Chapter 22

64 0 0
                                    

Position

"Good Morning Kuya Tan! Your Up really early" bati ko kay Kuya ng makita ko itong naka suit and tie na habang kumakain ng breakfast.

"Good Morning Baby Girl" bati nito saakin ng may malawak na ngiti at sinalubong pa ako sa hagdan para bigyan ng halik sa pisngi.

"Seems like your morning is really good" taas kilay ko ritong sabi. Tumawa lang ito saakin at ipinag hila pa ako ng upuan sa dining table.

"Ohh your starting to creep me out Kuya what happened? Bakit ang saya saya mo yata ngayon?" takang tanong ko rito abot tenga pa rin kasi ang ngiti nito habang sumisimsim ng kanyang kape.

"Don't mind me Baby, Kuya is just happy coz he finally win something" mas lalong tumaas ang kilay ko rito hindi ko kasi maintidihan ang ipinupunto niya.

"Win something? Are gambling Kuya?" humagalpak ito ng tawa sa sinabi ko muntik pa nga niyang maibuga ang kapeng iniinom kung di lang niya napigilan ang sarili.

"What? are you serious Aimy do you think I know how to gamble ganyan ba kababa ang tingin mo sakin." madrama nitong sabi na may kasama pang paghawak sa kanyang dibdib na tila nasaktan ko talaga siya roon.

"Kasi sabi mo 'You win something' so I conclude na you do gambling" ani ko rito. Tumawa lang ito saakin na tila aliw na aliw siya sa mga sinasabi ko.

"Why do you think sa sugal lang pwedeng manalo? there are some other thing you can win baby girl some things whose way more important than money" mataman nitong sabi at nagligpit na ng kanyang binabasang dyaryo.

"Like what?" naguguluhang tanong ko rito. Ngumiti lang ito saakin at ginulo ang buhok ko.

"You'll know it soon Baby girl and I'm sure you'll be happy for me" ani nito at tuluyan ng lumabas ng dining area.

Naiwan naman akong nakatanga sakanya habang pinagmamasadan siyang paalis. Whats with those weird lines? kuryoso kong tanong sa sarili. Maya maya pa ay bumaba na rin sila Mommy at Daddy at sinabayan akong mag breakfast.

"Are you ready baby?" tanong saakin ni Daddy habang papasakay kami sa kotse niya.

"Yes dad I'm excited" tugon ko rito na mas lalong nagpalawak ng ngiti nito.

Halos isang oras din ang itinagal bago kami makarating sa building na inuokupa ng office ni daddy, masyado na kasing traffic kapag umaga kaya ang halos thirty minutes na biyahe ay inaabot na nang one hour.

Tumingala ako sa malaking signage na nakalagay sa harap ng building. 'DreamLife Reality Co.' napangiti ako, ganito na pala kalago ang business na itinayo nila mommy halos Six Years ago, I remember them having a small office na halos isang kwadradong kwarto lang ang laki noon pero ngayon ay isang building na ito na may sampung palapag.

Agad kaming binati ng guard pagkakita saamin. Masking ang ibang mga empleyado doon ay bumati rin saamin. Sumakay kami ng isang private elevator na para lamang sa mga VIP. Gawa ito sa salamin kaya kitang kita mo ang ginagawa ng mga tao sa bawat floor na madadaanan namin.

"What office is this Mom?" tanong ko ng nasa ikalawang palapag na kami. Puno kasi ng tao ang office at masyadong busy na rin ang mga empleyado kahit na halos alas otso palang ng umaga.

"Ohh I forgot to tell you na we try to expand our company you know try different kind of business na inclined na rin sa Real estate business natin" ani nito saakin.

"What kind of business Mom?" tanong ko ulit dito.

"We try to have an Insurance and Loan Services anak. But its not yet as stable as our Real Estate Business halos dalawang taon palang din kasi namin itong naumpisahan." paliwang nito saakin. Napanganga ako sa sinabi nito I can't believe na ganito na pala kalago ang business namin now I don't really doubt getting a degree in business administration in college  pero I think I need to study more at pagaralan pa ang takbo ng company namin maybe I should get some degree in Real Estate Management soon.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon