Chapter 29

46 0 0
                                    

Fight

"Nakikinig ka ba?" tanong saakin ni Kuya habang nag memeeting kaming dalawa.

"Umm..Yes I heard you" tugon ko dito. Kumunot ang noo nito saakin at tinignan ako ng maigi.

"Hearing is different from listening Aimy. My problema ka ba?" nagaalala nitong tanong saakin.

I just shrugged my shoulders di ko rin kasi alam kung ano ba ang isasagot ko. My mind has been so clouded starting the day I meet him again parang bumabalik ulit ang dating ako and I freaking hate it. It takes me time to heal myself after that fall I had at ayokong mawala lang iyon ng ganun ganun lang.

"Really? that's not what I see sakin ka pa talaga nagtago" isang buntong hininga ang pinakawalan ko at nangalumbaba ako sa mesa.

"Honestly Kuya I don't know." pagod na sagot ko sakanya.

"Parang ang gulo gulo ng lahat I feel like I was back to zero again" dugtong ko pa. Umangat ang kilay ni Kuya sa sinabi ko.

"Is it him?" tanong nito.

"Yeah and some other things" kumunot ang noo nito tila malalim ang iniisip. I hate that my life is like this parang walang katapusang laro even if I already gave up years ago hindi pa rin natatapos ito.

"Why do you still love him?" tinignan ko siya ng masama dahil sa tanong niya.

"Of Course not Kuya! Anong klaseng tanong yan you see me bleed because of him do you think I still love him after that." tugon ko dito sa tono na may halong iritasyon.

"Love is different from Hate Aimy but there is always a thin line between those two things. Baka naman sa sobrang galit mo sakanya ay hindi mo marealize na mahal mo pa pala siya" ani pa nito. I sighted harshly hindi ko alam kung saan patungo tong usapan namin ngunit alam kung hindi ko gusto ang patutunguhan namin.

"I don't know what you are saying Kuya" umangat ang gilid ng labi nito sa sagot ko parang bang natutuwa pa ito sa reaction ko.

"You don't know coz your too afraid to know. Forgive Aimy di matatapos ang lahat ng problema mo hanggat di ka natututong magpatawad free your heart. Hindi porket masama ang isang tao ay habang buhay na itong masama there is always a word called change Aimy natutunan iyon ng bawat tao sa mundo kahit ikaw." natigilan ako sa sinabi niya.

"Stop lying to yourself Aimy. We only had few chances to be happy in our lives and if your going to mess it up always you might never get another chance on it. Ethan is a good man Aimy dont keep him just because you know he can't hurt you baka ikaw pa ang nakakagawa nun sakanya" dagdag pa nito bago tumayo at inayos ng kanyang suit.

"I still have a business meeting to attend. Take care of yourself baby girl. Be wise choose whats gonna make you happy" ani nito at pinatakan ako ng halik sa noo bago tuluyang lumabas.

Mabigat ang dibdib kong kinuha ang bag ko sa table at nagmartsa na paalis ng opisina I still have a lot if things to do. Pinaadar ko ang kotse ko at nagumpisa ng magmaneho. Gumugulo sa isip ko ang mga sinabi ni Kuya Tan Ethan is really a great man wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako. Am I selfish for keeping him? I love Ethan but I don't know if that love is enough reason to keep him.

Halos tatlong oras din ang tinaggal ng biyahe ko patungong laguna. There is a land na kabibili lang nang kompanya and I need to check it.

"Hi! Dapat sinabi mong pupunta ka rin dito sana ay dinaanan nalang kita" bati saakin ni Jack na kakalabas lang ng kotse nito dala dala nito ang laptop niya.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon