N/A:
Pasensya na kung ngayon lang ako naka pag Update kasi medyonbusy ako this month kasi mag midterm exam na kasi namin at.maraming project ang gingawa ko. So heto lang.muna ang ma uupdate ko sa ngayon. Sa susunod nalang yung iba.==============================
Devin pov.....
Lilinawin ko lang hindi ko gusto ang ihatid niya ako, wala ako balak na sumakay sa kotse niya, madilim na kasi kaya ako pumayag sa alok niya.
Tama siya, madilim na at dilikado kaya naman nagpahatid nalang ako sa kanya.
Ito namang si patie nag txt siya sa akin nang nasa sasakyan ako.
[Patie message: Vin naka uwi ka na ba? Pasensya na, hindi ako makakasabay sayo ngayon sa pag-uwi may importante kasi akong nilakad. Txt ka pag na basa mo ito.]
Hindi ko na siya mareplayan kasi naman nag tatampo ako sa kanya.
Kahapon pa, nag txt siya na baka hindi mo na siya makaka sabay sa akin sa pag pasok sa trabaho.
Naiintindihan ko naman siya, malapit na nga siyang umalis tapos wala manlang siya time sa akin na kaibigan niya, dapat nga mag bonding kame bago man lang siya umalis.
Haist.....depressed ako ngayon.
Dagdagan pa nang isang ito ngayon sa tabi ko.
Nakakaloko kanina lang nang sabihin ko sa kanya ang daan pa punta sa amin, nakatitig ang loko sa akin.
Sana naman nakuha niya ang sinabi ko sa kanya.
"Malapit na tayo sa inyo." Lumingon ako sa harapan, malapit na nga kame sa amin. Nakita ko pa si ruby na kalalabas lang sa may maliit na gate namin.
"Sige dito mo nalang ako ibaba." Pag uutos ko sa kanya.
"Hindi doon tayo sa mismong harapan nang bahay niyo." Napatingin ako sa kanya nang naka kunot ang nuo.
"Wag na baka kasi nakaka abala pa ako sayo at baka may lakad ka pa, kaya dito na lang." Utos ko ulit sa kanya.
"Sabi nang sa tapat nang bahay niyo!" Taas boses niyang sabi.
"Bahala ka nga!" Nag cross arm nalang ako
Nasa tapat nang bahay na kame lumabas na ako ganun din siya.
"Ahm...salamat sir Trevor, hindi mo na lang sana ako hinatid, pero ganun paman salamat nalang ulit." Kumaway na ako sa kanya para mag paalam.
" aham....ganun na lang ba yun?" Napahinto ako sa sinabi niya anong ganun nalang yun?
Lumingon uli ako sa kanya, pinapasok ko nalang siya sa bahay dahil hindi ko.alam kung ano pa ang magawa ko sa lokong to.
Sinalubong naman ni tatay kame nang makita na pumasok kaming dalawa sa loob.
"Oh nak bat ngayon ka lang at sino siya?"
" boss ko po tay, sir tatay ko at yung isa maliit si jeje."
"Magandang gabi po, ako po si trevor Santorn ang nag iisang anak ni Veltor Santorn at Roose Santorn." Nakipag-shake hands sila.
Inintertain ni tatay si trevor habang nagbibihis ako sa kwarto ko.
Narinig ko pa silang nag-uusap at parang may pinapainom si tatay sa kanya.
Oo nga pala umiinom nga pala ang ama ko pag gabe, pero pag siya lang minsan isa o dalawang bote nang alak ang iniinom niya pero pag maykasama siya na baguhan o di kaya kaibigan niya, abay talagang aabutan kayo nang umaga sa kakainuman, ganyan ka adik sa inuman ang tatay ko. Pero take note hindi siya yung lasengero na naghahanap nang away pag nalasing o di kaya ay nag wawala pag nalalasing.
Pagkatapos kung magpalit lumabas na ako nang kwarto at dumiretso sa kusina. Medyo napansin ko lang siya na kanina pa pala sa akin nakatingin.
Oo nga pala naka suot ako nang medyo maluwang white sando at naka boxer lang. As i said ito talaga ang sinusuot ko pag nasa bahay ako pwera nalang kung may bisita o okasyon.
Hindi ko nalang siya pinansin, nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko at pumunta nalang sa harapan mismo nila.
Tumabi ako nang upo kay tatay, medyo nakaharap ako ngayon sa kanya.
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
Storie d'amoreTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...