Home
"Nako Iha! Ang ganda ganda mo naman mas lalo ka yatang gumanda at dalagang dalaga ka na ngayon" maluhaluhang salubong saakin ni Manang Lourdes sa Airport pagkalapag ng aking eroplano galing New York.
"Nako manang nakakaganda talaga yata ang America tignan niyo tong si Aimy ilang taon lang na di umuwi na adopt na agad ang itsura ng mga taga doon" dagdag pa ni Kuya Lindo habang abala sa pagkarga ng aking mga maleta sa likod ng kotse.
"Sinabi niyo pa manang at kuya, nako sino ba namang hindi blo-blooming kung dalawa dalawa ang manliligaw" ani naman ni Nine na nasa tabi ko at tinatawagan din ang kanilang driver. Inirapan ko lang ito kayat bahagya siyang ngumisi bilang pangaasar.
"Na miss ko po kaya manang!" yakap ko kay manang Lourdes na agad naman niyang sinuklian ng mas mahigpit pang yapos.
"Are you sure Nine di ka talaga sasabay saamin?" baling ko kay Nine na busy pa rin sa pagkontak ng kanilang driver.
"Nope, Hihintayin ko nalang yung driver namin parating na rin yun" aniya sabay tulak na saakin pasakay ng kotse.
"Ohh I can't leave you here Kuya Tan will surely get mad at me kapag iniwan ko ang love of his life dito na magisa" pangaasar ko dito, umismid ito saakin at sinenyasan akong manahimik lalo na't di matangal ang curious na tingin ni manang saamin pagkabanggit ko ng pangalan ni Kuya Tan.
"No I'm fine here Aimy pwede ka ng mauna, and that's exactly why I didn't want to go with you andun ang demonyo" pinanlakihan niya na ako ng mata para tigilan ko na siya. Bumeso nalang ako dito habang tumatawa bago ko siya tuluyang iniwan.
"May problema ba si Janine at Stanley?" takang tanong ni Manang saakin pagkasakay ko ng kotse.
"Hindi po manang they just need to sort things out you know" paliwanag ko rito. Tumango lang ito saakin at bahagyang tumawa tila naintindihan ang nais kong iparating.
"Kakarating lang din ng Mommy at Daddy mo kanina galing silang Cebu may inasikaso yata doon. At si Stanley naman ay pumuntang opisina kaninang umaga pero tingin ko ay babalik din agad iyon para salubungin ka" ani nito habang hawak ang kanyang telepono at nag rereply sa kung sino man.
"I just want to see Mom and Dad puro si Kuya Tan nalang ang nakikita ko sa US" tumawa ito sa sinabi ko.
"Mabuti nga at naisipan mong umuwi rito akala ko ay doon ka na mamamalagi" masayang untas niya saakin.
"Sympre naman po manang dito ako lumaki kaya natural lang po na bumalik ako rito at saka gusto ko na rin pong makasama sina mommy at daddy ilang taon narin po kaming madalang makita simula ng bumalik sila rito." lalong lumawak ang ngiti ni manang sa sinabi ko.
"Nako iha nakakatuwa naman at hindi ka pa rin nagbago marunong ka pa ring lumingon sa pinangaliangan mo." ani nito na hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi.
Inikot ko ang mata ko sa paligid Manila has changed abit simula ng umalis ako nagtatayugan na ang mga buildings at mayroon naring skyway.
"Manang kamusta naman po ang bahay nila lola at lolo?" tanong ko rito. Simula kasi ng mamatay sina lola at lolo two years ago ay saamin naulit nag trabaho si Manang Lourdes. Malungkot itong ngumiti saakin.
"Binibisita pa rin namin ng mommy mo minsan para malinisan, hindi ko na kayang mamalagi doon ng matagal nalulungkot lang ako at na mimiss ko ang dalawang matanda." ani nito na may malungkot na boses masking ako ay bahagyang nalungkot wala ako noong inatake si lolo dahil sa sakit sa puso at namatay rin makalipas ang ilang araw na pamamalagi sa ospital at dahil sobrang mahal na mahal siya ni lola ay namatay rin ito pagkalipas ng higit isang buwan pagkatapos lumisan ni lolo.
BINABASA MO ANG
The Lying Game (Game Series 2)
Teen FictionMeet Aimy Anne Serrano a girl who wants to be seen by her Ultimate crush, then it happens she was the happiest girl that moment, she felt like she is finally living her own fairytale. But then fairytales weren't true in reality, his prince became th...