko itong liningon at binati rin pabalik.
"Good Morning Mr. Evangelista." ngumiti ito saakin.
"Just call me Nathan Ms. Aimy masyado yatang nakakatanda kapag may Mr, mukhang magkaedad lang naman tayo" anito. Well Jonathan Evangelista is the our company's head engineer sa tikas ng katawan nito ay hindi mo aakalain na may tinapos na ito at successful na sakanyang edad he looks like a Calvin klein model kung wala lang itong suot na hard hat.
"Just call me Aimy nalang din I hate too much formality pakiramdam ko ay nag mumukha akong mas matanda ng triple sa edad ko." parehas kaming tumawa sa sinabi ko.
Naputol ang tawanan namin ng tumikhim si Jack na nasa tabi ko na pala. He extended his hands to Nathan para makipagkilala rito.
"Jack Fallon, from Fallon construction supplies" agad namang tinanggap ito ni Nathan.
"Nice to meet you Mr. Fallon, I'm Engr. Jonathan Evangelista in charge engineer for this project" pakilala rin ni Nathan rito.
"Just call me Jack I'm still young too. Nice to meet you Engr. Evangelista." tugon naman nito.
"Sure just call me Nathan too" pagkatapos ng pagpapakilala nila sa isat isa ay dinala na kami ni Nathan sa model house na kanila ring nagsisilbing opisina.
"So far ay nasa Phase 1 palang ang nauumpisahan natin at thirty units palang ang kasalukuyang naitatayo." paliwanag saamin ni Nathan habang linalatag sa harap namin ang vicinity map ng buong lugar.
BINABASA MO ANG
The Lying Game (Game Series 2)
Teen FictionMeet Aimy Anne Serrano a girl who wants to be seen by her Ultimate crush, then it happens she was the happiest girl that moment, she felt like she is finally living her own fairytale. But then fairytales weren't true in reality, his prince became th...