Chapter 13

64 0 0
                                    

Truth

"Love comes with sincerity, loyalty and patience"


"Magkwento ka naman friend dun kay Ethan slash childhood sweetheart mo" pangungulit ni Janine saakin sabay hampas pa sa braso ko.

Sinamaan ko siya ng tingin baka mamaya may makarinig pa sakanya at machismis pa ako na malandi.

"Sorry! Oo na si Jack your loves your one and only lang" ngiting asong pangaasar niya saakin.

"Alam mo di mo kakayanin si Wekwek iba ugali nun" ani ko sakanya. Ngumuso lang ang bruha at nag puppy face pa nagpapaawa na magkwento pa ako kay Ethan crush na crush niya kasi yun.

"Kasi naman ang daya mo ikaw lang may lovelife pano naman ako" pagtatampo niya saakin. I sighted exaggerately.

"Ok Ok, concern lang naman ako sayo e. Sa katawan mong yan keri mo bang lumapa ng Isang daang kwek kwek kada araw?" sagot ko sakanya. At ang bruha ay tawa ng tawa halos gumulong na siya sa sahig sa kakatawa.

"Yun lang ba problema akala ko naman ang laki. Anong klaseng kwek kwek ba ang gusto niya ipagluluto ko siya gusto niya kulay red pa purple or pink keri ko yan basta ipakilala mo naman ako sakanya." yugyug niya sa braso ko. Wala na akong nagawa kundi umoo nalang sakanya.

"Basta ha kapag nagkita kayo mamaya sama ko...bye magpapasalon muna ako" bumeso lang siya saakin at umalis na. Umiling iling nalang ako hayy...

Papaalis na ako ng classroom para sana makipagkita na kela Ethan at Nine dahil tapos na ang klase ko ngayong araw magisa lang ako dahil ang bruha mukhang nag paganda nga ng bonga dahil hindi na nakapasok sa klase namin ng panghapon, nagulat ako ng biglang nagvibrate ang cellphone ko dali dali ko itong kinuha dahil baka mamaya ay naiinip na sila sa kakantay saakin.

09*********
Aimy pumunta ka daw ngayon dito sa tambayan sa likod ng gym mainit nanaman ulo ni master - Zach.

Nagdalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi dahil may usapan kami nila Ethan at Nine. Wala naman siguro masama kung dadaan ako diba at sasaglit lang naman ako. Tinahak ko ang daan patungo sa likod ng Gym na halos wala ng katao tao dahil pauwi na halos lahat ng mga studyante.

Naririnig ko sa di kalayuan ang tawanan nila Jack mukhang andito nga sila papalapit na ako ng biglang nawala ang tawanan at napalitan ng seryosong usapan.

"So pre kelangan na ba naming magpabili ng bagong kotse at magipon ng para sa allowance mo everyday?" dinig kong tanong ni Zach sakanya. Tumawa ng pagak si Alex sa sinabi ni Zach.

"Oo nga dude malapit mo na mapasagot si Aimy head over heels na sayo pare. Alam mo bilib na ako sayo ikaw na ang hari, hari sa pagiging chickboy kahit sino napapainlove mo turuan mo naman kami ng mga moves mo Master Jack" pangaasar pa ni Alex sakanaya.

"Chill lang mga dudes, baka naman tayo ang magkakaroon ng bagong kotse at allowance for the whole month. Ehem Ehem..flash report...Ayon sa aking forecast mukhang na head over heels na ang ating master for the first time nangangahulugan na ba itong kumukupas na si Master of love natin." dagdag pa ni Tristan nagatawanan naman ang dalawa sa sinabi ni Tristan.Unti unting bumuhos ang mga luha sa mata ko, totoo nga pala palabas lang pala ang lahat ng ito ng dahil lang sa pustahan kaya niligawan niya ako. Nanikip ang dibdib ko sa katotohanan ayaw ko man maniwala dahil alam ko at ramdam ko na totoo ang lahat ng ipinakita niya saakin o baka naman saakin lang totoo ang lahat ng iyon dahil tanga ako at madali akong mapaniwala.

