#Someonelikeyou
#Pangalawang kabanata
Hello mga readersm..
Like and comment pagkatapos basahin.
Devin's pov.....
Umuwi ako sa bahay na may pasa sa mukha. Pumasok ako at sa nakita ko ang dalawa kong kapatid nanonood nang tv.
Sinara ko ang pinto at papasok na sana nang kwarto nang may narinig akong may tumawag sa akin.
" Devin ikaw na ba yan?" Si tatay pala narinig ata ang pag pasok ko.
"Ako nga po itay" i said.
"Kumain ka na ba, may natira pang kanin at ulam sa mesa kumain ka nalang." Sabi niya.
"Kumain na po kame ni patie sa labas." I said.
At dumaretso narin ako sa loob nang kwarto ko.
Hinubad ko ang suot kung damit para maligo at linisin narin ang pasa ko sa mukha.
Umaga 6:00am
Lumabas ako nang kwarto naka sando lang ako at boxers yan naman talaga ang always kung pantulog. Sanay narin ako na ito ang palaging suot ko pag lumabas ako nang bahay.
Sanay na kasi ako sa mga kapitbahay namin na pag lumalsbas ako at may bibilhin lang sa tindahan pinag titinginan na nila ako na para bang kay ganda kong binata. (Hahaha feeling).
Nakita ko ang kapatid kong lalaki na nakasandal sa bakuran namin at pailing iling sa mukha. Naku inggit lang yan sa kuya niya. Gwapo kase kaya ganun nalang ang mga kapit-bahay namin sakin. Napailing nalang ako habang pabalik nang bahay.
"Kuya grabe ka talaga araw araw nalang ikaw ang bukang bibig nang mga babae dito sa atin." Sabi niya. hay naku di na nasanay itong kapatid ko. Palagi naman talaga eh. (Weird smile).
" Alam mo ruby kahit paulit-ulit nilang gawin yan wala parin namang mag babago. Itong katawan ko kahit pag fiestahan nila to sa kakatitig. Hanggang titig lang ang mga yan. Okey." I said. With smirk.
"Hay naku ang hangin ni kuya." Sabi niya sabay pasok sa bahay.
Naligo na ako nang maaga dahil maaga din ang pasok ko sa trabaho. Sabado nag mamascot ako at pag lunes at bernes naman nag tatrabaho ako sa isang restaurant sa city.
"Kuya andito na si ate patie" sigaw nang bunso namin.
Nagmamadali na akong lumabas nang kwarto nang salubongin ako ni tatay. Nilahad niya ang palad niya sa akin alam ko na ang ibig niyang sabihin. Dumukot ako sa bulsa ko nang pera at inabot ko sa kanya.
Wala nang trabaho ang ama namin at siya nalang ang nag aalaga sa mga kapatid ko. Dati kasi isa siyang seaman kaso nagkaroon nang trahedya at isang aksidinte ang nangyari sa barko na sinasakyan niya. Sumabog kasi ang barko at nadamay siya sa pag sabog nito at nasunog ang likod nang katawan niya. kaya mula noon hindi na siya nakapag trabaho pa ulit.
" Good morning devin." Bati ni patie sa akin.
"Good morning. Tara na?" Himala bakit ang saya saya niya ngayon?
" Mukha atang masaya ka?" Tanong ko sa kanya.
"Hulaan mo?" She said.
"Wala akong time sa hula-hula na yan kaya sabihin mo nalang sa akin ano ba yan?"
May dinukot siya sa bag niya at pinakita niya sa akin ang kinuha niya.
"Tada!!" Isang ticket pa puntang cebu.?
"Ticket yan ah..pupunta ka talaga?" Tanong ko sa kanya?
"Oo syempre pupuntahan ko kasi ang parents ko doon. Gusto na kasi nila akong makasa kaya pinadalhan nila ako pambili nang ticket." She said.
Tuloy na talaga siya kung ganun hindi ko naman siya pwedeng pagilan. Gusto din naman niya yan eh.
" Wag kang mag-alala sa susunod na buwan pa naman ang alis ko kaya matagal pa ako dito." She said.
"Kahit na aalis ka padin." Mahina kong sabi umakbay siya sa akin at ginulo ang buhok ko.
" Ano ba patie ginugulo mo naman ang buhok ko ei." I said.
"Ikaw naman kasi eh ang drama mo tara na nga!" At naglakad na kame sa sa kayan papuntang city.
.............
Hi everyone. How do you like my story?
Don't forget to like and comment. Paki share nadin.
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
Roman d'amourTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...