Chapter 7

75 2 0
                                    

Meet The Parents

Sobrang dikit ng laban ng LIA Big Ballers at BIS Tigers dahilan kung bakit mas lalong napuno ng ingay ang buong complex. Muntik pa ngang magkaroon ng gulo sa pagitan ni Jack at nung Team Captain nung kabilang team, Siniko niya kasi si Jack at halata namang sinadya niya yun para hindi makapasok at makatira si Jack.

Hanggang sa matapos ang Game ay ramdam pa rin namin ang tensyon sa buong complex masking ang mga nanood ay nagaaway away na rin, kanya kanya silang parinigan at asaran. Sa huli ay sila Jack pa din ang nanalo dahil maraming Foul ang kabilang team na foul out na rin ang team captain nila na sumiko kay Jack kanina kaya sobrang napilayan ang kabilang team.

Matapos ang game ay nagdiwang ang lahat at umuwi namang luhaan ang mga taga LIA at naghihingi pa yata sila ang rematch yun kasi yung sinisigaw nila kanina pagkatapos ng last quarter.

Nakita ko si Jack na binubuhat ng kanyang mga ka team mates siya rin kasi ang nipiling MVP. Nung nagtama ang tingin naming dalawa ay tumingin siya pababa sa cellphone ko, nakita ko na nag message pala siya saakin.

Jack:
Meet me at the Fire Exit ako mag hahatid sayo pauwi.

Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung anong plano ni Jack kung bakit ganito siya saakin, Minsan kasi ang hirap din niyang basahin masyado siyang unpredictable, Kaya sobrang nakakatakot.

Nagpasya na akong magpaalam kay Janine gagawa nalang siguro ako ang excuse para hindi ako okrayin ng babaeng to. Dahil paniguradong hindi ako makakaalis sa dami ng itatanong niya saakin once na malaman niyang si Jack ang maghahatid saakin pauwi.

"Nine una na ko, nagtext kasi saakin si Mommy pinapauwi niya na ako. " hindi ko alam kung bebenta ba kay Janine ang excuse ko. Pero ng makita ko siyang Marahang tumango saakin ay bumenta nga ito.

" Ahh cge, ingat ka ha pauwi text mo ko pag nakauwi ka na" buti nalang at naniwala siya saakin. Nagbeso muna kami bago ako tuluyang dumiretso sa Fire exit sa usapan namin ni Jack.

Pagkarating ko doon ay nahagilap kaagad ng mata ko si Jack naka grey muscle shirt at maong Skinny Jeans. Kitangkita mo ang magandang hubog ng katawan niya halatang pinaghihirapan niya ito. His messy hair are on point halatang effortless lang ang paggulo nito, and of course his perfect jawline na mas lalong na didipina pag nagagalit siya and his signature smirk na akala mo ay lagi siyang may kalokohang gagawin. I can't believe he is this perfect, he's a damn beautiful creature but at the same time he's trap that once you fall for him you cant never survive without getting your  heart break into pieces.

Nagising lang ako sa pagkamangha ko sakanya ng nasa harap ko na siya buti nalang at hindi niya napansin ang paninitig ko sakanya kanina.

"Kanina ka pa ba, sorry natagalan ako nag pameeting pa kasi si Coach e, " pambungad niya saakin ng magkasalubong ang tingin namin.

" A--hh hin-di.. Ok lang kakarating ko lang naman dito" great just great Aimy bulong ko sa isip ko nag stammer lang naman ako sa harap niya nakakahiya mabuti nalang at ngumiti lang si Jack saakin at hinila na ako papunta sa parking lot.

"Get In" malumanay na sabi niya saakin pagkatapos niya akong pagbukasan ng pintuan ng passenger seat ng kanyang toyota pruis.

Nabalot kami ng katahimikan sa loob ng sasakyan hindi pa din nawawala ang ngiting nakaplaster sa mga labi niya. Malamang tuwang tuwa siya sa pagkapanalo nila at pagiging MVP niya paniguradong maraming babae nanaman ang magkakandarapa sakanya.

Tahimik lang kami hanggang hangang sa nakarating kami sa bahay. Pagkababa ko ng sasakyan ni Jack ay Nagulat ako ng may bilang mag nagsalita sa likuran ko.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon