A/N: Chapter 20 na yes!
"Teka ito na ba ang bahay niya?" Tumingin ulit ako sa nakasulat sa papel. "Ito na nga yung nakalagay na address."
Mmm..., medyo malaki ang bahay niya? Siya lang ba ang nakatira dito, sa laki nang bahay parang isang buong pamilya na ang pweding manirahan dito. Sarap seguro tumira sa bahay na ganyan malaki na at maganda.
Haist...hanggang parangap lang tayo dito, mukhang malabo tumira sa mga magagarang bahay na kagaya nito. Dinadown ko na naman ang sarili ko. Napabuntong hininga nalang ako sa sarili ko.
"Mmmph" rinig ko na umungol siya.
Lumabas ako nang kotse at binuksan ang kabilang pintuan.
"Sir trevor andito na tayo sa bahay niyo, kaya mo bang pumasok?" Hinila ko ang kamay niya para maka upo siya. Mukhang hindi niya ako narinig dahil nakayuko lang ang ulo niya,. tch' lasing na talaga to alalayan ko na nga lang papasuk sa bahay niya nang matapos na.
"Ahh..ang bigat mo?" Sabi ko sa kanya nang buhatin ko siya.
Nang makalabas na kame sa kotse niya, pinahiga ko muna siya sa may biranda para buksan ang gate. Nang mabuksan ko na bumalik ako sa kanya na nakahiga parin.
Buhat ko ulit siya, nang mapatayo na siya at alalayan ko, humarap siya sa akin nang buksan niya ang zipper sa pantalon niya.
Anong gagawin niya, dito ba siya mag huhubad wala pa kaya kame sa loob nang bahay nila.? Grabe naman itong lalaking to.
"hoy teka wag dito trevor," mahinang impit ko sa kanya hindi parin siya nakinig at patuloy lang sa pag tanggal nang zipper niya. " hoy ano ba ang gagawin mo teka" pag pipigil ko sa kanya.
Tumingin siya sa akin nang may kahulugan.
"Iihi ako masakit na ang pantog ko pwede ba." Pagpipigil niya sa sarili niya.
"Ah ganun ba, ikaw kasi kung bast-basta ka nalang akala ko kasi mag huhubad ka dito sa labas ei pano kung may makakita sayo dito baka sabihin nila na baliw ka." Nilingon ko na siya nang maramdaman kung tapos na siya mag bawas sa pantog niya.
"Mukhang kaya mo na ata pumasok aalis na ako, sige sir." Pagtalikod ko narinig kong may bumagsak.
"Sir trevor!" Putcha naman oh' inalalayan ko siyang tumayo.
"Umalis ka na ako kaya ko na'to."
Weh kaya daw niya, eh natumba nga siya kaya daw?!" anong kaya eh mukhang gagapang kana ata diyan sa sahig kung hindi kita inalalayan diyan eh." Pina-akbayan ko siya sa akin.
"Pinapalabas mo ba na painum-inum ako pero diko naman kaya ganun ba ha, ang yabang mo din no?! Sinimangutan niya ako.
Asal bata naman ang isang to. Bakit hindi ba ganun nadin yun palasing-lasing siya tapos hindi niya kaya, ano ang tawag dito sa ginagawa kung pag tulong sa kanya ngayon? Diba ganun narin yun hindi niya kaya ang sarili niya kaya ako na ang naghatid sa kanya.
Pasalamat siya at may kunting awa ako sa kanya. Kung iba pa ang mag hatid sa kanya baka pagsamantalahan pa siyang nakawan o di kaya baka patayin or baka rapen .....RAPEN ano siya babae.? Pwede narin baka kasi babae or bakla diyan. Sabihin na natin na oo Gwapo, mayaman, seksi ang katawan naman talaga siya kaya may posibilidad na baka nga rapen siya.
"Haist...buti pa sir, tara na sa loob baka ano pa ang magawa ko sa inyo." Irita kong sabi sa kanya na siya namang kunot na kunot ang nuo sa inis.
Nang makapasok na kame sa loob nang bahay niya, napa wow sign ako sanbibig ko. Ang ganda nang bahay niya sa labas pero pag pumasok ka sa loob mapapa double wow ka talaga, ang lawak at ang gagara nang mga kagamitan inferness.
Pina-upo ko siya sa malambot na sofa at nag lakad-lakad sa loob nang malawak niyang bahay, may nakita pa akong swimming pool sa labas.
Wow grabe talagang siya lang ba ang nakatira dito? " hoy! Kumag ano ba ginagawa mo diyan? Halika ka dito."
"Puta kung maka tawag naman hindi pa magandang pakinggan.'"
"May sinasabi ka ba?"
"Wala po sir," irita kung sagot.
"Akala ko kasi may sinasabi ka ei."
"Narinig mo naman pala na may sinasabi nag tatanong pa."
"May sinasabi ka ba ulit.?"
"Ah ang sabi ko po aalis na ako." Fake smile kung tumingin sa kanya.
"Teka lang tulongan mo muna akong umakyat sa kwarto ko."
"Ha? Ikaw nalang kaya mo naman yan ei."
"Sige ako nalang pero kapag nahulog ako sa hagdan at nagka bali-bali ang mga boto ko, ikaw ang isusumbong ko sa family ko, nang sa ganun papahuli ka nila sa mga pulis at--".
"Sige na sige ako na! Ako na ang mag bubuhat ako na ang mag dadala sayo sa taas, ako na ako na!!! Oh may problema pa ba SIR?" Pasinghal kong sabi sa kanya.
Shit hindi ko na makontrol ang sarili ko parang magkaka highblood ako sa taong to.
" Okey."
Bwusit!!! Sa inis ko at sa galit kong sinabi sa kanya, yun lang ang sasabihin niya sa akin. Arrrrggg!! nakakainis talaga at may pa ngiti ngiti pa siya, nakaka insulto na ata to sa akin eh.
Paakyat na kame sa taas, inalalayan ko parin siya kasi daw hindi pa niya kay, nahihilo pa daw siya ang drama talaga.
Pero sige pagbibigyan ko siya sa ngayon dahil sa lasing siya pero pag bumalik na ang katinuan niya ako naman ang gaganti sa kanya.
Kainis talaga bakit nakilala ko pa ang isang Trevor Santorn. Aaarrrggggg!!!!!
=========================♡
A/N: Vote naman kung nagustuhan niyo.^-^
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
RomantikTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...