"Narito na tayo."napalingon ako kay wacky at sa labas. Nandito na pala kame. ako na ang naunang lumabas sa kanya. Wala paring pinagbago ang bahay ni trevor. Iginala ko ang tingin ko sa buong bahay niya, sa labas kung saan ko siya hinatid noong lasing siya, sa may veranda kong saan siya humiga. Napa ngiti ako sa mga naalala ko.
"Sira ulo talaga."ang mahina kong sabi nang maalala ko na muntik na siyang umihi sa harap ko.
"Dito nalang ako sa labas hihintayin kita."ang sabi ni wacky sa akin. Tumango naman ako sa kanya.
Nandito kaya siya? Sana nga. Tumawag kasi ako sa resort nila pero wala daw siya doon, hindi siya pumasok ganun din si Mia.
Nasa harap na ako nang pintuan. Kaya ko ba'to. Parang may kaba sa dibdib ko na nagpapahina sa akin ngayon. Shit! Not now.!
Pumindot ako sa doorbell nang pintoan pero naka-ilang doorbell na ako wala paring bumukas.
"Pasukin mo na kaya."ang sabi sa akin ni wacky. "Baka natutulog payun. Alas 9 palang nang umaga. Sige na!" Ang pag uudyok niya sa akin.
Sumang-ayon nalang ako sa sinabi niya. Pumasok na ako at nag deritso sa loob. Walang maid si tre kaya alam ko na wala talagang mag aasikaso sa akin dito. Naalala ko na mag-isa lang pala siya dito sa sarili niyang bahay.
Pinihit ko ang pinto sa loob nang bahay niya at pumasok na sa loob.Wow ganun parin talaga ang mga nakalagay sa loob nang huli ko itong makita. Wala parin talaga siya binago sa bahay niya. Tumaas ang tingin ko, nasa taas pa kaya siya natutulog?
Hindi ko alam kung pupuntahan ko siya taas or kung dito nalang ako at hihintayin siyang bumaba. Pero paano naman kung tulog parin yun, eh para akong tanga na naghihintay lang sa wala, eh tulog mantika pala iyon matulog.
Bahala na nga. Umakyat nalang ako sa taas, nahanap ko agad ang pintuan ni tre, mas lalong bumilis ang tibok nang dibdib ko. Why so sudden? Bakit ba ako nagiging kabahan nang ganito. Oi tumigil ka nga diyan heart. Parang tanga kong suway sa dibdib ko. Gago lang talaga ako.
Pinihit ko ang pintuan nang kwarto niya. Syempre dinahan-dahan kong binuksan ang pinto baka magising ko siya, naluko na.
Parang magnanakaw lang ang peg no!?...
Nang makapasok ako na ako sa loob nilibot ko ang panginin ko sa kwarto niya same old ganun parin.
"Teka asan na siya?" Ang tanong ko sa sarili ko. Maayos ang kama niya. Umuwi kaya siya sa kanila?
Napa-upo ako sa gilid nang kama niya. Napa buntong hininga ako dahil sa wala naman pala akong naabotan dito. Akala ko pa naman makaka-usap ko na siya. Napahimas ako sa kama niya. 'Ugh ang kinis at ang lambot nang hinihigaan niya palagi.
Napahiga tuloy ako sa pakiramdam ko ngayon. "Tre." Ang nabigkas ko nang hinimas-himas ko ang higaan niya. Oo nga pala naalala ko noon ang nangyari sa amin ni tre dito sa kwarto niya. Tela naging masamang karanasan sa akin ang nangyari noon dahil sa pwersahan niya akong inangkin noon. "Gago ka talaga." Ang nasabi ko lang nang maalala ko yun.
Napa pikit ako nang mata habang pinapahinga ko ang sarili ko sa kama niya. " Mmmmmm....." isang tinig ang napamulat sa akin. Paglingon ko shit! Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Si trevor!?
Nakasandig siya sa pader nang pintuan habang seryusong nakatingin sa akin. Shit! Bakit ganun siya makatingin. Galit ba siya dahil nahigaan ko ang kama niyang marangya? Hindi naman ata siguro siya galit o baka naman dahi sa hindi ako nag paalam sa kanya na papasok dito sa bahay niya. Baka ganun nga siguro.
"Tre kani-na ka-pa?" ang kinakabahan kong tanong sa kanya. Bat ba ako kinakabahan. putcha naman oh.
Wala akong natanggap na sagot sa kanya at patuloy parin siyang nakatingin sa akin na parang napaka lalim nang iniisip niya.
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
RomanceTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...