Hindi ko na namalayan na unti unti na pala akong nakalapit sakanila gulat na gulat si Jack ng makita niya ako agad siyang lumapit saakin upang hawakan ako ngunit bago pa niya iyon magawa ay dumapo na ang palad ko sa mukha niya at tinulak siya ng malakas. Wala na akong pakelam kung mukha man akong ewan sa harap niya ang importante ay malaman ko ang totoo kahit masakit tatanggapin ko kahit na alam kong nawawasak ako ng tuluyan dahil dito.

"Totoo ba? Totoo bang pustahan lang lahat ng ito? sagutin mo ko! pinaglaruan mo lang ba ako Jack?" sigaw ko sakanya habang hawak hawak ko ang t-shirt niya na nalukot ko na sa dahil sa sobrang galit ko sakanya.

"Sagutin mo ako!!! Totoo ba?!" nanatili siyang tahimik at nakakatitig lang saakin. Tila gripo namang umagos ang luha saaking mata. Gusto ko siyang saktan dahil sobrang sakit ng ginawa niya sakin gusto kong iparanas sakanya kung gaano ito kasakit ngunit nangingibabaw pa rin saakin na sana mali ako, gusto kong lumuhod sa harap niya at magmakaawang sabihin saakin na hindi totoo ang lahat ng narinig ko na mahal niya ako at hindi pustahan lang ang lahat ng iyon.

"Sagu....."
"Oo! Totoo pinaglaruan lang kita. Lahat ng to palabas lang pinagpustahan ka lang namin dahil bored kami at wala kaming mapagtripan sisihin mo yang walang kwenta mong diary dahil nalaman ko na patay na patay ka pala saakin." Dumapo ang kaliwang kamay ko sa pisngi niya.

"Ano masaya na kayo? napagtripan niyo na ako. Panalo ka na Jack sa walang puso niyong pustahan. Head over heels na ako sayo sana naman masaya ka na." Sagot ko sakanya. Hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas para manatili pa sa harap niya gayong alam ko na sa sarili kong wasak na wasak na ako mula sa katotohanang nalaman ko. Ngumisi lang ito ng mapait at muling bumaling saakin.

"Oo masaya na ako. Salamat sa kotse at sa Allowance" mayabang niyang sagot saakin pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako at umalis na silang lahat iniwan akong nakatayo at tulala sa lahat ng nalaman ko.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta ang alam ko ayoko munang umuwi sa bahay ayokong makita ako nila mommy at daddy sa ganitong sitwasyon. Lutang ang pakiramdam ko tulala at wala sa sariling naglalakad sa di ko alam kung saan. Umaasa na sana panaginip lang ang lahat ng ito na sa pagising ko ay nasa tabi ko pa rin siya. Natauhan lang ako ng biglang bumuhos ng malakas ang ulan dali dali akong tumakbo sa isang bakanteng bahay para makisilong.

Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko at doon binuhos ko ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng mga pagiyak. Kasabay ng buhos ng ulan ay ang mga luha kong tila hindi nauubos, patuloy lang sila sa pagpatak na parang di napapagod, umaasa na sana sa bawat pagbuhos nito ay mapapawi ang sakit na nararamdam ko ngayon ngunit imbis na mapawi ay tila lalo lamang lumalalim ang sugat na dulot nito.

Kasalanan mo naman ang lahat ng ito Aimy kundi ka tanga at nagpadala sa Jack naiyon edi sana di ka iiyak iyak ngayon. Pagalit ko saaking sarili. Ngumiti ako ng mapait ganito pala kasakit ganito pala ang pakiramdam na mapaglaruan at magmukhang tanga.

Unti unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko ng naramdaman ko ang dalawang bisig na yumakap saakin. Pinilit kong buksan ang mga mata ko para makita kung sino ito. Ngunit binigo ako ng mga ito kasabay nito ay ang unti unti ring pagkawala ng aking wisyo.

Love in this world is isn't fairytale. There is no such thing as prince,Princesses, Castle and Happily Ever after. There is only once upon a time, and endless sacrifices, heartbreaks, and heartaches that goes on and on and on maybe thats what love really is.

The Lying Game (Game Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon