Chapter 6

72 2 0
                                    

Just Cheer for me!

Dahil sa wala akong choice at nakakahiya naman kung tatangihan ko si Jack ay pumunta na ako sa game nila. Bahala na kung paginitan pa ako ni Krista doon. Actually di naman ito ang unang beses na pumunta ako sa game nila actually lagi nga akong pumupunta kaso lang laging puno at kung minsan nakakainis na rin dahil puro feelingera ang mga tao dito. Pumupunta lang ako para sympre para masulyapan si Jack at matitigan ng matagal, dito ko lang kasi nagagawa ng hindi illegal. At pagnagsawa na ako ay umaalis na rin agad ako.

Hindi ko alam kung bat ako kinakabahan siguro dahil ito yung unang pagkakataon na yinaya niya akong manood ng game nila.

Marami ng tao nang dumating kami dito sa sport complex ng school namin, nandito na rin ang LIA Big Ballers ang school na makakalaban nila Jack. Napuno ang buong complex ng hiyawan at ibat ibang chants at banners mula sa kabilang panig ng mga bleachers. Nasa kabilang banda ng court ang mga taga LIA o Lauderdale International Academy na nakasuot ng Green shirt bilang suporta sa basketball team nila at katapat naman nila kami na nakasuot naman ng Red T-Shirt. Umuulan din ng banners sa buong paligid at meron ding sarisariling banners sina Jack, Alex, Zach at Tristan na ginawa mismo ng Fangirls nila.

Mas lalong nabalot ng hiyawan ang buong complex ng nagsidatingan na sa court ang mga players. Tanaw na tanaw ko dito sila Jack na nagaasaran at ang tatawanan pa kasama sila Alex na halata mong hindi man lang kinabahan.

"Aimy samahan mo muna akong mag CR di pa naman nag start yung game" yaya ni Janine saakin at bago pa ako makasagot ay hilahila niya na ko sa kompol ng mga taong tingin ko ay mag ccr din.

Sa sobrang dami ng tao ay di maiwasang magkabunguan o di naman kaya ay magkatulakan. Para tuloy kaming sardinas na pinitpit sa loob ng lata sa sobarang dami ng tao rito kahit may aircon dito sa loob ay pinagpapawisan pa rin kami.

"Aimy lika dito para di ka gaano maipit jan ng mga taong dumadaan" sabay hila niya saakin sa tabi niya.

Nagulat nalang ako ng may biglang kumalabit saakin.
"Miss nalaglag mo" isang Chinito na matangkad ang nasa harap ko at inaabot saakin ang panyo kong nalaglag.

"Ay thank you K--u--y" bago ko matapos ay dinugtungan na niya ang sasabihin ko.

"Ethan, Ethan ang panglan ko wag mo na akong kinukuya mukhang mag kaedad lang naman tayo ei." ngumiti ito saakin yung ngiting halos nawawala na yung mga mata niya, sabay abot ng panyo kong nalaglag.

"Nice to meet you Aimy, sana magkita ulit tayo" ngumiti muli siya saakin bago ako tuluyang tinalikuran at dumeretso na sa team nila dahil tinatawag na siya ng mga ka team mates niya. Naiwan naman akong gulat at magtataka kung paano niya nalaman ang pangalan ko.

"Omg Aims ang gwapo nun ahh bakit di mo man lang sinabi saakin na may kilala ka pala sa LIA naganyan ka gwapo" nagtatakang tanong saakin ni Janine na kagaya ko ay nagatataka din kung bakit niya ako kilala, kung di ko pa narinig ang boses ni Janine na sobrang lakas ay di pa ako tuluyang makakabalik sa wisyo ko.

"Hindi ko siya kilala, Nagulat nga ako kung bakit niya ako kilala e" sagot ko kay Janine na ngayon ay nakasunod pa rin ang tingin doon sa Ethan kahit na nakalayo na ito saamin.

"Omg baka stalker mo girl baka may lihim siyang pagtingin sayo OMG!!!!! " halos lahat ng tao ay napatingin saamin dahil sa pagtili ni Janine kahit kelan talaga tong babaeng to agaw atensyon, kaya bago pa siya tumili ulit ay binatukan ko na siya.

" Baliw, sa gwapo nong Ethan impossibleng maging stalker yun no baka pinagkakaguluhan pa nga yun ng babae sa school nila." anas ko kay Janine dahil impossible naman yata iyon sa gwapo niyang yun malamang maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya.

Ngiting ngiti pa rin si Janine ng nakabalik na kami sa upuan namin patuloy pa rin niya akong inaasar kay Ethan na kesyo daw bagay kami at mukhang mas matino pa daw ito kay Jack na kinababaliwan ko. At higit sa lahat mukha daw itong mabait at gentleman kuno.

Habang hindi pa nag umpisa ang laro ay nagkanya kanya muna silang meeting sa kanikanilang coaches, linibot ko ang tingin ko sa buong court hinahanap ang kahit anino man lang ni Jack sa dami ng tao sa baba ay hindi ko siya makita nagulat ako nang biglang nahagip ng mata ko si Ethan na nakatingin pala saakin nang napansin niya ito ay bigla na lang itong kumindat saakin.

"Omg, Omg girl kumindat siya sayo!!!!!" kilig na kilig na tili ni Janine sa tabi ko with matching hampas pa at yugyug. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ngitian ko nalang si Ethan na ngayon ay nakatingin pa rin saakin at natawa sa reaksyon ni Janine sa tabi. Sa huli ay umiwas nalang ako ng tingin sa kanya dahil paniguradong mas mapula pa ako sa kamatis ngayon dahil sa hiya.

Malapit na mag start yung game nag wawarm up na rin ang mga players ng magkabilang team ng biglang tumunog yung cellphone ko.

Unknown
Just Cheer For Me Only For Me !- Jack

Hinanap ng mga mata ko Jack gusto kong malaman kung anong ibig sabihin ng text na iyon kung meron ba o wala. Nakita ko siyang nakatitig saakin sa malayo ng nagtama ang mga mata namin hindi ko alam pero naramdaman ko ang galit at inis sa mga mata niya at bigla nalang siyang tumalikod saakin para maputol ang titigan namin.

Wait don't tell me nagseselos siya there's no way in this world na magselos ang isang Jack Fallon sa isang kagaya ko lang, gusto kong maniwala na totoo ang hinala ko pero mas dumadaig ang isip ko na wag masayadong magpadala dahil baka laro lang ang lahat ng ito para sakanya. Pinagmasdan ko lang siya habang naghahanda na sa laban. His the man of my dreams but I'll never gonna be his hangang pangarap lang ang isang kagaya niya tatak ko sa aking isip.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon