Trevor's pov...
Nagising ako sa isang lugar na puro puti sa paligid lang ang nakikita ko, asan na ako saang lugar ito? Panaginip ba'to, kung nasa panaginip ako sana wala itong masamang pangitain sa akin.
"Trevor.".....
Isang tinig ang narinig ko mula sa kawalan. Napalingon ako kung saan galing ang tinig na yon.
"Trevor."......
'Huh sino ka, anong kailangan mo sa akin?
Wala akong makita na ano mang sinyales nang tao.
Bumangon ako sa kamang hinigaan ko. Pati ba naman ang kama puti din. Ano ba naman yan....nakaka kilabot huh?
(A/N: Take note po hindi ito horor or mystery. Nasa SLY parin tayo.^.^)
Isang pinto ang natanaw ko sa di kalayuan. Humakbang ako sa pintuan, pati pinto puti din. Puro puti din. Pati nga damit na pantulog ko puti din.
Eeeeee.....nanginginig tuloy ako.
"Trevor.".......
Ayan na naman ang boses na yan....bakit wala akong makitang tao man lang dito.
Dahil malapit na ako sa isang pintuan. Napahinto muna ako.
Teka......bakit parang mayroon dito hindi tama...napayuko ako at tiningnan ang mga palad ko at......unti.....unting napuno nang dugo ang kamay ko..
'Waaaahhhhhh........napasigaw ako sa nakita ko. Ano to! Bakit may dugo ang kamay ko.?'
Mabilis kung binuksan ang pinto sa harap ko at lumuwa sa akin ang nakakasilaw na liwanag....nagtakip ako nang kamay ko dahil sa liwanag na nang-gagaling sa labas.
Ano to?.
Isang napakalawak na talahiban ang nakita ko. Sa may bandang gitna mayroong isang malaking puno na kasing tangkad lang nang tao.
Naglakad ako papunta sa lugar na iyon. Tela kakaiba bakit ganito...bakit may mga ganito akong nakikita.
"Trevor."...
Habang papalapit ako sa lugar kung saan ang puno may natanaw ako doon na isang taong naka-upo. Nakatalikod siya sa akin at nakatanaw sa kawalan.
Teka.....parang nakikilala ko ang bulto nang lalaking ito.
Nang masagi sa isip ko si devin...bumilis ang tibok nang puso ko. Parang sumisikip ito.
'Ugh,....' napahawak ako dibdib ko, shit bakit ganito? Ang hirap huminga...teka bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?
Hindi ko kaya....
Pahakbang ako nang pahakbang sa taong nakatalikod sa akin.
'Tulongan mo'ko...pakiusap..' gusto ko sanang sabihin sa kanya kaso hindi ko masabi.
Gusto ko siyang abutin upang makahingi nang tulong.
'No....hindi ko na kaya... DEVIN!!!'..... wag hindi ganito please pakiusap... kailangan ako nang taong mahal ko...gusto ko siyang makita pa.'
While saying those words i feel like my head is eaching and i feel my sight getting blurry ....
BINABASA MO ANG
Someone like You (Bxb) Completed
RomantizmTrevor: Mahirap ba ako mahalin? bakit hindi niya ako kayang mahalin dahil ba sa pareho kaming lalaki? Yun ba ang gumugulo sa isip niya..? Mahal ko siya. Sa kanya ko lang unang natutunan ang mag mahal. Ang nakakatawa sa lalaki pa ako unang nagmahal...